Four

2.6K 51 0
                                    

Haiara's POV

"B-bat ganiyan yung suot mo?" Nakasimangot kong tanong sa Asawa kong nakasuot ng Hoodie at above knee na short. Kinunutan niya ako ng noo.

"What?" nagtatakang tanong nito. Tinarayan ko lang siya. "We're going to date, alangan namang palagi nalang tuxedo susuotin ko?"

"B-bat kasi naghoodie ka?" Nakakaasar kasi ang gwapo niyang tingnan tapos nakababa pa yung bangs niya, tapos may eyeglass pang suot. Ang gwapo niya, nakakaasar talaga. Mamaya pagtinginan pa siya ng mga babae diyan e ang Daming magaganda't sexy dito sa Japan.

May kinuha siya sa loob ng paper bag at binigay sa akin. "Here, para naman naka couple hoodie tayo." Sabi niya't sa sobrang tuwa agad kong sinuot yung hoodie. May kinuha ulit sa loob ng paper bag. Couple cap na color white. Damn, Magmumukha Kaming Ulzzang couple nito, nakakakilig naman. "Yan, you looks so cute, honey." Sabi niya pagtapos niyang isuot sa akin yung cap.
"Lets go?" Yaya niya kaya agad akong humawak sa braso niya't sabay kaming umalis.

Habang pababa ng hotel, ang daming mga matang nakatingin sa amin o sabihin na nating sa asawa ko kaya naman nakataas kilay akong nakaharang kay Reostos. Lalo na kanina sa Elevator, yung isang babaeng nakasakay din Halos masipa ko sa kalandian. Idikit ba naman yung dibdib kay Reostos tapos yung kupal Kong asawa parang wala lang sa kaniya yun. Porket di malaki dibdib ko, pag ito talaga lumaki makikita niya. Hmp.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya sa akin kaya eto ako todo isip kung saan. Buti nalang pinasiyal ako dati ni dad dito kaya may alam ako kahit paano.

"Uhm, dun sa Fumizen. Japanese Tonkatsu Restaurant. Nagseserve sila ng Spicy Salmon Aburi Maki Roll at Cheese Salmon Aburi Maki Rolls. Namiss ko rin yung Loin Tonkatsu nila! Dun nalang tayo please!" Napangiti nalang siya sa kakulitan ko. Nang makalabas kami ng Resort ay dumiretso na kami sa sinabi kong lugar gamit ang BMW niyang sasakyan.

Mga ilang minuto rin ay Nakarating na kami. At pagkatapos niyang tawagin yung server ay kinuha ko kaagad yung menu.

"What do you like?" Tanong ni Reostos.

"Uhm, I like Cheese Maki Rolls at Yung Loin Tonkatsu, tapos Prawn Katsu." Nakangiti Kong Sabi at tumingin kay Reostos. "O Bakit?"

"Uubusin mo ha?" Tumango-tango lang ako kaya sinabi na niya sa server yung order namin. Napakunot noo nanaman ako ng makita kong titig na titig yung server kay Reostos.

Pag mata nito tinusok ko bulag to.

Maya-maya ay nakaalis na yung server.

"Oh bakit nakasimangot ka nanaman?" Nakangiting tanong niya pero di ko siya sinagot at inirapan lang. "Nagseselos ka nanaman dun sa server?" Umiling-iling siya ng tingnan ko siya ng masama.

"Manahimik ka, baka masaksak ko ng chopstick mga mata nun." natawa siya sa sinabi ko. Napatitig ako sa kaniya habang tumatawa siya. He's a good-looking man, napaka ideal nito. Kahit sa pagtawa nito napakahinhin at napakagwapo. Napakamanly din ng dating niya. Masasabi kong napakaswerte ko kasi ako yung nagustuhan niya.

"What?" Tinitigan niya ako kaya napaiwas ako ng tingin, ewan ko ba medyo nahiya ako ngayon. "Nahuhulog ka nanaman sa akin? Don't fall so deeply to my charming face, baby~" Sabi nito at ngumisi.

"Ano ba!" Reklamo ko sabay Palo sa kaniya kaya lalo siyang natawa. I love my man.

Natigilan kami ng tumunog yung cellphone niya. Agad niyang kinuha iyon at sinagot.

"What?"

Hinayaan ko lang muna siya ng dumating na yung pagkain. Kakain na sana ako ng mapansin kong parang hindi maganda yung balitang natanggap ni Reostos.

"No.. Zio, are you.. Urgh'' ibinaba niya yung Cellphone at nagface palm.

"What's the matter?"

"We need to go," Sabi niya't kumuha ng pera wallet niya't inilapag sa table at hinila ako.

"Reostos, bakit ba?" Tanong ko sa kaniya pero hindi siya sumagot hanggang sa makarating kami sa kotse niya.

"Hon, nno bang problema?" Imbis na sagutin ako, galit niyang pinaandar yung kotse.
"Hon ano ba?"

"Shut up!" Natahimik ako ng sumigaw siya. "I'll kill them," Nagulat ako sa sinabi niya kaya nagtataka akong nilingon siya. Kinakabahan ako kapag ganito ang awrang nakikita ko sa kaniya.

"Ano ba kasing problema?"

"They killed her.." Napasara siya ng kamao at mas binilisan ang pagdadrive. Lumingon siya sa akin, "T-they killed her..".

-

Mafia's Wife | ✓Where stories live. Discover now