Chapter 17

7.7K 277 51
                                    

(Gregorio POV)

" Pagplanuhan na natin ang kasal natin babe? Gusto kong maunahan si Alex na mag-asawa." natatawa kong sabi kay Daphne. Nakahilig siya sa dibdib ko habang nakahiga kami sa isang hammock. Nandito kami ngayon sa bahay ko at nagpapahinga. Pinasadya kong magpagawa ng ganito dahil kapag dayoff gusto ko lang humiga para magpahangin dito sa ilalim ng puno. 

"Bakit gusto mong maunahan si Alex na mag-asawa? Eh mauuna ka naman dun. Eh di ba kailangan pang maka graduate ni Melissa. Nasa 3rd year college pa lang siya. May isang taon pa si Alex sa paghihintay." sabi ni Daphne.

"How about this year babe? Maganda nitong December kahit sa huwes lang. Gusto na kitang makasama babe." sabi ko sabay halik sa noo niya. Hinaplos ni Daphne ang ibabaw ng dibdib ko.

"Okay ayos lang naman sa akin kahit huwes. Ang mahalaga makasal na tayo. Si Marieyah nga kasal na dapat ako ang mauuna dahil mas matanda ako sa kanya. Pero siya ang nauna." 

"Hindi naman importante kung sinong nauna. Maging masaya na lang tayo kay Marieyah dahil kahit aso't pusa sila ni Isaac. Sila pa din ang nakatadhana . Parang tayo kahit ayaw natin sa isa't isa noon pero nain love ka sa akin ng sobra. Aba sino naman ako para tumanggi di ba?" napanguso si Daphne sa biro ko. 

" Hoy hindi ako ang naghabol sa iyo no? Ikaw kaya yun! Ang concited mo ha?!" 

"Joke lang yun. Ikaw naman siyempre ako ang patay na patay sa iyo. Yung tipong puwede na akong ilibing." sabi ko sabay tawa ko. 

"Ang kornik ng joke mo! Hindi ako natawa." may naisip akong hugot.. 

"Babe..."

"Hmmm.." tugon nito. 

"Ang hirap talaga kapag kulang. Katulad ng bahay na walang ilaw. Ng adobo na walang sitaw. Itlog na walang dilaw. At ako pag walang ikaw." sabi ko.. Napagalaw ako ng kurutin ako ng mahina ni Daphne sa tagiliran ko. 

"Ang pag-ibig, Hindi lang basta isang emosyon na nararamdaman. Kundi isang desisyon na dapat panindigan." sabi naman nito. 

"Siyempre naman paninindigan kita. Kaya nga gusto kong ikasal na tayo sa December para maabutan natin ang 12.12.. Big Christmas Sale." sabi ko. 

"Bakit?" halos malukot ang noo ni Daphne sa sobrang kunot nito. 

"Doon tayo bibili shopee ng damit mo sa kasal natin. Big sale sila makakatipid tayo.." humaba ang nguso ni Daphne. Akma itong tatayo ng pigilan ko. hinagkan ko ang kanyang buhok. 

"Ito naman hindi na mabiro. Siyempre bibili tayo sa boutique, pinakamahal ang bibilhin natin para sa iyo babe. Aba special day natin yun. Kailangan maganda at pinakasexy ka sa kasal natin." napangiti si Daphne.

" Ikaw talaga ang macho mo." napatawa ako sa sinabi niyang macho. Ano naman kinalaman ng pagkamacho ko sa sinabi ko.

ISANG linggo lang ang ginawa naming preparation sa kasal namin ni Daphne. Piling tao lang ang inivited dahil gusto naming maging pribado ang mahalagang araw namin ni Daphne. 

Invited ang mga kaibigan ko. Kinuha kong Ninong si Alexandro. Todo tanggi pa nga siya dahil hindi pa naman daw siya ganun katanda para gawing Ninong. Biniro ko nga na hindi nga ganun katanda ang edad niya pero sa hitsura mukha na siyang hukluban. Pero wala naman nagawa si Alexandro kung hindi pumayag. Aba isusumbong ko siya kay Melissa. Nakasundo ko na ang batang yun kaya sanggang dikit na kami. Halos pagselosan na ako ni Alexandro. Parang nakakabatang kapatid ko ang turing ko kay Melissa. Wala kasi akong kapatid nag-iisa lang akong anak. 

"Anak masaya kami dahil natagpuan mo na ang babaeng tunay na magmamahal sa iyo. Kahit na noong kinasal ka hindi sumipot ang bride mo. Nagpapasalamat ako at hindi mo tuluyang sinara ang puso mo na magmahal muli. Pinagdadasal namin nawa na maging masaya kayo ni Daphne." sabi ni Mama.

Police Series 2 As long as you love me(Gregorio Magtanggol Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now