Chapter 15

7.8K 260 16
                                    

(Daphne's POV)

Napapangiti ako kapag naalala ko si Greggy boy. Ewan ko parang may nararamdaman na ako sa kanya. Hindi parang mayroon na talaga. Kahit na ba noong unang encounter namin hindi naging maganda. Pero napatunayan ko naman kahit ganoon kasungit itong si Gregorio he has a good heart. Inaamin ko na mas lalo siyang naging pogi sa paningin ko. Napahawak ako sa pisngi ko. Naramdaman ko ang pag-iinit nito. My god in love na ba ako kay Gregorio?

Nawala ang ngiti ko ng maalala ko last time na kasama na naman nito yung babaeng naging ex niya. Napasimangot bigla ang mukha ko. Nakakainis naman talaga kung maririnig mong nagsabi  sila sa isa't isa ng  i love you. Ano ang iisipin ko? Kahit na ba sinabi ni Gregorio na wala lang yun. Nagseselos ako.

"Daphne, bakit ang sama ng timpla mo yata ngayon? Para kang kapeng barako." Napakunot noo ako sa sinabi ni Marieyah.

"Anong kape ang sinasabi mo diyan? Ano naman ang koneksyon sa aura ko ngayon sa kapeng barako, aber?" pinanlakihan ko ito ng mga mata. Natawa ito.

"Kasi madilim yang aura mo. Alam mo inuman mo lang yan ng 8 glass of water para mahimasmasan yang nadudurog mong puso. Kahit hindi mo sabihin nagseselos ka dun sa kasama palagi ni Gregorio baby mo," sabi ni Marieyah. Tumawa pa ito ng nakakaloko. Hinampas ko sya ng magazine na nadampot ko sa lamesa. Tumayo ito para lumayo sa akin.

"Anong nagseselos hindi no? Kahit ba maghalikan sila sa harapan ko eh. Wala naman akong pakialam!" napatingin ako sa ibang direksyon. Ayoko kasi makita ni Marieyah na hindi ako nagsasabi ng totoo.

"Sus aminin mo na kasi love mo na si Greggy boy mo. Kung ako sa iyo ipaglaban mo ang karapatan mo!" napairap ako sa sinabi niyang karapatan. In the first place wala naman kami. Ano naman ang ipaglalaban ko dun? Ni hindi nga nanligaw sa akin si Gregorio. O sabihin man lang na hindi siya nagkagusto. Alam ko naman na hindi ako kagandahan. Dyosa lang. Hindi din ako kahinhinan. Magaslaw lang. Mas lalong hindi ako tahimik na tao. Isa akong taratitat.Eh ano naman ngayon? Hindi ko kailangan baguhin ang sarili ko para mahalin lang ako ng taong mahal ko. Naks makamahal naman ako akala mo totoo na.

"Siraulo ka Ieyah wala naman kami. Bakit may paglaban ka pang nalalaman?" kunot noo ko siyang tiningnan.

"Ibig kong sabihin dun kung hindi marunong manligaw si Gregorio. Siya na lang ang ligawan mo? Atleast nagpakatotoo ka lang sa sarili mo."

"Bakit ko naman gagawin yun? My god kahit siya pa ang huling lalaki hindi ko gagawin yun. Siya ang dapat gumawa ng first move hindi ako!" I cross my arm and lean my back on the chair.

"Payo ko lang naman yun. Kaysa naman ganyan ka? Nagngingit ngit ka sa selos. Paano na lang hulog na hulog na si Greggy dun sa babae? Naku patay ka Daphne mauunahan ka pa nun. Eh di nganga ka!" napaisip naman ako doon. Napapansin kong sobrang close ng dalawa. Kung halikan ni Greggy yung babae parang may something na sa kanila. Mas lalong sumama ang pakiramdam ko. Dapat ko pa bang ipaglaban itong namumuong pag-ibig para kay Greggy boy? tanong ko sa sarili ko. I don't know what to do. Ayokong ibaba ang sarili ko para lang sa pag-ibig.

(Gregorio's POV)

Tinawagan ko ang phone ni Daphne pero naka off ito. Ibinalik ko na lamang ang phone ko sa bulsa. Pupuntahan ko na lamanhg siya sa coffee shop ni Marieyah. Lagi naman doon tumatambay ito.

Lalabas na sana ako ng presinto ng masalubong ko si Crisanto Balagtas ang kaibigan ko. Anong ginagawa ng lalaking ito dito? Alam ko nasa Cavite ito dahil doon nakadestino. 

"Anong masamang hangin ang nagpunta dito syo sa Rizal?" taas kilay na tanong ko. 

"Siyempre dinadalaw ka. Miss na kita brod!" yayakapin niya sana ako ng itulak ko ang mukha niya. 

Police Series 2 As long as you love me(Gregorio Magtanggol Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now