Araw-araw ay sinusundo siya ni Chad sa bahay at ihahatid sa school. Sinusundo din siya nito kapag uwian na. Halos di na nga sila mapaghiwalay.
Ngayon, nasa mansion sila nina Zairah at tinutulungan siya ni Chad na magreview dahil exam na nila bukas tapos birthday na din niya.
"Hi guys! Mukhang busy kayo ah!" bati ni Stacey kina Zairah at Chad. Nasa isang mesa sila na malapit sa garden. "Yes mom, Chad's helping me out since business ad graduate din naman siya tsaka he's a cum laude. For sure, he knows my lesson." Proud niyang sabi. "Babe...grabe ka ha? Nahiya naman ako dun," natatawang sabi ni Chad. "Tsaka matalino ka din naman...di ba lagi kang nasa dean's list," dagdag pa ni Chad. "Eh, totoo naman lahat ng sinabi ko. I'm so proud of you babe!" she smiled at him sweetly. "Hay naku! Payakap nga babe," Chad pulled her in. "Suhol yan sa magandang reviews mo sa'kin," biro pa ni Chad. Natawa na lang siya. Si Stacey naman ay nakangiting pinagmamasdan ang very sweet na couple. She's so happy that finally, her daughter has found true happiness with Chad.
"Chad, thanks for helping out me daughter. Dito kana magdinner ha?" sabi ni Stacey. "Sure tita! Tsaka ang sarap ng luto niyo kaya di talaga ako tatanggi," pagpapaunlak ni Chad. Natawa na lang si Stacey. "O siya, maiwan ko muna kayo. Ipapatawag ko na lang kayo kapag ready na ang dinner," paalam ni Stacey. "Ok mom!"
Mga isang oras pa silang nag-review bago ipinatawag ng katulong for dinner. Habang kumakain ay panay ang usisa ni Michelangelo kay Chad dahil ito pa lang ang unang beses na nagkaharap ang dalawang lalaki. Busy kasi ang kuya Michelangelo niya sa paghahanda ng wedding nito next month. Kaya naman, minsan na lang itong nakakasabay sa kanila na magdinner.
"Kuya, will you please stop interrogating him!" sabi ni Zairah na may himig ng inis. "Pumasa na siya kay dad kaya ok na," dagdag pa niya. Michelangelo shrugs his shoulder. "I just want to know him well," katwiran nito. Di na niya ito sinagot pa dahil baka magtalo pa sila. Nasa harap pa naman sila ng pagkain. Inenjoy na lang niya ang dinner with Chad.
Magkahawak-kamay na binabaybay nina Zairah at Chad ang daan patungo sa car port. Agad kasing nagpaalam si Chad na umuwi after dinner. "It feels so good kapag laging ganito," sabi niya. She feels secure whenever she holds him especially if she's in his arms. "Yeah, at kahit anong mangyari I'll always be here for you," sabi nito. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang hawak sa kamay nito na para bang takot na mawala ito sa kanya. Huminto sila sa tapat ng kotse ni Chad. Then he pulled her in and hugged her tight.
She closed her eyes as she wraps her arms around him. Feeling his warmness, his heart beat which is racing and his hard masculine body. "Good night my princess! Have a good sleep," he said. Then she pulls away a little to see his face. "Be careful in driving. I love you so much my prince!" she said. "I love you more my princess," he then held her chin and lifted up her face. He planted a sweet goodbye kiss on her lips before he let her go. Then he went in to his car. She waved a hand as his car goes away. Hinintay muna niyang makalabas ng malaking gate nila si Chad bago siya pumasok uli sa mansion.
"Hi guys!" bati ni Zairah sa kaibigan nang puntahan niya ang mga ito sa canteen. Kakatapos lang ng exam nila. "Buti at naalala mo pa kami," may pagtatampong sabi ni Lance. Nangunot ang noo niya. Siguro bad mood si Lance ngayon kaya di na niya pinansin ang sinabi nito. "Zai, wag mo na lang pansinin yang si Lance," sabi naman ni Jeremy.
Still, she feels guilty dahil madalang na siyang nakakasama sa tropa. "Sorry guys, I was just busy kaya di na ako masyadong nakakasama sa inyo," she explained. "Busy kay Chad," pasaring ni Lance. She raised a brow. Bago pa man siya makasagot ay naunahan siya ni Jeremy. "Stop it Lance! Upo ka na nga lang dito Zai," iminuwestra ni Jeremy ang bakanteng upuan sa tabi nito. Naupo na lang siya doon.
"Zai, close your eyes," sabi ni Hanna na nakaupo sa tapat niya. "Why?" tanong pa niya na pinaglipat-lipat ang tingin sa mga kaibigan. "Teka, asan sina Jeff at Paul?" tanong niya. "You won't find out if you don't close your eyes," sagot naman ni Eliza. Sinunod na lang niya ang mga ito kahit di niya alam kung ano ang gimmick ng mga ito. "Open your eyes in a count of three," Jeremy instructed. Sinenyasan ni Jeremy sina Jeff, Leonardo, at Paul na nakatago dun sa isang sulok.
"1...2...3," she heard Jeremy counted. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata and she's surprised. Party poppers blew everywhere. May hawak na balloons si Paul at Jeff samantalang si Leo naman ay may hawak na cake.
"Happy birthday 20th birthday Zai!" sabay-sabay na bati ng mga friends niya na nakapalibot sa kanya. Na-touch naman siya sa ginawa ng mga ito. Her friends knew she doesn't want material things for a present. Mas mahalaga sa kanya ang effort na ginawa ng mga ito. "Awww...thank you!" she smiled at them. "Make a wish," sabi ni Lance.
She closed her eyes and uttered her wish. "I wish that Chad and I will stick together forever!" She wished then blowed the candle on the cake.
Lihim namang nasaktan si Lance ngunit di nito maipaliwanag sa sarili kung bakit affected siya sa hiling nito. "Ano nga bang nakita ni Zairah sa lalaking yun?" he wondered silently. "Kainan na!" sigaw ni Jeff na nagpabalik kay Lance sa realidad. Nagkatawanan ang magkakaibigan sa sigaw ni Jeff. Tapos kumain na sila.
"Hello babe!" bati ni Zairah kay Chad nang tumuwag ito in the middle of their snack. "Babe, I'll be late. Na-flat kasi yung gulong ng kotse ko," sabi nito. "It's fine babe. Wag mo na lang akong sunduin. Sasabay na lang ako kay Jeremy," sabi niya. "No, I'll pick you up. Bibilisan ko lang ang pagpapalit ng gulong," Chad insisted. "Babe, it's really fine. Kita na lang tayo mamaya sa party. Tsaka magbeauty rest ka na rin para mas lalo kang pomogi mamaya," she said then giggles. Napapayag na rin niya si Chad. "Ok, I love you babe!" sabi nito. "I love you too babe!" then she tapped the end icon.
"Sasabay na ako sa'yo mamaya Jeremy. Di na kasi ako nagpasundo kay Chad," sabi niya rito tapos ipinagpatuloy ang pagkain ng cake. "Sure!" tugon nito. "Asan yung kotse mo?" tanong ni Eliza. "Di ko na dinadala kasi palagi na naman akong sinusundo ni Chad," sagot niya. Ilang sandali pa'y tinapos na niya ang pagkain.
"Guys, mauna na kami ni Jeremy. I need to take my beauty rest," paalam niya sabay tayo. "Ok Zai. Ingat na lang kayo!" sabi ni Hanna. Hinila na niya patayo si Jeremy na susubo pa sana ng cake. "Teka lang, yung cake," sabi nito at kinuha na lang ang cake sa platito at kinain ng mabilisan. Kaya yun, kantiyaw at tawa ang nakuha nito mula sa barkada. Tapos naglakad na sila patungong car park.
BINABASA MO ANG
Buenavista Series 2: Zairah
General FictionLove can conquer it all but what if the man you're loving will lose his memory about you? Can you still keep up with it? How can you fight when you're the only who's trying to save your relationship?