"Hi Hanna!" Bati ni Zairah sa babaeng nililigawan ng kapatid nang dumating ito kasama ni Leonardo. "Hi Zai! It's nice seeing you here" nakangiting tugon nito at umupo sa tabi niya. Then Leo sat next to Hanna.
"Girls, chill lang kayo dito ha?" sabi ni Leo. Magpeperform na kasi ang mga ito. The band's genre is teen pop/poprock kaya naman madaming girls ang nag-iidolo sa mga ito lalo na't lahat naman sila ay mga gwapo. Tsaka mahusay din talaga ang banda.
"They're really amazing!" sabi niya habang pinapanood nila sina Leo. "Yeah and look at all those girls," turo ni Hanna sa grupo ng mga kababaihan na tumitili pa kapag kinikindatan ni Leo. She rolled her eyes. "Looks like my bro's enjoying his stardome!" she said to herself.
"So, how are you and Leo?" usisa niya kay Hanna. "We're fine... I mean, he's sweet and thoughtful," sagot nito. "Yeah, kahit luko-luko yun, he's very sweet." Proud niyang sabi. Hanna smiled at her.
*************************************************
"Zairah, for you." Inaabutan siya ng isang bouquet ng manliligaw niyang si Peter. Nasa university siya noon at kakatapos lang ng first subject niya. Papunta siya ngayon sa favorite bench niya sa university at nagkataong nakasalubong niya si Peter or better say na inabangan talaga siya ng lalaki.
Kinuha naman niya ang bulaklak. "Thanks!" sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Pero bumuntot pa rin sa kanya si Peter. "Zai, labas naman tayo minsan," sabi nito nang makahabol sa kanya. "I'm sorry but I'm busy." Tanggi niya. Actually, binasted na niya ito noon pa pero talagang makulit ito. "Lagi ka na lang busy! Even for just one night," pangungulit pa nito.
Napabuntong-hininga siya at tumigil sa paglalakad para harapin ito. "Pete," yun kasi ang palayaw ni Peter. "Alam mo naman na wala talaga akong feelings for you so please stop it!" prangkang sabi niya. Mabuti na rin yun kesa naman she's gonna give false hope and hurt him more. Lumungkot ang mukha nito but it was just quick.
A bitter smile formed on his lips. "Fine, I'll let you go... for now." Hirit pa nito bago ito lumayo sa kanya.
She's meters away from her favorite bench when suddenly she paused. Nandoon kasi si Lance at ang babaeng nililigawan nito na si Honey. Pipihit na sana siya pabalik ngunit nakita na siya ni Lance. Kinawayan siya nito. Hindi sana niya ito papansin ngunit tinawag siya nito. Kaya naman napilitan siyang lumapit sa mga ito kahit na lihim na nagdurugo ang puso niya. "Ano ba Zai? Masokista lang ang peg? Pwede mo naman silang iwasan and pretend na di mo sila nakita!" Sabi ng isip niya. " Dinala pa talaga ni Lance sa bench ang babaeng yun! Alam naman niyang doon ka tumatambay." Dagdag pa ng isip niya.
" Hi Lance... Honey" bati niya sa dalawa nang makalapit siya sa mga ito. She faked a smile. Nginitian siya ni Honey. "Where are you going?" Tanong ni Lance. "I was looking for Jeremy. I thought he's here." Pagsisinungaling niya. Mabuti na lang at nakaisip siya ng idadahilan niya para makaiwas sa mga ito. "Si insan, I think he's at the canteen." Sabi ni Lance ngunit di na niya iyon napagtuonan ng pansin dahil nasa leeg ni Honey ang buong atensyon niya. Suot kasi ni Honey ang necklace na binili ni Lance last week. Nagpasama kasi sa kanya ang lalaki sa mall last week dahil hinihinge nito ang opinyon niya about necklaces. The painful part is that the necklace is for Honey, not for her and it really hurts. But right now, she feels worse. If there is greater than pain, then maybe that's what she's feeling now.
"I have to go." Sabi niya at dali-daling tumalikod. Ni hindi na niya hinintay na makapagsalita si Lance. Feeling niya, sasabog na siya sa mga oras na iyon kapag di pa siya lumayo sa dalawa. Sa c.r siya nagpunta. Mabuti na lang at walang tao doon kaya ini-lock niya iyon. Doon, umiyak siya ng umiyak hanggang sa mahismasan siya. Agad naman siyang naghilamos at inayos ang sarili para di mahalata ang pag-iyak niya. Nang matiyak na ok na ang itsura niya ay lumabas na siya ng c.r.
"Hi guys!" Pinilit ni Zairah na maging masigla ang boses niya para di mahalata ng mga kaibigan niya ang pinagdaraanan niya nagyon. Siya kasi yung tipong di nagsasabi ng problema sa mga kaibigan niya dahil ayaw niyang maging abala.
Umupo siya sa tabi ni Jeremy. " Zai, may battle of the bands nga pala bukas. Sama ka?" Paanyaya ni Jeremy. "I'll think about it first," sagot niya. "Sige na Zai, sama ka na. Kasali kami doon eh!" Pangungumbinse pa ni Jeff. "Tsaka sasama din sina Hanna at Eliza." Dagdag pa ni Paul. Girlfriend ni Paul si Eliza. Kahit papaano ay close na rin sa kanya ang dalawang babae.
"I'm not really sure..." sabi niya pero inabutan pa rin siya ni Jeremy ng ticket for the battle of the bands. "In case you'll change your mind," Jeremy said with a grin. She smiled back. Isinilid niya sa shoulder bag niya ang ticket. Ibinuklat niya ang dalang libro at nagsimulang magbasa. May long quiz pa kasi siya mamaya.
"How's your day sweety?" tanong ng mommy Stacey niya. Nasa kwarto na siya at nagnenet surfing. Nakagawian na din kasi ng mommy niya puntahan siya sa silid kapag maaga itong nakakauwi. Gusto kasi ng mommy Stacey niya na maging close pa rin sila at malaman ang mga nangyayari sa buhay niya. So, it's kind of a routine for them to have 'girl talks'.
"It was fine." Nanatiling nakatutok ang mga mata niya sa screen ng laptop niya. Nakaupo siya sa kama at nasa likuran niya ang mommy Stacey niha. "Eh, ang lovelife?"
Bahagya pa siyang napatawa. "Mom, you know I don't have one. Still ZERO!" Binigyang-diin pa talaga niya ang huling mga katagang sinambit.
"What???!!! You're already 19!" di makapaniwalang sabi ni Stacey sa anak. Di niya alam kung matatawa ba o maiinis sa reaksiyon ng mommy niya.
"Mom, why does love hurts?" kapagkuwan ay tanong niya. "Coz it's not real if it doesn't hurt but it's not always painful sweety. Are you in love to someone right now?" Usisa pa ni Stacey sa anak.
Medyo matagal din bago siya nakasagot. "Yes but he's in love with someone else!" Puno ng hinanakit ang boses niya. Muntik pa ngang pumiyok ang boses niya.
"It's Lance?" It was more than a statement than a question basing on her mom's voice tone. Kaya naman natameme siya bigla. Ganun ba siya ka-transparent sa mommy niya?
BINABASA MO ANG
Buenavista Series 2: Zairah
General FictionLove can conquer it all but what if the man you're loving will lose his memory about you? Can you still keep up with it? How can you fight when you're the only who's trying to save your relationship?