47

2.1K 157 288
                                    

(3rd person's)

Paikot-ikot lang si Soonyoung sa kanyang higaan at umaasang dadalawin na siya ng antok pero kahit anong gawin niya, gising na gising na pa din ang diwa niya.

"UGHHHHHHH!" Inis na binato niya ang unan niya sa sahig pagkatapos ay umupo na lang muna siya mula sa pagkakahiga at inabot ang kanyang cellphone na nasa side table lang para tignan ang oras. "Oh shit! Ala una na pala, tangina may pasok pa ako mamaya e."

Agad na bumalik si Soonyoung sa pagkakahiga at nagtalukbong pa siya ng kumot, pero pagkaraan rin ng ilang minuto ay umupo ulit siya at maharas niyang ginulo ang kanyang buhok dahil sa sobrang inis.

Kinuha ulit ni Soonyoung ang cellphone niya at agad pumunta  sa messager, ni-click niya ulit yung conversation nila ni Jihoon kagabi at nakita niya na naman ang huling sinabi nito sakanya.

'That someone is you, Soonyoung.'

"Damn you, Jihoon..." Sabi niya habang nakatingin pa rin sa cellphone niya. "...as if namang totoo yung sinabi mo e I'm sure sinabi mo lang yun para mapagtakpan yung kagaguhang ginawa niyo ni Cheol hyung! Tangina, dadamay mo pa ako ah."

Napairap na lang si Soonyoung sa cellphone niya at patapon niya itong hinagis sa may paanan niya habang paulit-ulit niya pa ring nira-rant si Jihoon sa utak niya.

Nang hindi na niya makaya ang inis niya ay tumayo na lang siya at naglakad papuntang pintuan. Nagbabalak siyang bumaba at pumunta ng kusina para kumuha ng maiinom.

Pinihit na ni Soonyoung ang doorknob at dahan-dahan niya itong binuksan. Laking gulat naman niya nang bumulaga sakanya si Jihoon na natutulog sa harapan mismo ng kwarto nila, nakabaluktot ito habang yakap yakap ang ilan sa mga gamit niyang inilabas ni Soonyoung.

"Bat andito pa rin to?" Inis na tanong ni Soonyoung habang nakatingin pa rin kay Jihoon, sa kabila naman ng pagkainis niya dito ay nagawa niya pa rin itong gisingin para palipatin sa loob ng kwarto nila.

Agad namang tumayo si Jihoon pero hindi para lumipat sa loob ng kwarto pero para kausapin si Soonyoung na wala man lang kaemo-emosyong nakatingin sakanya.

"Soonyoung..."

"Dun ka na muna sa loob matulog, dun na lang ako sa kwarto nila Seokmin."

"Mag-usap tayo, please?"

"Ayoko."

"I want to explain! Give me a chance."

"Ayoko nga! Magsisinungaling ka lang naman sakin ng paulit-ulit e."

"N-no! Me and Seungcheol hyung are really just friends."

"Utang na loob, Jihoon! Wag mo nang ipilit yang side mo, nakakasawa kasi, e obvious namang may relasyon kayo diba?"

"Wala nga kaming relasyon!"

"Alam mo, bat di mo na lang kaya aminin na may relasyon talaga kayo no? Baka sakaling maintindihan pa kita."

Tuluyan na sanang lalabas ng kwarto si Soonyoung para maiwasan ang pagtatalo sana sa pagitan nila ni Jihoon pero hindi siya hinayaan na makatapak sa labas ng isa. Sapilitang tinulak ni Jihoon si Soonyoung papasok ulit  ng kwarto kasabay ng paglock at pagharang niya sa may pintuan.

"Sorry Soonyoung pero sa ayaw at gusto mo, mag-uusap tayo!"

"Palabasin mo ako."

"Makinig ka muna kasi sakin."

"Ano ba, Jihoon? Wag mo akong piliting makinig sayo kung ayaw ko naman talaga!"

"Bakit mo ba pinanghahawakan yung sinabi sayo ni Jeonghan hyung ha?!"

room for rent • soonhoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon