CHAPTER 13

55.5K 827 19
                                    

Hindi nga nagbibiro si Hans. Lahat nga ng pastries na kinain ko at tinikman niya ay inorder niya. Imagine.. ilan ba ang mga yun? 15 kinds of pastries? 15 o 16? Basta ganun karami. Katatapos lang namin kumain tapos hahatid na ko ni Hans sa Bistro Lounge. May work pa kasi ako.

Ang tahimik talaga namin. Wala talagang nagsasalita.. tapos nakaramdam ako ng pananakit sa tiyan.. kumikirot.. humihilab. Ang sakit talaga..



Tapos .. parang parang..





"HANS!" Sigaw ko. Ang sakit na talaga!


Biglang prumeno si Hans. Nauntog ako hindi pa naman ako nakaseatbelt. Ang sakit!

"Arayyyy naman! Dahan dahan nga!" sabi ko habang hinihimas ng isa kong kamay yung noo ko tapos yung isa nasa tiyan ko. Ang sakit talaga na ng tiyan ko.

"Eh sumigaw ka eh! Malamang nagulat ako! Bakit ba!!!"

"Hans, ano kasi.. mga ilang oras ba bago tayo makarating sa Bistro?"


"Mga isang oras pa siguro. Bakit ba?" Naiinis na sabi nito.


"Huh?!! Isang oras pa?" Jusko! Hindi ko kayang maghintay ng isang oras pa!

"Oo nga ang kulit mo! Tumahimik ka na nga lang!" pagkasabi nya,pinaandar niya na yung kotse. Ako, nanahimik nalang siguro huhupa din tong sakit ng tiyan ko. Pero hindi pa nagtatagal sumasakit na naman. AH! Hindi ko na talaga kaya..

"Hans hinto mo nga sa malapit na gas station."


"Ayoko nga. Maiipit tayo sa traffic."

Pucha! Bakit ba ang tigas ng ulo nito?! Aray talaga! Masakit na ang tiyan ko!

Tae naman tong lalaking to.Bahala siya! Hindi ko na talaga kaya!


Biglang lumabas!

Pwede ko ng kantahin iyong sikat na kanta. Ano ba iyon?

Let it go! Let it go! Can't hold it back anymore!

Ayan na nga sinasabi ko eh. Bigla ko ng binuksan yung bintana.. Nang tignan ko si Hans nakakunot na noo niya kahit na hindi nakatingin sakin alam ko naamoy niya ang pasabog ko. Nakakahiya talaga. Bakit kasi ngayon pa!

Lumiko si Hans sa Gas station.. Di ko na siya pinagsalita at tsaka ko agad bumaba hinanap ang restroom.

Pagkarating ko.. Sakto walang tao.. kumuha ako ng tissue sa bag ko buti nalang palagi akong may baong tissue. At ayun.. Umupo na ko sa Trono at naghasik ng lagim.


-------

HANS' POV



Ibang klase talaga tong babaeng ito. Sa lahat ng lugar na pwede pumatay ng ilong sa kotse ko pa talaga niya pinili. Binuksan ko lahat ng bintana sa kotse para sumingaw ang di kaaya ayang amoy. Napakatakaw kasi eh.. Parang wala ng bukas. Tsk. Para siyang hindi babae., nakakaturn off. Maganda nga nakakadiri naman. Tsss.

Tinignan ko ang relo ko mag si-six na. Napakatagal pa ng biyahe namin kasi traffic na. Kinuha ko yung phone ko at dinial ko number niya.

(Hello?)


"Anong hello ka jan! Get your stinky ass here now! Siguro naman ayos ka na!"


(Oo na e-) Di ko na siya pinatapos magsalita. Nakakainis. Alam naman niya na ayaw ko sa lahat eh yung pinaghihintay ako..


Arranged For You [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon