28

2.1K 135 56
                                    

(Woozi's)

"Jihoon hyung?"

Napahawak ako sa may dibdib ko dahil sa gulat nang may bigla akong narinig na nagsalita mula sa likuran ko at nakahinga din naman agad ako ng maluwag nang makita kong si Minghao lang pala ito.

Madaling araw na kasi at nakapatay na ang lahat ng ilaw sa buong bahay bukod dito sa lampara na nakasindi ngayon sa sala, kaya akala ko tulog na ang lahat ng tao dito, hindi ko naman akalain na gising pa pala 'tong isang 'to, muntik pa tuloy akong hikain sa gulat.

"Bakit gising ka pa hyung? At anong ginagawa mo dito sala ng ganitong oras? May hinihintay ka din ba? Ako kasi hinihintay ko si Mingyu e, tagal nung hayup na yun sabi niya saglit lang sila e kingina anong oras na wala pa din sila ni Soonyoung hyung!" Sabi niya habang nakasimangot siyang umupo sa tabi ko.

Naalala ko na naman si Soonyoung kaya agad kong tinignan yung cellphone ko kung nagchat na ba siya o ano pero wala, kanina pa ding 11 yung huling chat namin at maga-ala una ngayon hindi pa sila dumadating.

Tangina.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo dahil hindi na talaga ako mapalagay at parang sasabog na yung dibdib ko sa sobrang paga-alala. Hahanapin ko na sila dahil baka kasi kung napano na sila, siguradong lasing pa naman yung mga yun.

"San ka pupunta hyung?" Tanong ni Minghao habang nakasunod naman siya sakin palabas ng bahay.

"Hahanapin ko sila." Sagot ko sa kanya habang binubuksan ko yung gate.

At parehong nanlaki ang mga mata namin ni Minghao nang may makita kaming kotseng napakaparada sa harapan mismo ng gate.

"Teka, parang kotse ni Mingyu yan ah." Sabi ni Minghao pagkatapos ay lumapit siya sa may kotse at sinilip niya ang loob nito. "Hyung, sila nga 'to!"

Nagmadali na din akong lumapit sa kotse pagkatapos ay binuksan ko yung pintuan ng passenger seat at bumulaga naman agad sakin si Soonyoung na tulog na tulog sa tabi ni Mingyu habang walang pang-itaas na saplot at puro marka ng lipstick yung katawan niya.

Naikuyom ko naman ang mga palad ko nang dahil dito. Mukhang pinagpyestahan pa ata ng mga pokpok sa bar yung katawan ni Soonyoung. Mga bwisit na yun! Mahahampas ko talaga sila ng gitara kapag nalaman ko kung sinong silang mga mahahalay na gumalaw sa pagm-may ari ko.

"Kaya mo bang buhatin si Soonyoung hyung, Jihoon hyung?" Tanong naman bigla ni Minghao kaya tumango na lang ako.

Alam kong mabigat si Soonyoung at masyado akong maliit para buhatin siya pero wala naman akong choice, ayoko din naman siyang magpalipas ng gabi dito sa kotse ni Mingyu kaya agad ko na rin siyang pinasan sa likod ko at kahit hirap akong buhatin siya ay pinagtyagaan ko na lang din hanggang sa marating ko yung kwarto namin.

Nang maibaba ko na siya kama ay agad na rin akong tumakbo para kumuha ng isang malinis na bimpo at isang planggana na may maligamgam na tubig.

Dahan dahan kong idinadampi sa mukha ni Soonyoung yung basang bimpo na hawak ko para punasan siya, binaba ko iyo papunta sa leeg niya at bigla na namang nag-init ang ulo ko nang may makita akong mga hickeys dito.

"Bwisit, inunahan pa ako." Inis na bulong ko sa sarili ko habang mariin kong binubura yung mga marka ng lipstick sa leeg niya.

Pero napangiti din naman agad ako nang mapansin kong wala man lang bakas ng kahit anong marka yung labi niya, siguro dahil hindi siya pumayag magpahalik dito.

Buti naman dahil akin yan! At bago na naman ako maunahan ng iba ay gagawin ko na ngayon.

:'>

Sorry Soonyoung, alam kong wala ka pang first kiss pero kasi ang akin ay akin! At akin lang dapat ang first kiss mo kaya it's now or never.

mWEHEHEHE :))))

Walang paga-alinlangan kong nilapit ang mukha ko sa mukha ni Soonyoung na natutulog at hindi na ako nagdalawang isip pa na pagdikitin ang mga labi namin.

At napangiti na lang din ako habang hinahalikan ko pa rin siya dahil siya din naman ang first kiss ko! :'>

Shet! First kiss namin ang isa't-isa.

"Hoy Jihoon hyung! Anong ginagawa mo kay Soonyoung hyung?!"

Nagulat naman ako nang bigla akong makarinig ng boses mula sa pintuan kaya agad akong humiwalay sa labi ni Soonyoung. Nilingon ko ito at nakita ko na naman si Minghao na nanlalaki pa ang mga mata.

"A-ano kasi, uh, chini-check ko lang si S-Soonyoung kung humihinga pa siya..." Sagot ko habang pinipilit kong kumalma sa harapan niya pero sa totoo lang, gustong-gusto ko nang sumabog sa kahihiyan.

"Ano, humihinga pa ba siya hyung?" Tanong niya pagkatapos ay bigla pa siyang ngumisi at tinignan ako ng mapang-asar na tingin.

"O-oo...naman..." Sagot ko ulit pagkatapos ay pinilit kong ngumiti kahit ramdam ko na yung pamumuo ng pawis sa noo ko.

"Ah ganun ba? Sige, aalis na ako hyung. Napadaan lang naman ako kasi gusto kong i-check kung okay lang si Soonyoung hyung e mukhang okay naman na pala siya kaya aalis na ako. Good night hyung~"

"Sandali!"

Lalabas na sana si Minghao ng kwarto pero napahinto siya ng pigilan ko siya.

Hindi lang kasi ako mapalagay dahil nakita niya yung ginawa ko! Sana hindi niya ako isumbong.

"May kelangan ka ba, hyung?"

"Isusumbong mo ba ako?"

"Ha? Bakit naman kita isusumbong? Ano bang ginawa mo?"

"Yung nakita mo."

"Ano bang nakita ko? Wala naman akong nakita ah."

"Shit ka, Minghao! Alam kong nakita mong hinalikan ko si Soonyoung kaya wag mo akong isumbong please, hindi niya pa alam na may gusto ako sa kanya e."

"May gusto ka kay Soonyoung hyung?"

"Hahalikan ko ba siya kung wala akong gusto sa kanya?!"

"Okay chill! Sige na, hindi na kita isusumbong. Matulog ka na para tumangkad ka naman."

"Anong sabi mo?"

"Wala! Sabi ko bagay kayo ni Soonyoung hyung."

"Heh! Sige na, matulog ka na din dun."

Tumango-tango na lang siya at tuluyan na siyang umalis sa kwarto namin.

Napailing naman ako pagkatapos ay bumalik na lang ako kay Soonyoung para ipagpatuloy ang pagpupunas sa katawan niya at tsaka binihisan ko na rin siya ng isa sa mga t-shirt niyang kinalkal ko sa closet niya.

"Good night, Soonyoung. I love you." Sabi ko sa natutulog na si Soonyoung habang inaayos ko yung kumot niya.

Pagkatapos nun ay nagmadali na rin akong humiga sa tabi niya dahil nakaramdam na rin ako ng antok, unti-unti kong sinara ang mga mata ko habang isang masayang ngiti ang lumabas sa mga labi ko.

Nakascore din ako sayo, Soonyoung!

:'>

---

*Note: Tanong ko lang, nab-boring na ba kayo sa mga pinagsususulat ko? jusq! Hindi ko na rin alam kung pano itutuloy 'to. HAHAHAHA.

room for rent • soonhoon auWhere stories live. Discover now