Chapter 11

8.2K 294 24
                                    

(Gregorio POV)

Nagpaiwan nga si Daphne dito pati na si Raymond dahil na knockout ni Daphne. Pinagstay ko na lang sila sa isang hotel na malapit sa bayan dito sa Isabela.

Naging busy ang araw namin ngayon. Nakipag meeting kami sa kapulisan dito. Para gumawa ng plano kung paano namin makocorner ang drug lord na iyon.

Pinuntahan ko muna si Daphne para magpaalam. Ayoko naman na umalis akong hindi nagpapaalam. Baka magalit ang mahal na reyna. Kumatok ako sa pinto ng suite ni Daphne. Matagal akong kumatok bago ito bumukas. Bumungad sa akin ang Daphne na sabog sabog ang buhok. Nakapantulog ito na sponge bob. Ito yung binili namin sa mall. Gusto kong matawa kasi expected kong mga pang sexy ang bibilhin nito pero nagkamali ako. Napatingin ako sa suot nitong pambahay na tsinelas. May design itong ulo ni sponge bob. Kaya nagmumukha siyang elementary.

" Greggy ang aga mo naman mambulabog. Istorbo ka sa panaginip ko. Nandoon na eh hahalikan na ako ni Jungkook tapos kumatok katok ka! Ang hirap pa naman makita ang idol ko na iyon. Sa panaginip na nga lang siya lumitaw! Tapos hahalikan na ako eh!" nangamot ito ng ulo sa sobrang inis. Kaya mas lalong nagulo ang magulo ng buhok nito.

" I am sorry  nagpunta lang naman ako dito para magpaalam." napalaki ang mata nito na kanina ay mapungay dahil antok pa.

" Ano iiwan mo ako dito? Teka lang huwag mo akong iiwan! Sasama ako sa iyo!" tatalikod na sana ito ng higitin ko ang braso nito.

" Hindi pa tayo uuwi. What I mean ngayon ang operation namin. Kaya hindi muna tayo puwede magkita ngayon." pagkompirma ko.

" Ahhh.. Akala ko naman iiwan mo ako." napangiti ako. Parang iba kasi ang pakahulugan ko sa iiwan.

" Oh ito pala almusal mo para hindi ka na lumabas. Kapag natapos na operation namin. Pupuntahan kita ulit" sabi ko. Tumango ito.

" Salamat dito ha? Tsaka ingat ka okay. Para makauwi ka ng safe." nginitian niya ako. I like her when she smiles. Nakaka dugdug ng puso.

"Okay I will. Ikaw din ingat ka may balat ka pa naman sa puwet." nanlaki ang mata nito. 

"Hoy wala akong balat sa puwet! Gago ito ah?!" napanguso ito. Natatawa akong umalis na lamang. Kailangan ko na din umalis dahil dapat nasa presinto na ako. 

NAGPAPASALAMAT ako dahil nahuli na din namin ang drug lord na numero unong wanted sa ka Maynilaan. Kaya makakauwi na din kami ni Daphne. Isasabay ko na siya sa helicopter para hindi na ito bumiyahe pa sa bus. Mamaya niyan malasin na naman ito. Si Raymond magpapaiwan dahil gusto niya pang magstay ng matagal dito sa Isabela. Hindi ko alam kung ano ang balak nun. Baka gusto makasagap ng sariwang hangin at malayo sa magulong buhay showbiz nito. 

Pinuntahan ko si Daphne. Pagkapasok ko sa lobby ng hotel nakita ko na agad ito. May kausap siyang lalaki na sa tantiya ko ay isang staff sa hotel. Nagkakatawanan pa ang dalawa. Kaya nainis ako.

" Love!" tawag ko kahit alam kong hindi lilingon sa akin si Daphne. Pero laking tuwa ko ng mapalingon ito sa akin. Kumunot ang noo niya. Hindi ito nakahuma ng kabigin ko siya payakap. Hinagkan ko ang noo nito.

" I want to invite you to have a dinner with me. Natapos na ang mission namin. Kaya we will celebrate." sabi ko. 

"Love ba ang tinawag mo sa akin?" bulong nito sa akin. Tiningnan ko ito ng may pagtataka kunwari. Umiling ako. 

"I called you by your name." gusto kong mapangiti dahil parang hindi naman ito naniniwala. Hinawakan ko ang kanyang kamay. 

"Mauna na kami Miggy" sabi nito. Inipit pa nito ang buhok sa teynga na para bang nagpapaganda lang sa harapan ng lalaki. 

Police Series 2 As long as you love me(Gregorio Magtanggol Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon