CHAPTER 17

54.1K 828 6
                                    






"Vhea, andito na tayo . Gising na.. Wow!. Ang ganda naman dito."





" akjsdldcbjccacakddaj"





"Ano? Hay nako. Gumising ka na jan!"



"Ynna! Inaantok pa ko eh.."

"Bahala ka jan. iiwan ka namin dito.. marami pa namang multo ang gumagala dito lalo nang gabi na."



"H-Hoy Ynna.. wag kang ganyan alam mo namang mahina ako jan eh.. Nandito na ba tayo? Ikaw talaga di mo man lang sinasabi! Ang ganda naman dito. Tara na.. naku malamig dito sa labas dun na tayo sa loob mas safe dun. Ay este mas warm dun.. halika na!"





"Duwag ka talaga kahit kailan kung di pa tatakutin di pa gigising, tara na!"





Pumasok na kami sa hotel ng resort tapos nagpahinga na kami. Isang kwarto lang kami ni Ynna gusto niya daw ako makitabi.. gagawan daw niya ako ng bridal shower. Loka loka kahit kailan.



"Ynna, mauna na ko magshower ha?"





"Sure.."





Pagpasok ko sa banyo tinignan ko ang sarili ko sa salamin.



"Bukas na ang kasal mo Vhea, di ba dapat masaya ka? Pero bakit ganon? Kabaligtaran ata ang nangyayari sayo?"



Huminga nalang ako ng malalim at naligo na ng tuluyan. Dun na rin ako nagbihis ng pantulog at lumabas na. Paglabas ko wala kong makita. Bakit ang dilim!!



"Ynna.. nasan ka?"



Pero hindi sumasagot si Ynna.



'Ynna wag ka namang ganyan.. natatakot na ko."



Wala pa ring sumasagot. Wala talaga kong makita.. kinapa kapa ko yung dingding pero di ko mahanap yung switch. Takot ako sa dilim! I know it's so childish pero ayoko sa dilim feeling ko hindi ako makahinga. Umiiyak na talaga ko..



"Ynna!"



Humahagulgol na ko ng biglang bumukas yung ilaw.





"Congratulations Vhea!"



Tinignan ko si Ynna ng masama. Tapos ng peace sign lang siya. Nakita kong may bote ng champagne tapos ilang makakain.. mukhang may balak tong babaeng to.



"Ano ba tong kalokohan mo ha? Pwede namang gawin mo to ng nakabukas ang ilaw eh!!"



"Sorry na friend. Let's play a game! Tara na!"



Lumapit naman ako sakanya at umupo na sa may kama. Sinalin niya yung champagne sa isang baso at binigay sakin. Nag toast pa kami tapos ininom na iyon.. may mga pagkain din sa kama para kumakain kami habang naglalaro..

"Anong laro naman iyan ha?"



May pinakita siyang isang glass bowl na may laman ng mga papel sa loob.



"Oh ano iyan?"



"Duh.. question and answer portion. Ako ang judge tapos ikaw yung candidate."



"Huh? Adik ka? Ayoko nga. Ikaw ang candidate ako ang judge."



"Eh sino ba nag-isip nitong game?"


Arranged For You [Fin]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن