Chapter 59 - Recoil (December 31, 2019)

Start from the beginning
                                    


Masyadong komplikado na kahit siya, iniiwasan niyang isipin kahit mag-isa.

 Masyadong komplikado na kahit siya, iniiwasan niyang isipin kahit mag-isa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

July 11, 2019, evening

"Pwede ka na ba daw kumain?" Tanong ni Lee habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Odi.

"Pwede naman."

"Sure ka ba?" Nakakunot ang noo ni Lee.

"Sure nga?" Sumubo pa si Odyssey ng isa. "Oh 'di ba? Pwede?"

"Huwag ka ng magbiro pa diyan. Kumain ka na ng maayos."

"Ikaw, huwag ka na ring mainit ulo." Nakangiting sagot ni Odi. "But on the contrary, okay lang din. Magsungit ka lang. Ganito pala feeling ng may nanay."

"Nanay ka diyan."

"Mama..." Pang-aasar ni Odi.

"Kumain na ng maayos!"

Habang nagkulitian ang dalawa, tahimik lang si Perci na parang inaantay na sabihin ni Lee ang tungkol sa lalaking nakita niya. Walang pinangako ang ate Lee niya, but the way she looked earlier tells him she's gonna tell his brother about it.

Pero natapos ang dinner, wala man lang nabanggit si Lee sa kuya niya.

Nagmamaktol na nagpunta na lang siya sa kwarto at binuksan ang eskaparate para kunin ang journal.

Sa kabilang kwarto naman, abot tenga ang ngiti ni Odyssey.

"Ang saya lang na pumasok ka sa kwarto ko nang hindi kita tinatawag." Humiga si Odyssey at pinagpag ang bedsheet sa tabi, pinapahiga doon si Lee.

Sumimangot si Lee.

"Parang may nabasa akong quote na ganyan. Pero aso 'yung pinapatungkulan." Aniya pero nahiga na rin.

"You know what I mean..."

Hinalikan niya ang pisngi ni Odi.

"Mabuti at okay lang sa'yo pumasok dito kahit nakita ka ni Perci."

"Baliw ka. Bakit may gagawin ba tayo? May sakit ka, aalagaan lang naman kita."

"Paano 'yung alaga?" He teased.

Pero hindi tumawa si Lee. Umayos ito ng upo sa kama at humarap kay Odyssey.

"Ang totoo, may sasabihin ako."

"Alam ko na 'yan."

"Alam mo na?"

Tumango si Odi bago humiga sa hita ni Lee.

"Thank you, kasi sasabihin mo pa rin sa'kin. Pagpasensyahan mo na 'yung si Jay. Parang gago 'yung matandang 'yun minsan."

"H-ha?"

She was about to tell him about Jono. Kahit ang totoo, hindi naman talaga siya sigurado na may gusto ito sa kanya dahil napaka-aga pa para maging assuming, tama naman si Perci. Odyssey should know. Dahil baka kapag dumating 'yung panahong na-kumpirma niya na totoo, makita ito ni Odi at may mangyari pang 'di kanais-nais.

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Where stories live. Discover now