Chapter 28

925 23 1
                                    

~~~ CHAPTER TWENTYEIGHT ~~~

Halos isang oras nang naghihintay si Zairah ngunit di pa rin dumarating si Chad. Sobra na siyang nag-alala. Nang biglang mag-ring ang cellphone niya.


"Hello Tita," ang mommy ni Chad ang tumatawag sa kanya. Isang hagulhol ang narinig niya mula sa kabilang linya at kinabahan siya agad. "Tita, what's wrong?"


"Si Chad...." di na nito natuloy ang sasabihin dahil napahagulhol na naman ito. "Ano pong nangyari kay Chad?" kabado niyang tanong. Lihim naman siyang napadasal na sana walang masamang nangyari kay Chad. "He met an accident. Nandito kami ngayon sa hospital," sabi ng mommy ni Chad. "Saang hospital tita? Pupunta ako diyan," sabi niya. Sinabi naman ng ginang kung saang hospital naroroon si Chad. Agad na niyang pinutol ang tawag at nagmamadaling lumabas. Nasalubong pa niya ang parents niya.


"Why the rush Zai?" takang-tanong ng daddy Zach niya. Tumigil naman siya sa pagtakbo. "Dad, si Chad," nanginginig na ang boses niya. Isa-isang nalaglag ang mga luha niya. Nakatingin sa kanya ang mga magulang at naghihintay sa sasabihin niya. "Si Chad," napahagulhol na siya. Niyakap naman siya ng mommy Stacey niya.


"He— he met an ac-cident," nauutal niyang sabi na ikinagulat ng mga magulang niya. Si Zach ang ang unang nakabawi. "Puntahan na natin siya," sabi ng daddy Zach niya. Inalalayan naman siya ng mommy niya palabas.


Habang nasa daan ay iyak siya ng iyak. "Mom, I don't want to loose him. I don't want to," sabi niya. Her mom gave her a sympathetic hug and rubs her back. "Don't cry sweety. I know he can make it," pampalakas-loob ng mommy niya. Di na siya umimik. Iyak lang siya ng iyak at humihikbi pa.

Nang makarating sa hospital ay agad silang nagtanong sa kinaroroonan ni Chad. Nadatnan nila ang mommy ni Chad na umiiyak sa labas ng e.r. Nagyakapan sila ng mommy ni Chad nang makita siya nito.


"How is he tita?" she managed to ask. "Di ko pa alam. Di pa lumalabas ang doktor," sagot nito. "Maupo muna tayo rito habang naghihintay sa balita," sabi ng daddy niya at naupo sila. "Nasa isang slope road si Chad nang malaman nitong di gumagana ang preno ng truck," salaysay ng mommy ni Chad na nanginginig pa rin ang boses. "Patungo iyon sa isang intersection road. Bumibilis ang takbo ng truck dahil nasa slope road siya at nagkataon namang may truck din mula sa kaliwang kalsada. Di na huminto ang sinasakyan ni Chad at dire-diretso lang ito. Kaya ng nasa intersection point na siya, nahagip siya ng truck. Tumilapon ang sinasakyan niya at bumaliktad pa ito," pagpapatuloy nito. Mas lalo pang naiyak si Zairah dahil sa nangyari sa nobyo. "Buti na lang daw at naka seatbelt siya kundi raw ay baka tumilapon na siya," dagdag pa nito. "Kasalan ko 'to eh. Sana di ko na lang siya inutusang pumunta sa farm," paninisi nito sa sarili. "Tita, aksidente po ang nangyari. It's not your fault," sabi niya na naaawa rin sa ginang. "Tama si Zairah, Marj. It was an accident. No one wants to happen this," sabi ni Stacey. Siya namang paglabas ng doktor kaya napatayo agad sila.

"Sino ho dito ang kamag-anak ng pasyente?" tanong ng doktor. "Ako po, mommy niya ako," sagot ni Marj. Pinaglipat-lipat ng doktor ang tingin nito sa kanilang apat bago nagsalita.


"He needs blood transfusion. We need a type B blood," sabi ng doktor. "Ako doc, type B ako," sabi ni Zach. "Good. Punta po kayo dun para ma-assess kayo," sabi nito sabay turo sa lab. Tumango si Zach. "One more thing. Kailangan din naming mgsagawa ng ct scan dahil sa laki ng sugat niyang natamo sa ulo. Let's pray na sana walang malalang damage na mangyari sa utak niya," sabi pa ng doktor tapos umalis. Napahagulhol na lang siya sa narinig. "Sweety, don't worry. He'll be fine," niyakap siya ng daddy Zach niya. Tapos umalis na rin ito para makuhanan siya ng dugo.

Buenavista Series 2: ZairahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon