Three

2.6K 58 0
                                    

Reostos's POV

Pabalik na ako ng room ng harangan ako ng bodyguards ni Haia.

''B-boss, tumakas si ma'am." Nakayukong saad ng isa. I closed my fist.

"Didn't I tell you to watch her well?" Galit na sigaw ko sa kanila.

"Pinigilan po namin siyang lumabas pero n-nagalit po siya sa amin at nagmadaling umalis hanggang sa hindi na namin mahanap."

"Fck!" Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan siya. "Where the heck are you?Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Sinabihan na kita hindi ba?" Pagsesermon ko kay Haiara ng sagutin niya yung cellphone.

"N-nasa gilid ako ng dagat, sa gilid ng Resort." Nagmadali akong pumunta sa lugar na sinabi niya. Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng dagat at may kausap pang ibang lalaki.

Napasara ako ng kamao sa inis. Sinabihan ko na siyang huwag lumabas pero ginawa niya parin at may kasama pang ibang lalaki huh. The fuck.

"Haiara!" Napalingon silang dalawa sa akin. Hinila ko patayo si Haiara pero nahirapan itong tumayo.

"Ano ba Reostos, masakit," reklamo pa nito habang sapo sapo ang binti.

Naupo ako sa harap niya at Tiningnan ang binti niya. May nakita akong mahabang sugat kaya napamura nanaman ako.

"Hindi mo ba kayang alagaan ang sarili mo habang wala ako? Hindi mo na ba kayang sumunod, Haiara!?" Galit na sermon ko rito.

"M-maliit lang naman iyan eh, napatid lang ako."

"I told you not to come out without me, you even escaped from your bodyguards! What if something went wrong?"

"Reostos, its my fault. Sakin ka magalit kasi-"

"Im not talking to you." inis na sabi ko dun sa lalaking kausap ni Haiara kanina. I was about to leave but he seems familiar to me. Ngayon ko lang namukhaan yung lalaki. Dylan?

Ngumisi Ito. "Till now, ganiyan ka parin. Walang pinagbago." nakangising saad nito.

"Ts. It's none of your business." Sabi ko't binuhat si Haiara. "Isipin mo nalang na hindi tayo nagkita."aniko't nagsimula ng humakbang.

"Be matured enough. Ba't hindi mo kalimutan at itapon nalang yung nangyari?"

"I don't even have time to think about it, Dylan, don't worry about it. I have a power now, so don't ever try to mess with me again." Nakangisi kong saad tuluyan ng umalis.

Nang makarating kami sa room namin ni Haiara, pinaupo ko siya ng maayos sa kama at kumuha ng Med kit.

"Uuwi na tayo pagkatapos nito." I said.

-

Haiara's POV

''Uuwi na tayo pagkatapos nito." napanganga ako sa sinabi ni Reostos.

''Akala ko ba ipapasyal mo ako?" Malungkot kong tanong sa kaniya. Pero wala akong sagot na natanggap mula sa kaniya. Pinagpatuloy niya lang ang paglilinis sa sugat ko.

"S-si Dylan-"

"Stop it!" Nagulat ako sa sigaw niya. "Arrange your things, we'll go home"

Halos mangiyak-ngiyak akong inayos yung mga gamit ko matapos niyang gamutin yung sugat ko.

"Ayan tapos na." kunwaring galit kong sabi at bumulong-bulong pa. Tiningnan ko siya, nakatayo lang siya sa harap ng glassed wall at ang layo ng tingin.

"Hoy, sinungaling ka talaga!" Sabi ko dito at sinapak pa siya sa braso. "Akala ko Ipapasyal mo ako tapos hindi-" Natigilan ako ng mapansin kong ang seryoso ng mukha niya. At wala pang kibo. Nagdadrama siguro 'to. Ano naman? Galit parin ako sa kaniya. Tiningnan ko siya, "Hon, okay ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya, kunwari hindi galit. Tiningnan niya ako, maya-maya din ay yumakap siya sa akin. "What's wrong?"

"Im tired,"

"G-gusto mo bang magpahinga muna?" Tanong ko rito Pero hinigpitan niya lang yung pagkakayakap niya. Nag-aalala na ako sa kaniya.

"Stay with me forever, Okay?" Tumango nalang ako bilang sagot. Maya-maya ay humiwalay siya sa akin at hinawakan ako sa pisngi, inilapit niya ang mukha niya sa akin hanggang sa naglapat ang mga labi namin.

Halik ba ang pahinga niya?

Mafia's Wife | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon