Chapter 30

158 1 0
                                    

~~~ CHAPTER TWO ~~~

"Ikaw pala ang fiance ni Zairah. Ang swerte mo talaga kay Zairah," ang sabi ni doc Jay, ang obgyne ni Zairah. Chad just smiled. Then the doctor motioned at Zairah to lay down on the bed.


Si Chad naman ay naupo sa tabi ng kama habang pinapanood ang pagcheck up ng doktor kay Zairah. Itinaas ni Zairah ang suot na blouse kaya nalantad ang maputi at makinis nitong tiyan. Napatitig naman si Chad doon at napalunok. First time niya itong nakita sa ganoong ayos mula nang maaksidente siya. Pero saglit lang iyon at napalitan ng pagkainis dahil lalaki ang ob ni Zairah at binata pa. Parang ayaw niyang may ibang lalaking makakakita kay Zairah sa ganoong ayos. Di niya alam kung bakit nararamdaman niya iyon. Pero di na lang siya umimik kahit na gusto na niyang takpan ang katawan ng fiance.


May inilagay na gel ang doktor sa tiyan ni Zairah at pagkatapos ay may aparato itong inilagay sa tiyan na pina-ikot-ikot sa buong tiyan ng dalaga habang nakatingin ito sa monitor. Ganun din si Zairah, nakatingin sa monitor.


"Healthy naman ang baby. Tama lang ang timbang at laki and normal din ang heart rate so there's nothing to worry," sabi ni doc Jay. "See that little one at the bottom part? That's your baby," nakangiting saad ni doc Jay. Excited namang tumango si Zairah at siya naman ay napatingin din sa sinabi ng doktor.


"You wanna hear the heartbeat?" tanong pa nito. "Is that possible?" magkapanabay pang tanong nila kaya napatawa si doc Jay. "Yes," sagot nito sabay tanggal ng aparato sa tiyan ni Zairah. Pagkatapos ay tumayo. May kinuha itong aparato.


"By the use of doppler, we can hear the baby's heartbeat," sabi nito habang inididikit ang aparato sa tiyan ni Zairah at ilang saglit lang ay narinig nga nila ang heartbeat ng baby.


Sobrang bilis ng tibok ng puso ni baby. Para namang maiiyak si Zairah sa katuwaan nang marinig ang tibok ng puso ni baby.


"Ang bilis ng heartbeat niya," nagagalak na sabi ni Zairah.


Para namang may kung anong mainit ang humaplos sa puso ni Chad nang marinig ang tibok ng puso ni baby. Di niya maipaliwanag kung gaano siya kasaya nang mga sandaling iyon. Hinawakan niya ang kamay ni Zairah.


"I can't wait to see him," sabi niya. "Him? How can you be sure that it's a boy?" tanong nito. "I don't know but I can feel it," nakangiting saad niya. Tapos bumangon na si Zairah at inayos ang sarili.


"Just continue taking your vitamins Zai and see you on your next appointment," sabi ni doc Jay sabay abot sa baby book niya. "Thanks doc!" tugon ni Zairah. "Sige doc, alis na kami," sabi naman ni Chad. Tinanguan lang sila ni doc Jay tapos umalis na sila sa clinic nito.


"Babe, kain muna tayo. Nagugutom na ako eh," reklamo ni Zairah nang papauwi na sila. "Sure pero ikaw na ang bahala kung saan," tugon ni Chad. "Of course!" sagot niya tsaka sinabihan ang driver kung saan sila kakain.


Sa isang pizza parlor sila humantong. Nag-order siya ng pizza, lasagna, baked mac, brownies at double chocolate fudge.


"Babe, mauubos ba natin to?" medyo nag-aalalang tanong ni Chad nang ma-iserve ang mga orders nila. "Tatlo na kaya tayong kakain," sagot niya na ikinakunot ng noo ni Chad. "Ako, ikaw at si baby," dagdag pa niya. Nagkibit-balikat na lang si Chad.

Buenavista Series 2: ZairahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon