Ilang saglit pa ay nagpasya na rin akong iwan si Garnet para magluto. Anumang oras ay darating na si Hitler at hindi naman siguro ako mabibinat kung pagluluto lang ang gagawin ko sa ngayon. Simula naman ng mabuntis ako ay pumupunta na dito si Manang Belen para maglinis at maghatid sa amin ng mga grocery. Siya na rin ang kumukuha sa mga damit para malabhan kaya pagluluto na lang talaga ang ginagawa ko dito sa penthouse.

Ensaktong natapos akong magluto ng dumating si Hitler. Mukha pa nga siyang nagulat ng makita akong naghahanda sa mesa.

“Ano ang ginagawa mo?” tanong niya na mukhang galit na naman base na rin sa pagkakunot ng noo niya.

“Pinaghanda kita ng dinner alam ko kasing dami mong ginagawang trabaho.” Kinakabahan kong sagot.

“Are you really that stupid? Alam mo namang kapapanganak mo pa lang sa anak ng demonyong iyon tapos nagtatrabaho ka na dito?” aniya sa mataas na tono. “Eh kung may masamang mangyari sa iyo kasalanan ko na naman? Ako na naman ang sisisihin ng lahat. Gustung-gusto mo talagang nagmumukha akong masama sa lahat di ba? Gusto mong pagtakpan sa iba iyang kalandian mo kaya nag papa-awa effect ka palagi at siyempre ang ending ako na naman ang mali, ako na naman ang masama at may kasalanan.” Panunumbat niya na ikinakagat ko ng labi.

“Hindi naman sa ganun. Hindi naman ganun ang intensiyon ko Hit. Gusto lang talaga kitang ipagluto para may makain ka pag dating mo.” Halos pumipiyok kong paliwanag sa kanya.

“Sa susunod huwag ka nang magpakapagod pa dahil hindi ko rin naman kakainin ang mga lulutuin mo.” Matabang niyang wika.

I was about to say something when I heard Garnet crying. When I looked at Hitler ay saglit siyang natigilan bago nagdilim ang mukha.

“Fuck it.” I heard him mutter. “Patahan mo iyang bata. Pesteng buhay ito pagod ka na sa trabaho pag-uwi hindi ka rin makapag pahinga dahil ang ingay-ingay.” Nagdadabopg niyang wika habang paakyat ng hagdan.

Natutop ko na lang ang bibig ko para pigilan ang paghikbi. Agad naman akong tumalima para puntahan si baby Garnet sa kwarto. Agad ko siyang dinala sa bisig ko at mahinang isinayaw.

“Hey baby, it’s okay. Mama’s here.” Pag-aalo ko sa anak ko. Maya-maya lang ay tumahan na rin naman siya.

Days, weeks and months passed ganun at ganun pa rin sa akin si Hitler pero ang mas masakit ay ang makitang patuloy niyang ni rereject ang anak namin.

Garnet is now seven months old. Ni minsan ay hindi man lang niya tinapunan ng tingin si baby Garnet. Minsan naiisip ko na sana kamukha na lamang ni Garnet si Hitler para hindi na niya isiping anak ko siya sa ibang lalaki pero hindi iyon nangyari. Garnet is more of my male version.

I spent most times taking care and playing with my son. Wala na rin naman kasi akong trabaho at nag-sara na rin ang kumpanyang dati kong pinasukan dahil sa pagkalugi. Pinipilit kong punan ang pagkukulang ni Hitler sa anak namin. Gusto ko man siyang sumbatan ay hindi ko magawa dahil kung iniisip niyang hindi niya anak si Garnet ay dahil sa meron naman siyang rason para hindi ako paniwalaan. Nagpapasalamat na lang ako na kahit paano ay hindi naman kami pinalayas ni Hitler sa penthouse niya.

Alas siyete na ng umaga kaya inilagay ko si Garnet sa walker niya para ipaghanda siya ng almusal. My little Garnet now enjoys eating baby food at talagang naghahanap na siya ng makakain every now and then. He smiled widely nang maiayos ko na siya sa walker niya. He actually enjoyed being in the walker habang sinusubukan niyang maglakad gamit iyon at nag eenjoy din siyang laruin at paikotin ang mga maliit na bola sa harap niyon.

“What the hell are you doing?” Malapit na akong matapos sa ginagawa ko ng marinig ko ang dumadagundong na sigaw ni Hitler kasunod ay ang palahaw na iyak ng anak ko.

Dali-dali kong iniwan ang ginagawa ko at agad na nagtungo sa kung saan ko narinig ang ingay ng mag-ama ko. Naabutan ko si Hitler na bihis na bihis na para magtungo sa trabaho at masamang nakatingin sa anak ko. Agad kong binuhat ang anak ko na umiiyak at mukhang takot na takot.

“Anong nangyari? Anong ginawa mo sa anak ko?” nag-aalala kong tanong sa kanya.

Hitler frowned and obviously didn’t like what he heard from me.

“Where have you been? Dapat binabantayan mo iyang bata para hindi kung anu-ano ang pinapakialaman.” Galit na galit niyang sita sa akin.

“Naghahanda lang ng makakain ni baby. Ano ba kasi ang nangyari?” Tanong ko habang hinalikan ang anak ko at hinihimas ang likod para patahanin.

“See that?” turo niya sa saksakan ng kuryente. “He was trying to insert his finger in there. Kung hindi ko pa nadatnan baka nagkikisay na iyan sa ngayon. Sa susunod bago mo iwan sa kung saan ang batang iyan make sure na ligtas sa kanya ang lugar. Masyado kang pabaya.” Galit na panenermon niya sa akin bago tinungo ang pinto palabas at malakas na isinara.

Hindi ko alam pero napangiti ako. Somehow he cares for Garnet in his own way. Alam kong mahirap iyon sa kanyang gawin lalo at paniwala siyang hindi niya anak ang anak ko pero sa ginawa niya ngayon nabuhayan ako ng pag-asa na somehow, someday maayos din ang lahat sa kanila ng anak ko at kung maari lang sana pati ang dating meron kami ay maayos rin. I’m still praying ang hoping that someday we will be a complete and happy family.

Hitler's Precious Emerald (SPG)Where stories live. Discover now