Chapter 6

7.8K 300 30
                                    

(Daphne POV)

Isang linggo na hindi ako nagpupunta sa bahay ni Gregorio. Iniiwasan ko kasi siya. Ayoko ng magkrus ang landas namin. Mas okay ng ganito kaysa lagi kaming nagbabangayan kapag nagkikita.

Pagkapasok ko sa opisina. Napatigil ako sa paglalakad. Dahil nakita ko si  Gregorio na nakatayo na parang may inaabangan. Akala niya papansinin ko siya. Neknek niyang panot. Naglakad na ako upang dedmahin lang siya. Pero napahinto ulit ako ng may sinalubong siyang babae na nakangiti. Magyakapan ang dalawa sa harapan ko mismo. Hindi ako napansin ni Gregorio. Para naman nagkaroon ng pagsabog ang loob ng puso ko. Nawasak.. As in wasak na wasak. Napanguso bakit ko ba nararamdaman ang wasak na ito. Bwisit. Nanatili lang akong nakatayo tila ba napako ang paa ko sa pagkakatayo.

" Nice to see you Gracia. Ang laki ng pinagbago mo. You are a woman now" kinilig ang babae sa sinabi ni Gregorio. Hinampas niya ng pabebe style ang malaking bicep ni Gregorio.

" Ikaw naman binobola mo na naman ako. Siyempre I am already 24 years old. You look more handsome now Greggy." mahinhin na sabi nito.  Mas ahead lang pala ako ng isang taon.  Ang lumanay kasi ng boses niya. Icompare sa akin na taratitat. Eh ano naman, ako ito eh? Bakit kailangan kong icompare ang sarili ko sa babaeng pabebe.
Napairap ako ang pabebe lang. Tinalikuran ko na sila. Sumasakit ang heart ko. Buti pa iyong girl sinasabihan ni Gregorio ng maganda. Samantalang ako kulang na lang pati kaluluwa ko sabihan niya ng hindi maganda.

Hay makapag fb na nga lang. Baka may mahanap pa akong ikakagalak ko. Habang nagbabasa ng mga news sa newsfeed may nahagip ang magaganda kong mata. Nanlaki ang ang eyes ko sa nakita. Oh no hindi ito maari. Kinuha ko bigla ang bag ko. Wala naman ang boss ko mag undertime muna ako.

" Hoy saan ka pupunta?" tanong ng kaibigan ko dito sa office.

" Masakit ang tiyan ko. Kailangan ko magpaconfine. Hindi ko na kaya!" exaggerated na dahilan ko.

" Hala sige gora ka na. Ako ng bahala magsabi sa Supervisor natin." sabi naman nito.

" Okay thank you." minadali ko ang lakad ko para makarating sa kinapaparadahan ng car ko.

Kailangan malaman ni Tacia ito. Kahit labag sa beauty ko ang pumunta doon kailangan kasi. Weh di nga baka naman gusto mo din makita si Greggy. Anang isip.

" Will you shut up!" napataas ang boses ko kaya napatingin ang lalaki na nasa tabi ng kotse ko. Napangiti ako at napapeace sign.

Narating ko ang Rizal na walang kahirap hirap dahil nagshort cut ang beauty ko. Tiniruan kasi ako ni Gregorio kung saan ang daan na walang traffic. Bakit ko ba naalala ang lalaking iyon.

"Tacia!" sigaw ko nasa labas palang ako ng bahay ni Greggy. Pinatahimik ako ni Tacia gamit ang daliri nito ng marating k ang loob ng bahay.

"Ang ingay mo natutulog si Matthew. Bakit ka ba napasugod bigla dito? Akala ko nasa out of town kayo ni Marieyah?" tanong nito. Iyon kasi ang dahilan ko ng hindi ako nagpupunta dito ng ilang araw. Umupo ako sa tabi ni Tacia.

"Tingnan mo ito! Grabe aatakihin ako sa puso!" exaggerated na sabi ko. May pahawak hawak pa ako ng kamay sa tapat ng dibdib ko. Ang OA lang ang peg ko.

"Ano ba ang ibig mong sabihin?" nakakunot na tanong ni Tacia sa akin. Ipinakita ko ang news sa cellphone ko. Nakalagay doon ang pangalan ni Trevor at ni Caroline. Sinasabi doon na ikakasal na daw sila. Tumayo na si Tacia kaya napatingin ako sa kanya. Ibinigay niya sa akin ang cellphone ko.

"Walanghiyang babae iyon. Talagang gumawa ng paraan para lang ma annul ang kasal niyo na hindi pumirma? Grabe! Dapat doon sunugin ng buhay! Tacia naman ipaglaban mo naman ang lalaking mahal mo. Magtatago ka na lang ba? Hahayaan mong Manalo ang babaeng iyon?" naiinis na sabi ko. Pareho pareho lang ang mga lalaki. Pinaglalaruan lang nila ang damdamin ng mga babae. Hinawakan ko ang kamay ni Tacia bilang pagdamay sa nararamdaman nito. Alam kong masakit sa kanya iyon. Dahil mahal niya si Trevor at may anak pa sila.

Police Series 2 As long as you love me(Gregorio Magtanggol Story)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon