Chapter 9

7.5K 286 31
                                    

(Gregorio POV)

Gusto ko sanang lapitan si Daphne kaso may kausap itong taong grasa.  May iniabot itong pera. Kahit baliw ang babaeng iyon may busilak pa din ang puso nito sa mga taong kapos. 

"Halika ka na Kuya Greggy." hinawakan niya ang kamay ko. Pagkalingon ko wala na sa kinatatayuan nito si Daphne. Maybe pupuntahan ko na lang siya sa condo niya bukas.

Masaya ako dahil napangiti ko si Gracia ngayon special day nito. Dahil ito naman ang gusto namin ng Kuya niyang namayapa na. Every year I'm doing this.

Nagpunta kami sa baywalk para maglakad lakad. Naalala ko noon dito kami madalas pumunta ni Nelson. Dinadala namin ang bike namin dito, para magbike around the baywalk. Dito din kami unang nagkakilala noong mga bata pa kami. Kaya madaming alaalaang lugar na ito para sa akin.

"I miss Kuya Nelson. Ilang taon na ang nakalipas pero namimiss ko pa din ang presenya niya." sabi ni Gracia. Napayakap siya sa akin. Hinaplos ko ang buhok nito.

"Nandito naman ako. Magmula noong nawala ang Kuya Nelson mo ako na ang pumalit sa kanya. Alam kong hindi ka sanay na maging Kuya mo ako. Dahil naging tayo noon. Pero dahil narealized nating dalawa na bilang kapatid lang pala ang nararamdaman natin sa isa't isa. Hindi na natin tinuloy ang relasyon natin. Sinandal niya ang ulo nito sa balikat ko.

"I know pero nakakahiya naman na lahat ng oras mo ibuhos mo sa akin. Pati itong birthday ko pinagka gastusan mo pa. I am older now I can handle myself. Kahit na baby pa din ang turing mo sa akin." natawa ito sa sinabi niya.

"Ayos lang naman sa akin iyon. Kahit naman kung nabubuhay ang Kuya mo. Ganito din ang gagawin niya. Baka magjoin force pa kami para sorpresahin ka sa kaarawan mo." napangiti ako.

"Thank you sa lahat. You always here beside me. Hayaan mo kapag sa kasal mo ako ang mag-aayos ng venue at mamimili ng isusuot ng bride mo." natahimik ako sa sinabi niyang kasal. Sa totoo parang may trauma na ako sa salitang kasal. Dahil sa nangyari sa akin na iniwan sa gitna ng kasal namin. Napabuntong hininga ako.

"Sorry." hinging paumanhin nito ng mapansin na hindi ako komportable na pag-usapan ang kasal. Ngumiti ako para hindi naman niya isipin na hindi pa ako nakakamove on.

Naka move on na ako nang iwan ako ni Marie Claire mismo sa kasal namin. Narealized kong hindi naman ganoon kalalim ang pagmamahal ko sa kanya. Dahil ilang buwan lang natanggap ko na ang ginawa niyang pang-iiwan sa akin. Ang kinatatakot ko kung mauulit din ba ito sa susunod na ikasal ako? Nakaka trauma naman kasi. Ilang buwan ang ginawa naming preparation sa kasal. Halos umaabsent pa nga ako sa trabaho para lang samahan siya sa pagpapagawa ng gown nito. Pati ang venue at simbahan. Sayang... sayang ang pera na ginastos ko. Tangina niya! Tapos ganoon lang. Sana sinabi na niya noong wala pang preparation ang lahat para hindi ako gumastos ng malaki. Kung sana sya ang gumastos ng lahat hindi sana ako nagngingitngit sa galit.

"Don't worry Kuya Greggy matatagpuan mo din ang babaeng magmamahal sa iyo. Okay?" yumakap siya sa akin. Sana nga pero this time mag-iingat na ako. Ayoko na sa simbahan. Baka sa huwes na lang ako ikakasal. Para hindi ganoon kahinayang kung sakaling uurong na naman sa kasal ang bride ko. Mas matipid.

(Flashback)

Napapangiti ako kapag naiimagine ko ang babaeng mahal ko ay nasa dambana. Naging busy ang mga araw ko dahil sa paghahanda ng nalalapit namin kasal ni Marie Claire. Minsan lumiliban ako sa trabaho buti wala pa kaming masyadong operation kaya ayos lang.

Buti napag-ipunan ko ang pagpapakasal ko. Dahil gusto kong ibigay sa kanya ang magarbong kasal. Dahil gusto kongmaging special ang araw na iyon.

"Ready ka na ba baby? Pupuntahan natin ang catering service. Mamimili tayong food naihahanda sa reception." sabi ko. Napangitiitosa akin.

"Puwede naman na ako na lang ang pumunta baby. Para hindi ka madalas lumiban sa trabaho." suggestion nito.

Police Series 2 As long as you love me(Gregorio Magtanggol Story)COMPLETEDWhere stories live. Discover now