74

1.1K 48 41
                                    

[❌WARNING: MAHABANG CHAPTER AND LAST NARRATION]

(3rd person's)

"Bumalik na siya, Soonyoung."

"SINO?!?!?"

"Ako."

Natahimik ang lahat nang magsalita na rin sa wakas si Jihoon na kanina pa nananatili sa likuran ni Soonyoung, natatakot pa rin ito sa magiging reaksyon ng isa pero alam niyang kailangan na niyang lakasan ang loob niya kahit sari-saring mga katanungan na ang sumasagi sa isip niya sa loob ng minutong yon.

Ako pa rin kaya talaga?

Handa pa kaya siyang tanggapin ako?

Pano kung ayaw na niya?

Kilala niya pa kaya ang boses ko?

Napakagat ng ibabang labi si Jihoon habang pinapanood niya ang panginginig ng kamay ni Soonyoung at ang dahan- dahang paglingon nito sakanya pero hindi pa ito nakakaharap nang bigla silang makarinig ng mga ingay sa paligid.

Sunod-sunod na putok ang umalingaw-ngaw sa paligid kasabay ang biglaang pagkabagsak sa sahig ng isa sakanila habang wala na itong malay.❞

Nagtakbuhan ang lahat sa iba't-ibang parte ng parking dahil sa takot nang biglang humagalpak ng tawa si Jun habang tinuturo ang mga nagsiputukang lobo na hawak niya.

Tinignan muna nila ito ng masama kasabay ng pagtakbo ng ilan sa kanila papunta sa kanya para batukan at saktan ito sa pananakot na ginawa niya.

"Muntik na akong atakihin sa puso, hyung!" Sabi ni Seungkwan habang nakahawak pa ito sa dibdib niya.

"Alam mo ikaw talaga ang papatay samin e." Gatong pa ni Seokmin na inaambaan pa rin ito ng suntok.

"At dahil dyan, cancelledt ka na kay Minghao hyung!!!" Inis na sabat ni Chan na katabi lang si Minghao na tumatango sa sinasabi nito.

"Aba malay ko bang puputok 'to ng sunod-sunod! Isa lang naman dapat papuputukin ko para sana gulatin si Soonyoung--" Sagot ni Jun kasabay ng paglingon niya sa direksyon ni Soonyoung at nanlaki ang mga mata niya nang makita niya itong nakabulagta na sa sahig. "HOY PUTA SI SOONYOUNG!!!"

Binitawan na ni Jun ang mga lobong hawak niya at nanguna na siya sa pagtakbo papunta sa direksyon ni Soonyoung na wala nang malay, sumunod naman ang lahat sakanya na bakas sa mga mukha ang pag-aalala para sa kanilang kaibigan.

"Puta ka, Jun hyung! Kasalanan mo 'to e." Inis na sisi ni Seungkwan kay Jun habang nakanguso pa ito. "Hilig mo kasing mantrip!"

"Malay ko bang hihimatayin si Soonyoung dahil sa putok ng lobo?!" Inis din na sagot ni Jun.

"Humanda ka sakin mamaya, Junhui Wen." Sabi ni Minghao kay Jun na may halong pagbabanta.

Napasimangot naman si Jun sa mga naririnig niyang sinasabi ng mga kaibigan niya kaya tumayo na lang siya at lumayo ng konti sa pwesto ni Soonyoung para hindi na siya pag-initan ng mga ito.

"Chan, subukan mong gisingin si Soonyoung."

"Di mo kaya, hyung? Pala-utos ka ah."

room for rent • soonhoon auWhere stories live. Discover now