51

2.1K 126 128
                                    

(Woozi's)

"Gisingin mo na, Seokmin! Ano pa't pinipicture-picture-an mo pa?!"

"Epal ka ba, Wonwoo hyung? Kita mong magkayakap pa e."

"So hindi mo na gigisingin porket magkayakap? Gisingin mo na!"

"Edi ikaw na gumising sakanila hyung! Bat kelangan ako pa?"

"Oh bakit, sino bang mas matanda satin ha?"

"Sabi ko nga gigisingin ko na hyung."

At unti-unti nang nagising ang diwa ko dahil sa mga naririnig kong boses pero hindi ko pa agad naimulat ang mga mata ko dahil ramdam ko ang pangangalay ng buong katawan ko lalong-lalo na sa may parteng batok.

"Jihoon hyung~ Gising na, iuuwi na namin kayo ni Soonyoung hyung."

Nakaramdam ako ng marahang pag-alog sa balikat ko, alam ko namang si Seokmin yun kaya dahan-dahan ko nang inangat ang ulo ko kasabay ng pagmulat ng mga mata ko at si Soonyoung agad ang bumungad sa paningin ko.

Nakasandal ang ulo niya sa pader habang nakapulupot pa rin ang mga braso niya sa bewang ko dahilan para mapangiti na agad ako.

Tangina ang aga-aga kinikilig na naman ako tapos bungad pa yung poging mukha ni Soonyoung :>

Naalala ko na naman tuloy yung mala-movie naming moments kagabi, yung ang lakas ng ulan tapos kaming dalawa tapos niyakap niya ako tapos niyakap ko siya pabalik tapos hinalikan niya ako- ay, wala nga palang nangyaring halikan.

"Hoy Jihoon." Napatingin naman ako sa tumawag sakin at nakita ko si Wonwoo na salubong ang dalawang kilay habang nakatitig ng masama samin ni Soonyoung. "Nagagawa mo pa talagang maglandi sa oras na 'to no? Gisingin mo na nga si Kwon para makauwi na tayo."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay naglakad na rin siya palayo habang bumulong-bulong pa.

Puta, anong problema nun?

"Wag mo nalang pansinin si Wonwoo hyung, Jihoon hyung. Badtrip lang na naman siguro kay Mingyu yun." Sabi naman ni Seokmin ng nakangiti kaya tumango nalang din ako.

Hindi na ako nagsalita at tinapik ko nalang ng mahina ang pisngi ni Soonyoung pero pagdapo ng kamay ko sa balat niya ay para akong napaso dahil sa sobrang init nito.

"Shit! Ang init ni Soonyoung, Seokmin." Sabi ko kay Seokmin kaya agad niya ding kinapa ang noo at leeg nito.

"Hala hyung oo nga!" Sagot niya habang nakatingin sakin nang nanlalaki ang mga mata.

"Tawagin mo si Wonwoo bilis! Hindi kita matutulungang buhatin si Soonyoung dahil nanghihina din ang katawan ko." Utos ko sakanya na agad niya namang sinang-ayunan.

Agad na tumayo na si Seokmin at mabilis na tumakbo palayo para puntahan si Wonwoo.

"Soonyoung..."

Hinaplos-haplos ko ang mukha ni Soonyoung para gisingin siya at maya-maya lang ay minulat niya din ang mga maliliit niyang mata.

"O-okay ka na ba, J-jihoonie?" Tanong niya pero bakas sa boses niya ang panghihina.

"Okay na ako, wag mo na akong alalahanin! Ikaw 'tong inaapoy ng lagnat e." Sagot ko habang pinupunasan ko yung mga namumuong pawis sa noo niya.

room for rent • soonhoon auWhere stories live. Discover now