Two ♡

3.4K 75 0
                                    

Haiara's POV

"We'll stay here in resort temporarily, si Il'l go on a meeting for a moment. Behave okay?" Paalam ni Reostos sa akin. Ngumiti nalang ako at tumango habang pinagmamasdan siyang magsalita. Ang gwapo niya kasi sa suot niyang black turtle neck na pinatungan ng red tuxedo suit. "Medyo malamig pa sa labas kaya dito ka nalang muna sa room natin, if may kailangan ka nasa labas-"

"Shh, alam ko."

"Anyways, pagbalik ko ipapasyal kita." Sabi nito at tuluyan ng umalis. Sinilip ko pa siya habang papalabas siya ng kwarto.

Kung ano-ano ng kinalikot ko sa loob ng room na 'to pero nababagot pa rin ako. Naupo ako sa bench na nasa glassed wall kung saan kitang kita ang magandang view. Kitang-kita ko yung pag-angat ng Araw at ang paggalaw ng dagat.

"Ah, i missed this view." Minsan nalang ako makaka-experience ng ganito kaya magsspend ako ng time para mas maging memorable 'tong pagpunta namin sa Japan.

Kinuha ko yung mamahaling winter jacket na binili ni Reostos para sa akin at lumabas ng Resort. Ayaw pa sana akong palabasin ng mga tauhan ni Reostos pero pinagalitan ko isa-isa, hindi madaling maconvince sila but i did my best.

Hindi ko na rin sila pinasunod pero sunod parin ng sunod kaya kung saan-saan ako pumunta para di nila ako masundan. Hindi masayang magkaro'n ng bodyguards.

Tumayo ako sa gilid ng dagat kahit napakalamig pa. Pinagmasdan ko ang kagandahan nito at saglit na pumikit upang lasapin ang malamig na simoy ng hangin.

"Malamig pa ah, bakit nasa labas ka na?" Napalingon ako sa nagsalita. Isang unfamiliar Guy ang bumungad pagmulat ko ng mga mata ko. Nagulat ako kasi mukha siyang purong hapon pero nagsalita siya ng tagalog.

Luminga-linga ako."A-ako ba?"

"Tayo lang naman ang nandito" nilingon niya ako. Damn eyes. ''Sino pa ba sa tingin mo?"

Oo nga naman. "Pilipino ka ba? Or nag-aral lang ng Language namin? At saka paano mo nalamang Pilipina ako?" Nakakunot noong tanong ko rito. Nakita ko pa kung paano ito ngumiti. Napakaganda pero hindi kasing ganda ng sa asawa ko. Unique ata ngiti nun saka mamahalin, pero libre na para sa'kin. Hehe.

"Half, Pilipina yung Mom ko tapos yung papa ko ay Japanese. Saka halata namang hindi ka Japanese, Walang ganiyang ganda dito sa Japan." Paliwanag nito at ngumiti. Corny. Hinawi niya yung buhok na humaharang sa mga mata niya. Gawain niya atang mambola.

"Eh paano mo nga nalamang pilipina ako? Malay mo taga US pala ako at hindi taga Philippines"

"I saw you before when I'm in Philippines. I'm not sure if it's you, Pero sana nga ikaw 'yun,'' napaisip tuloy ako sa sinabi niya.

May nakita na ba akong ganitong mukha sa pinas?

"S-saan mo ba ako nakita noon?"
Tanong ko, yumuko siya saglit at tiningnan ako.

"On college days, I saw you in Mapua University." Natuwa ako dahil dun ako nag-aral nung college.

"Dun ka rin ba nag-aral?" Mukhang nagulat siya sa tanong ko.

"It means, ikaw yun? Dun ka nag-aral?" Tumango nalang ako sa tanong niya. "Yes, dun ako nag-aral before. I was a 3rd year student back then when i saw you. I think nasa 4th year college ka na noon, I saw you kicking that son of Mafia." Naalala ko yung pinaliwanag niya. Binubugbog ko noon si Reostos dahil gusto ako nitong dalhin sa islang pag-aari ng Dad niya. jusko.

"But, how'd you know that he's a son of Mafia?"

"Business partner ni Dad yung Dad niya, At kasama siya palagi ng dad niya kapag may business meeting or trips. The same as me kaya palagi ko siyang nakikita, I tried to talk to him Pero napakasungit niya kaya minsan lang kami kung mag-usap." Natawa pa siya dahil mukhang may naalala pa 'to. But, what a coincidence.

"Bakit ka natatawa?" Tanong ko rito at tinitigan niya ako.

"My sister tried to rape him, gustong-gusto siya ng Ate ko noon kaya ganun nalang ang pagka-dismaya niya ng malaman niyang nagpakasal na si Reostos." Nagulat ako sa sinabi niya at the same time natawa rin. Siya 'yong babae pero siya pa 'yong may balak na mangrape? Wow.

"Mabuti nalang pala hindi niya na-rape si Reostos." Yumuko ako at pinaglaruan ng paa yung tubig. "Is it a coincidence?"

"Siguro." Tugon nito at tiningnan ako ng nakangiti. "Anyways, I am Dylan Yukida." Pakilala nito at inilahad ang kamay niya.

"Haiara Imperios." Nanlaki ang mga mata niya na para bang hindi makapaniwala.

''Don't tell me na ikaw yung pinakasalan niya?"

-

AUTHOR: Hey, how are you?

Mafia's Wife | ✓Where stories live. Discover now