Twenty Eight

1.2K 29 2
                                    

Haia's POV

Bumalik Kami dun sa Hospital kung saan si Reostos Dinala.

Sinabi sa akin nung doctor yung mga kailangan gawin para mas maging maayos si Reostos.

Natutulog siya ngayon, Ang sakit daw kasi ng ulo niya kanina kaya pinagpahinga ko na muna. Napagod ata sa pagsundo sa amin.

Kinuha ko yung cellphone ni Reostos ng tumunog yun. Binuksan ko yung Message app at tiningnan yung message.

Mga message ni Louvelle yung nakita ko, Pero lahat yun Hindi nireplyan ni Reostos. Binasa ko yung message niya ngayon.

/otw na ako, Pupuntahan kita jan sa hospital./

Napangisi ako't nagreply.
\ill wait\

Excited na akong makaharap ka ulit, Louvelle.

Mga Ilang Minuto rin ay bumukas ang Pinto at iluwa nun si Louvelle.

"What are you doing here? Sinabihan na kita hindi ba?" Bungad niya agad sa akin.

Tinanggal ko yung pagkakahawak ni Reostos sa kamay ko at tumayo.

"Mabuti naman at dumating ka na." Sabi ko at humakbang. Kanina pa ako naghihintay para makalbo tong babaeng to.

"Makakaalis ka na." Napangisi ako sa sinabi niya.

"Bat hindi ikaw ang umalis? Ano ka nga ulit? Ah Mistress" tinaasan niya ako ng kilay.

"Sinong mistress sa atin? Akin siya Inagaw mo Lang."

Nilingon ko si Reostos, Mabuti naman at Natutulog pa ito.

"Alam mo? Gusto ko sanang Ubusin yang buhok mo Pero Hindi na ako bata para makipagtalo at bigyan ka ng atensiyon. Umalis ka na, Salamat sa pagPunta." Sabi ko't nginitian siya.

Napalingon ako ng hawakan niya ako sa Braso at tangkaing Sampalin ng dumating si Zio at hawakan ang kamay niya.

Inabot sa akin no Zio yung Folder saka hinila paalis si Louvelle.

-
Zio's POV

Hinila ko palabas si Louvelle at halos kagatin pa ako nito para lang kumawala.

"Ano ba kasi?" Reklamo niya't hinila yung kamay niya. Pero hinapit ko siya agad ng muntik na siyang mabangga ng paparating na Cart Pero sa kamalas-malasan napatid siya sa Paa ko't humawak sa leeg ko at sabay kaming bumagsak. Napadagan ako sa kaniya, at accidentally nahalikan ko siya..

-
Louvelle's POV

Nakadagan sa akin so Zio at Nakahawak pa ako sa leeg niya, And worst nakalapat ang mga labi namin.

Tinulak ko siya kaagad dahilan para mapahiga siya sa kabilang side. Bumangon ako at inayos ang sarili. Hindi ko siya tiningnan, Para akong nababaliw rito. Marami na akong nahalikan pero- ack stop it Louvelle.

Naupo siya at tiningnan ako pero hindi ko siya Nilingon.

"Yun na yun? Hindi manlang lumalim? Tsch." Nagulat amo sa Sinabi niya. Tumayo siya at nilahad yung kamay para tulungan akong tumayo. Pero Tinarayan ko lang siya at sinubukan tumayo mag-isa pero mukhang napilay ata yung paa ko.

"Ouch." Naupo siya't hinawakan yung paa ko.

"Tumigil ka nga! Kaya kong tumayo! Tsch" reklamo ko matapos kong hampasin yung kamay niya. Sinubukan ko paring tumayo kahit Masakit yung kabilang paa ko. Pero malas talaga, nakalimutan kong may takong pala yung suot ko kaya nadulas ulit ako Pero hinawakan ako ni Zio at hinila patayo.

Tumingala pa ako para tingnan siya. Yung mga mata niya, Tapos yung labi niya.. Sobrang pula..- anong pula? Damn This Shitty Mind!

"A-aalis na ako." Sabi ko at Nag-iika ikang naglakad. Ano ba ito, Nakakahiya.

Napatili ako ng buhatin niya ako.

"Hahatid na kita." Tiningnan mo siya. Kinakabahan ako, I don't know why. Hinayaan ko nalang siya at humawak sa leeg niya.

Gwapo siya.. Pero mas gwapo so Reostos Tsch.

-

Mafia's Wife | ✓Where stories live. Discover now