Chapter 19

8K 251 25
                                    

(Daphne POV)

" Marieyah ano bang maganda ang paint para sa wall ni Greggy boy? Hindi ko kasi gusto ang kulay blue na pintura niya madilim sa eyes ko. Gusto ko malinis at maliwanag." Tanong ko sa pinsan ko. Last time na nagpunta ako sa bahay nila ni Isaac super nagustuhan ko yung kulay ng paint ng bahay nila. Nakaka positive vibes sa mata. Ang sarap yakapin ang pader dahil sa sobrang ganda ng kulay.

" Try mo light beige or pale orange para medyo masilaw ang taong papasok ng bahay niyo." Tumawa si Marieyah sa kabilang line. Napanguso ako. Pero parang gusto ko ng pale orange hindi naman ganoon katingkad ang light color.

" Try ko yang suggestion mo tsaka mag-aayos na din ako ng mga gamit ni Greggy. My god parang nagbabakal bote ang bahay niya. Ang daming mga bote at mga abubot na hindi naman ginagamit." Balak ko talaga mag-general cleaning sa bahay namin. Para naman maganda na ang titirhan naming dalawa. Para maayos bago ako mabuntis.

" Wow ha talagang misis na misis ka na ngayon. Sana mabiyayaan na kayo ng baby." Napangiti ako sa sinabi ni Marieyah. Walang pagsidlan ang kasiyahan ko dahil sa sayang nararamdaman ko. Napaka suwerte ko kay Greggy bukod sa mabait napaka guwapo at macho pa ng asawa ko.

" Sana nga mabigyan ko na siya ng junior. Ginagawa na namin baka mabubuo na siya." Napahagikgik ako.

" Bakit inaraw araw niyo ba?"

" Anong inaraw araw? Inoras oras nga namin" napahalakhak ako. Totoo naman.

" Oh my god Daphne daig mo pa ako. Partida pa na babaero itong asawa ko." Sabi ni Marieyah.

" Ewan ko kay Greggy napapa oo niya ako kapag nilalambing niya ako. Siyempre ako magpapakipot pa ba? Ang sarap kaya niya magromansa. Ang laki laki pa kaya sayang saya ang aking bajayjay!" Napahalakhak ako.

" Daphne! Stop it napakabastos ng bibig mo. May asawa kang tao magbehave ka sa mga sinasabi mo." Hysterical na sabi ng pinsan ko. Napatirik ako ng mata.

" Yun nga eh okay lang dahil may asawa na ako. Ito naman parang hindi mo pinakita kay Isaac yang bajayjay mo. Ano ka virgin?" Biro ko sa kanya.

" Ewan ko sa iyo. Tuloy mo na yang ginagawa mo. Bye!" Biglang nawala na sa linya si Marieyah. Napapailing siya sa pinsan. Palibahasa kasi napakaconservative ng pinsan. Hanggang ngayon kahit may asawa na ito dala niya pa din. Ayaw pa rin mapag-usapan ang ganoong eksena para bang isang malaking kasalanan banggitin ang maselang bahagi ng babae at lalaki.

Mamaya ako pupunta sa bilihan ng pintura. Para mapalitan ko na itong pintura ni Greggy. Pero bago yan aalisin ko na ang mga gamit na patapon na para walang sagabal kapag sinimulan konna ang pagpintura sa pader.

Napatingin ako sa mga gamit ni Greggy mukhang madami itong ididispatsa ko ah? Mga sira sira na din ang mga ito. Grabe naman lalaking yun nangongolekta ng mga sirang gamit.

Napaangat ako ng tingin ng may kumalabog sa may harapan ng gate. Kaya napatayo ako para tingnan kung may tao sa labas.

(Gregorio POV)

Pagkatapos ng honeymoon namin ni Daphne bumalik na ako sa trabaho. Halos two weeks din ang naging pagliban ko sa trabaho. Madami ng trabaho ang nakatambak kaya kailangan kong gawin na. May mga kaso pang hindi pa namin nareresolve lalo na sa syndicate. Doon pa naman ako nakaassign ngayon dahil sa nangyari sa amin sa Isabela. Ako ang inatasan ni General na manguna sa kaso about sa drugs.

" Welcome back Sir! Kumusta ang honeymoon?" bati ng tauhan kong si Insp. Cuenca. Napangiti ako naalala ko ang honeymoon namin. Napaka special ng araw na iyon sa akin. Ako ang una sa lahat kay Daphne. Kaya mahal na mahal ko siya although may pagkakulit ang asawa ko. Minahal ko naman siya kahit ano pa siya.

" Ayos naman brod." sabi ko. " Go back to work." utos ko sa mga tuhan ko. Sumunod naman ang mga ito.

Habang nagtratrabaho hindi ko maiwasang isipin ang asawa ko. Napangiti ako kung noon wala.akong iniisip na iba ngayon meron na. Lalo na kapag nagkaanak na kami. Plano naming lima.ang magiging anak namin. Pareho kasi kaming mag-isang anak lang.

"Sir" napatingin ako sa tauhan ko. Nagsalute ito at gayun din ako. Napakunot noo ako kasi mukha itong takot.

" Nakatakas sa bilibid si Brillantes ang pinuno ng syndicate na hinuli natin noon!" napatayo ako sa kinauupuan ko.

" Paanong nangyari nakatakas siya?! Napakahigpit ng pagbabantay doon." siguradong may kasabwat na jail warden doon. Tangina wala talagang matinong tao ang nandoon.

Kailangan kong puntahan ang bilibid para alamin kung bakit nakatakas ang Brillantes na yun. Sigurado akong reresbakan ako ng gagong yun.

Nakipagkita ako kay Alexandro para ipaalam na din ang nangyari.

" Kailangan mong magdoble ingat brod baka resbakan ka nga ng Brillantes na yun. Naka red alert ang kapulisan dito sa Metro Manila. Bantay sarado na din ang NAIA at iba pang airport para hindi makalabas ng bansa. Pati na sa daungan ng mga barko. Sigurado akong gagawa ng paraan yun para makalabas ng bansa." Sabi ni Alexandro. Nag-aalala ako sa kaligtasan ng asawa ko.

" Kailangan kong mailayo muna si Daphne baka siya ang unahin ni Brillantes. Alam kong kilala niya ang asawa ko." Inakbayan ako ni Alexandro.

" Hayaan mo tutulong ako. Ibabalik natin sa kulungan ang gagong yun. Sila ang anay sa lipunan. Sinisira nila ang kinabukasan ng mga kabataan. Nakakabahala talamak na ang droga ngayon. Kahit sino gumagamit na kahit kabaro natin. Kaya dapat mabuwag na ang mga sindikatong ito." sabi ni Alexandro pumalatak pa ito.

Pagkauwi ko ng bahay galing sa presinto napahinto ako sa labas ng gate ng bahay ko. Nakabukas ang gate at magulo ang loob ng talyer ko. Bigla akong kinabahan.

Pumasok ako sa loob para icheck ang asawa ko. Napatda ako ng tumambad sa akin ang magulong sala. Binundol na ako ng takot at kaba.

" Daphne!!!!" Tawag ko. Ngunit walang sumagot. Nanghina ako at napaupo sa sahig. Napakuyom ang kamao ko. Humanda ang Brillantes na yun kapag may masamang nangyari sa asawa ko. Tumayo ako upang lumabas ng bahay para tawagan sana si Alexandro.

Naibaba ko ang kamay napatitig ako sa dalawang tao na nag-uusap. May bitbit pa yung lalaki na electric fan na luma. Galing sila sa may likod ng bahay.

" Oh babe nandiyan ka na pala. Pasensya ka na magulo ang bahay natin. Inaayos ko ang bahay natin tinapon ko na yung hindi na puwedeng gamitin. Ito si Kuya magbabakal bote binenta ko na sa kanya mga gamit na hindi na mapapakinabangan. Kinuha ko na yung nasa likod."Napaawang ang labi ko dahil nagkamali ako ng akala. Napakamot ako sa ulo ko. Akala ko kinuha na siya ni Brillantes. Yun naman pala nandito lang at nagbebenta ng mga luma kong gamit sa magbabakal bote. May pasigaw sigaw pa ako kanina. Muntik na nga akong mapaluha.

" Okay ka lang babe? Mukhang nagulat ka sa nakita mong gamit na inipon mo ng ilang taon. Hay naku mukha ka ng tambakan ng mga magbabakal bote." Sabi ni Daphne.

Maling akala lang pala.

" Sige ibenta mo na lahat yan." Sabi ko na lamang. Napangiti ako ng alanganin habang nangangamot ng ulo.

Hindi ko pa din maiwasan mangamba na baka isang araw may gawin ang Brillantes na yun. Alam ko ang karakas ng mga drug lord. Naghihintay lang ng tamang tiyempo ang mga iyon. Kailangan ko sigurong ilipat ng ibang bahay si Daphne.

Kinabig ko ang asawa ko at hinagkan ang sintindo nito kahit nasa harapan pa namin ang magbabakal bote.

Copyright©2019All Rights ReservedBy coalchamber13

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Copyright©2019
All Rights Reserved
By coalchamber13

Police Series 2 As long as you love me(Gregorio Magtanggol Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now