Fourteen

1.6K 41 3
                                    

Reostos's POV

Pinagmasdan ko lang yung dalawang bata habang kumakain ito ng Pinya, Ganun din si Haia na kumakain sa kabilang gilid ng mesa. Napangiti ako kasi para rin siyang Bata.

Umakyat ako ng Study Room ng dumating si Zio. Nilingon ko si Haia bago ako Umakyat, At nakatingin siya sa akin kaya nginitian ko nalang.

Nang makarating na Kami sa study Room Agad Kong hiningi yung Business datas Kay Zio.

"Successful yung cremation sa katawan ni Ms Chrea. Pwedeng-pwede mo ng dalawin sa Kinalalagyan nun ngayon. Pinaligpit ko na yung mga gamit niya sa Unit na tinitirhan niya, Pero Hindi ko pa Pinapatapon lahat ng iyon." Saglit siyang Tumigil ng mapansin niyang Hindi ako kumikibo. "Uh, Yung tungkol naman sa Business may pinabibigay si Mr. Zhang Yukida na Papers for Share and investments-" Hindi ko na pinatapos si Zio ng Kunin ko yung folder ng Business papers na nanggaling kay Zhang at pinira-piraso Ito." B-boss"

"Kung gusto nilang Kumuha ng Samples or Models agaran, Sabihin mong gumawa sila ng mas magandang paraan na Hindi masasangkot Ang kumpanya ko. O ako mismo tutulak pababa ng Pangalan niya." Galit na Asik ko sa kanya kaya Tumango siya't pinalitan ang topic.

"May Pinapaayos din sa akin si Haia. About sa mga papeles ni Mio. At inuutos niya sa aking Palitan ang pangalan ng Bata-"

"Anong pangalan yung pinalit niya?"

Binuklat niya yung Folder para basahin ang pinalit na pangalan nung Bata. "Rosh Mio Imperios"

Napangisi ako at the same time Umiling, kahit Kailan talaga Hindi siya marunong mag-isip ng mas unique. "Ayoko niyan" reklamo ko't kumuha ng form at sinulat ang naisip na pangalan ng Bata. "Much Better".

-
Haiara's POV

Nagmadali ako ng biglang bumukas Ang pinto, Sinubukan kong tumakbo paalis Pero agad naman akong nahawakan ni Reostos sa Braso.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"A-ano.. P-pupunta sana ako dun sa Kwarto natin-"

"Dun yung kwarto natin, Bakit tatakbo ka paalis?" Ughr, Madafaka walang kawala. "Or Nakikinig ka?" Tanong niya habang humahakbang palapit ng palapit sa akin habang paatras ako ng paatras.

"Uy ano.. Hindi ah. Ano kasi-"

"Ano?" Nagulat ako ng wala na akong maatrasan. "Namumula ka nanaman." Nakangisi niyang asar kaya sinubukan kong umalis sa harap niya Pero kinorner niya ako.

"Oo na, Nakikinig na ako." Hindi nakatinging Sabi ko dito Pero Hindi parin siya umalis sa harap ko at mas lalong nilapit Ang mukha at hinapit ako sa bewang.

"Ano ba Reostos!? N-nagagalit na ako!" Sigaw ko sa kaniya Pero tumawa Lang siya at pinagpatuloy ang pagseduce sa akin ng kupal.

"Paano yung Galit, Tingin?" Pang-aasar niya't hinalikan ako. Yung galaw ng labi niya, Mas wild pa sa simpleng halik na Ginagawa niya before. Halos Maghabol ako ng hininga Dahil sa Pinag-gagawa niya sa akin.

-
Zio's POV

Lumabas ako ng study room, Nagulat ako ng maabutan ko si Boss at si Haia na naghahalikan Pero mas Nagulat ako ng bunutin ni Reostos yung baril niya at itutok sa akin habang pinagpapatuloy ang ginagawa nila. Kaya agad akong Pumasok pabalik ng study room.

"Tangina talaga ni Reostos. Lagi akong papatayin sa kaba."

Mafia's Wife | ✓Where stories live. Discover now