CHAPTER 8

60.1K 898 10
                                    

"IKAW?!" sabay naming bulalas habang nakaturo sa isa't isa.


"Magkakilala na kayo?" Gulat na tanong nila Tita Linda,Tito Rico at ni Dad.

Di ako makapagsalita.

Teka shocked pa ko.. Wait.

Etong gwapong hinayupak na ito ang mapapangasawa ko?? I think I'm gonna die. Eh gasgas ang ugali nito eh!

"Vhea... Hans.." Pukaw sakanila.


"Ah,nagkita na po kami once." agad na sabi ni Hans at naupo sa tapat ko.

Ako? Heto, at 'di parin makapaniwala sa natuklasan ko.

Pero bakit? Ba't siya pa?



"Ah,paano naman yun anak?" tanong ni tita linda.


"We just BUMPED to each other" cool na sabi ni Hans. At inemphasize niya pa talaga ang salitang bumped ha?!


"Wow. Fate plays its role." sabi ni Dad.


"Well, were here today to discuss your engagement and wedding." Excited na sabi ni Tita.


"Po? Ba't para naman po atang ang bilis?" Gulat na tanong niya.



"Ganyan talaga Vhea,matagal-tagal pa naman ang kasal ninyo pero kailangan maaga palang preparado na ang lahat." sabi ni Tito Rico.


"Payag ka naman anak 'di ba?" Sabi ni dad at hinawakan ang kamay ko.

"O-Opo" sabi ko.

May choice pa ba ako? Eh nakapayag na ako. Hay.


"Good, now let's get started." sabi ni tita at naglabas ng isang notebook at ballpen.



"Okay lang ba sainyo na ako na maglista. I want to arrange your marriage. Naeexcite na talaga ako." Masayang sabi ni tita Linda. Halata rito na excited talaga ito.


Nakakatuwa talaga si tita Linda. Parang bata lang. Binuksan niya ang notebook.. at nagtanong tanong samin ni Hans habang si Dad at tito Rico ay may sariling mundo.


"So,kelan niyo gustong makasal?"



"Anytime mom." sabi lang ni Hans.


Tinignan ko si Hans.. Cool and calm lang siya sa mga nangyayari. Okay lang ba talaga sakanya makasal sakin? Hindi niya ko kilala at mahal. Di ba siya natatakot sakin na baka rape-in ko siya?


Eh hindi naman kasi makakaila na gwapo at macho 'tong si Hans eh. Mas matangkad siya sakin, matangos ilong, maputi, may dimples sa magkabilang pisngi.. makapal ng konti ang mga kilay at at.. at bakit ko siya pinupuri? ...


"What about the theme? Ano gusto niyong theme Vhea?"

"Uhm.. kahit ano nalang po. Wala naman po kasi akong alam sa mga ganyan."

"Ikaw na bahala jan mom, ang mahalaga lang naman eh makasal kami 'di ba?." sabi ni Hans at kumain lang siya.

"Mukha ngang wala kayo maisip. Pero sige ako na mamimili tapos papakita ko nalang sainyo ha?" tumango nalang ako at kumain ulit. Minsan patingin tingin ako sa nasa harapan ko. Ano kaya problema nito nu? Mukhang may saltik eh? Di ko namalayan na pinagmamasdan ko na pala siya kaya nung bigla niyang inangat ang ulo niya nag meet ang mga mata namin. Bigla akong umiwas ng tingin kasi para kong kinuryente nang tingin niya.

Halos dalawang oras din kami sa restaurant at nagkwentuhan lang ang mga matatanda. Kami ni Hans tahimik lang. Ay hindi ako lang pala. Si Hans kasi busy sa Ipad na dala niya. Psh. Ang mayaman talaga.


"Well, let's call it a day., madami pang aasikasuhin. Two pm na pala." Sabi ni tito rico.

"Oo nga eh. Nasarapan tayo sa kwentuhan." natatawang sabi ni dad.


"Hans.. aalis lang kami nila tito Vic at dad mo. May pag-uusapan lang kaming importante sa bahay.. ikaw na muna bahala kay Vhea at mga five pm umuwi kayo ng bahay sabay sabay na tayong magdinner." sabi ni Tita linda.

Ano?

Iiwan nila ako?

Ako? Sasama kay Hans?

Ano gagawin namin? Eh di nga kami nag-uusap. Gusto kong prumotesta!


"Ay, naku tita wag na po. Uwi nalang po muna ko sa bahay tapos pupunta nalang po ko sainyo."


"Alam mo ba ang bahay namin?" biglang singit ni Hans.


"Ah,oo nga nu, Hindi eh. Saan ba?"

"Ba't ko sasabihin sayo? Tss.. 'di ka muna kasi nag-iisip eh.."

Aba! Loko 'to ah! Ang taray na lolo mo. Meron ata to eh!

"Nag aaway ba kayo?" tanong ni tito.

"Ah, hindi po tito."


"Hindi po kami nag-aaway dad. Sige po kita nalang tayo sa bahay ng five pm." sabi ni Hans.


Nagpaalam na sila Dad at nakaalis na habang kami ni Hans naiwan muna dito sa restaurant. Wala kaming ginagawa.. nakaupo lang kami. Siya? Ayun busy sa Ipad niya. Ako? Eto.. NGANGA!

"Hans,wala ka bang balak umalis?" lakas loob kong tanong. Eh naiinip na ako eh!

Pero di niya ko sinasagot.
Magsasalita na sana ko pero biglang may nagsalita sa likod ko


"Hans.."

------

Follow @kendeys
Twitter/Instagram/Ask.fm

Arranged For You [Fin]Место, где живут истории. Откройте их для себя