Chapter 7

7.7K 285 17
                                    

(Gregorio POV)

Madalas kaming lumabas ni Gracia. Akala ko hindi ko na siya makikita. Mula noong nagpunta ito ng ibang bansa hindi na din kami nagkausap. Naging kami ni Gracia noon kahit napakalaki ng agwat namin. Pero sadyang hindi kami itinadhana. Mas prioriy nito ang pag-aaral kaysa sa akin.

Magmula noon hindi na ako umibig pero nagkamali ako. Dahil umibig akong muli sa babaeng hindi naman pala ako minahal. Napakasakit sa akin na iwan ako mismo sa aking kasal. Kaya nga hindi ako masyadong naglalapit sa mga babae. Pero sadyang lalapitin ako. Hindi ko naman maiwasan. Ganoon talaga kapag guwapo. 

Dumaan ako sa coffee shop ni Marieyah. Gusto ko kasi siyang icongratulate sa nalalapit na kasal nila ni Isaac ang pinsan ni Alexandro. Buti pa yun kahit mahangin at puro kamachohan at kaguwapuhan ang alam. Minahal siya ni Marieyah ng totoo.

"O Gregorio napadalaw ka. Kung si Daphne ang ipinunta mo dito. Wala siya nasa bakasyon nagpapagaling ng sugat niya." napakunot ang noo ko. Sugat? 

"What happen to Daphne? Bakit nagkasugat siya may nangyari bang masama sa kanya?" nag-aalalang tanong ko kay Marieyah. Kahit naman asar ako sa ugali ng babaeng iyon may konti naman akong concern sa kanya.

" Oo nagkasugat siya. Kasalanan mo ang lahat." sabi ni Marieyah. Bakit kasalanan ko? Nakipag-away ba si Daphne ng dahil sa akin? Bakit naman?

" Hay naku ang hina ng pickup mo Gregorio. Bakit ka nga nandito?" tanong nito. Inirapan niya ako.

" Magbibirthday kasi si Gracia. Gusto ko sana isurprise balak kong dito sa coffee shop gawin ang pagsurprise party ko sa kanya. Magkano ba kapag nirent ko ang buong coffee shop mo?" sa makalawa na ang kaarawan ni Gracia. Matutuwa iyon dahil ilang taon na din magmula ng itreat ko siya sa isang ice cream parlor noon. Nakita ko kung gaano ito napasaya.

" Naku kapag nalaman ni Daphne ito hay mas lalong magkakasugat sugat iyon." bulong ni Marieyah.

" Ano?" tanong ko.

" Wala ang sabi ko depende kung ilang person ba ang mag-ookupa. Meron kaming function room dito. Hindi mo na kailangan irent ang buong coffe shop. Baka mapamahal ka." paliwanag nito.

" Okay pag-usapan natin mamaya. Dadaan ako dito after work." tumango si Marieyah.

" Okay itext mo ako what time ka punta dito. Mamaya kasi dadaan ako isang dealer ko ng milk baka magkasalisi tayo." tumango ako.

" Saan ba nagpunta si Daphne? Gusto kong malaman kung ano na ang kalagayan niya? Tsaka para madalaw ko na din" nag-alala ako sa kanya. Hindi na kami nagkausap ilang buwan na. Kahit ganoon naman iyon namiss ko ang kakulitan ng babaeng iyon.

" Nasa Singapore siya. Naghahanap ng Fafa niya doon. Broken hearted ang pinsan ko. Dahil kasalanan mo! Tseh! Diyan ka na nga lang. Ang sarap mong batukan." singhal niya sa akin. Halos magsalubong ang kilay ko sa pinagsasabi niyang hindi ko naman naiintindihan. Napapailing ako sa magpinsan na ito para silang may sariling mundo. 

Pagkalabas ko ng coffee shop ni Marieyah. Halos magbuhol ang kilay ko ng mamataan ko si Daphne na may kausap na lalaki. Akala ko ba nasa Singapore. Nagtatawanan ang mga ito. May pahampas hampas pa ng dibdib si Daphne sa lalaki. Matangkad ang lalaki at may hitsura din. Pero mas guwapo ako.  Hindi ba guys?

I cleared my throat to get their attention. It seems they have their own world. They turn their head at me. Nawala ang ngiti ni Daphne napalitan ito ng pagkairita. Sa guwapo kong ito maiirita siya?

" Akala ko nasa Singapore ka? Nandito ka lang pala." sabi ko.

" Kadarating ko lang. Eh ano naman pakialam mo kung nandito ako? Bakit bawal ba akong pumunta dito?" pagtataray nito sa akin. Napahilot ako sa sintindo ko. Hindi ko alam kung hanggang saan ang pagtitimpi ko sa katarayan sa akin ni Daphne.

Police Series 2 As long as you love me(Gregorio Magtanggol Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now