Chapter 27

812 19 0
                                    


"By the power vested upon me, I pronounce you man and wife. You may now kiss the bride," ang pagtatapos ng pari sa seremonya ng pag-iisang dibdib. Napatingin sa isa't-isa sina Chad at Zairah na para bang iisa lang ang nasa isip. Then they smiled and Chad pulled her in.




"Di magtatagal ay tayo na rin ang manunumpa sa harap ng Diyos," bulong ni Chad sa kanya. "I can't wait for that to happen babe," sagot niya. Kasal kasi ngayon ng kuya Michelangelo niya at ang kaibigan niyang si Andy.




Tinignan niya ang nobyo at nakatingin din pala ito sa kanya. At dahil yakap siya nito, konti na lang ang distansya ng mga mukha nila. Then he kissed her. Kasabay ng halik nila ang paghalik din ng groom sa bride nito.




After the ceremony, nagtungo na sila sa reception ng kasal. Sa Gatchallian Hotel ang reception. There, they enjoyed their selves.




Nagsasayaw sila ni Chad noon nang makaramdaman siya ng pagkahilo. Parang umiikot ang mundo niya kaya naman mas lalong napahigpit ang pagkapit niya sa batok ng nobyo at bahagya pang napasubsob sa leeg nito. Siguro kung di lang mahigpit ang hawak ni Chad sa bewang niya baka natumba na siya.



"Babe, are you ok?" nag-aalalang tanong nito. "I suddenly feel dizzy, I think I'm just tired," sagot niya. Di na nagdalawang isip pa si Chad at iginiya na siya pabalik sa mesa nila.




Si Lance lang ang nadatnan nila sa mesa dahil yung mga kasama nila kanina ay nagsasayaw pa rin. As usual, di pa rin siya kinikibo ni Lance. Pero di na lang niya iyon pinansin dahil nahihilo pa siya. Feel niya na parang ang awkward ng situation nilang tatlo. Si Chad din naman ay tahimik lang at nakikiramdam. Di nagtagal ay tumayo si Lance at aalis na sana. Pinigilan niya ito kahit nahihilo pa siya.



"Lance," tawag niya rito sabay tayo. Huminto naman ito ngunit di lumingon. "Miss na kita, alam mo ba yun? Namimiss ko na yung paglalakwatsa natin," sabi niya at napakagat labi pa siya. Pinipigil ang sarili na mapaiyak. Lumingon naman si Lance sa kanya at napabuntong-hininga.


"Miss na rin naman kita eh kaya lang, i just need some space muna Zai but I promise, babalik din tayo sa dati," humakbang ito palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Tuluyan na siyang napaiyak. "Hush, don't cry. Sige ka, papangit ka niyan," sabi nito at napatawa siya. Tapos pinakawalan na siya nito. "Pare, alagaan mong mabuti si Zai ha?" baling nito kay Chad na nakaupo lang sa may likuran niya at nanonood sa kanila. "Oo naman pare," sagot nito. "Sige, punta muna ako dun," paalam ni Lance. Tumango siya.


She felt relieved dahil kinausap na rin siya ni Lance. "Babe, uwi na tayo," yaya niya dahil medyo nahihilo pa rin siya. "Sige," sabi ni Chad at tumayo. Tapos inalalayan na siya nitong maglakad. Bago sila umalis ay nagpaalam muna sila sa bagong kasal tapos sa parents niya.



Habang nasa biyahe ay nakatulog si Zairah dahil sa pagkahilo niya. Nag-aalala pa rin si Chad sa kalagayan niya. Hanggang sa makarating sila sa mansion ay tulog pa rin ang dalaga. Di na niya ito ginising. Bumaba na siya ng kotse tapos lumigid sa kabilang side at binuksan ang pintuan ng front passenger seat. Dahan-dahan niyang binuhat si Zairah upang di ito magising. Tapos naglakad na siya papasok sa mansion.



Buenavista Series 2: ZairahTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon