Nineteen

1.3K 31 0
                                    

Haia's POV

"Ano ba? Bitiwan mo ako! Magkano ba ibabayad ha?" Ngumisi siya sa tanong ko.

"Anong magkano? Pinagloloko mo ba ako? Sumama ka sa akin." Sabi niya kaya Sinubukan kong kumalas sa pagkakahawak niya. "Sumunod ka! Sisikmuraan kita!"

Sisikmuraan? OmyGod Si baby.

"Sir, Hindi po siya Table Girl." Sabi nung server ata ng Bar na ito.
-
Reostos's POV

"Sir, Asawa niyo po ata yung pinagkakaguluhan ng Costumers dun sa labas." Napatayo ako sa narinig ko at Dali-daling lumabas at hinanap si Haia kahit hilong-Hilo na ako. Kaya agad akong lumapit sa kanila ng makita ko siya.

"Eh ano ngang pake alam mo? Nagbabayad ako! Server ka Lang." Sabi nung lasing na lalaking hawak hawak si Haia sa bewang.

Hinatak ko palapit sa akin si Haia at Binigyan ng magkasunod na suntok yung lalaki.

"Asawa ko 'to, Bastard!" Sigaw ko sa kaniya. Hihilahin ko na sana paalis si Haia ng Hapitin ako ng Isang lalaki at Sikmuraan ako.

"Reostos!"

Hindi ko ininda yung sakit at humarap sa kanila. "You met a wrong person!" Sabi ko't sinipa yung isa sa sikmura dahilan para Pagtulungan nila ako. Inilagan ko yung mga suntok at sipa nila pero Hindi nila nailagan yung akin. Hinarap niyo yung Aikido Master?

Nang mapaupo na yung iba agad kong hinugot yung baril ko at tinutok dun sa lalaking bumabastos Kay Haia kanina.

"M-mayabang ka kasi may Baril ka." Sabi nito kaya Napangisi ako

"Tumahimik ka, Hindi ako mag-dadalawang isip na Pasabugin yang bungo mo." 

"Reostos, Tama na yan. Halika na!" Pamimigil no haia at hinihila ako paalis. Sinipa ko sa ari yung lalaki bago ko ibaba yung hawak kong baril at lumabas.

-

HAIA'S POV

Lumabas Kami ng Bar At iniwan naming gulat yung mga Tao dun. Kahit yung mga Server kanina Hindi na umawat, Dunno why.

Natigilan ako ng Tumigil sa paglalakad si Reostos.

"B-Bakit?"

"Bakit ka ba pumunta dito?" Walang lingon niyang tanong. Galit pa rin ba siya?

"Kasi nag-aalala ako sayo. Hindi ba pwedeng sunduin ko yung Asawa ko ha?" Nagulat ako ng humarap siya sa akin at hapitin ako saka ikulong sa mga Braso niya.

"Paano kung may nangyari sayo? Sa tingin mo ba magiging maayos ako? Paano yung baby natin?" Ewan ko Pero naiiyak ako habang sinesermonan niya ako.

"Kasalanan mo!"

Inalis niya ako mula sa pagkakayakap niya at Yumuko para halikan, Hinapit niya pa ako sa bewang para mas lalong lumalim yung Halik.

-
Zio's POV

Tumigil ako sa harap ng Bar na Sinabi nung Server, May nakita akong Naghahalikan dito sa labas kaya Binaba ko yung Mirror ng car at tiningnan kung Sino yun.  At mukhang si Reostos at si Haia nga. Pumunta ako dito kasi nag-aalala ako na baka mapasabak nanaman sa gulo si Reostos lalo pa't lasing siya Pero mukhang okay naman.

At isa pa, Nagmadali akong pumunta dito Dahil Tumawag yung Ex Fiance ni Reostos. Kailangan kong Kausapin siya As soon as possible.

-

Mafia's Wife | ✓Where stories live. Discover now