[7] Stuck with each other

Start from the beginning
                                    

“Wag ka nalang kasi umalis...”

“Aki...” 

Aki...wag mo ako iwan...” Ha? Bakit may Aki sa panaginip ko? 

Naalimpungatan ako at nakitang umiiyak si Aphrodite. Kahit naman may galit ako sa mga babae, di ko padin matiis kapag umiiyak sila. Kaya pala biglang nagkaroon ng Aki sa panaginip ko, eto palang babaeng to nagsasalita pag tulog.

Pumunta ako sa may sofa para gisingin siya kaso nung medyo dumilat yung mata niya.Bigla nalang ako sinunggaban at niyakap. Aba, ikaw pala may balak sakin eh. -_-“

Aki *huk* buti bumalik ka. Sabi na nga ba hindi mo ako *huk* iiwan eh.” Ano ba yan, napagkamalan pa ako. Kaya pala ako niyakap. Tinanggal ko yung pagkakayakap niya sakin.

Ano ka ba, hindi ako si Aki. Patay na yung boyfriend mo. Hindi ako yun, okay?” Pinunasan niya yung mukha niya. Kawawa naman to, isang taon na nakakalipas hindi padin maka-get over. Narinig ko nalang siya na bumulong ng ‘sorry’

Dun ka nalang sa kama matulog, baka binabangungot ka dahil diyan ka sa sofa natutulog.” Inayos ko na ung kama, nilagyan ko na ng harang na unan para di siya mailang. Matutulog na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

Pwede ba... huwag nalang tayo matulog?” Akala ko pa naman conservative to. Anong sasabihin ko dito? Paano ko ba to ituturndown? Syempre gusto ko padin naman yung asawa ko makakauna sakin.

Aphrodite... matulog ka nalang.”

Please...” Ano ba to. Ang kulit naman -_- Ang hirap naman makaintindi na ayaw ko nga mag ganun. Tsaka bawal din! Nasa rules kaya yun.

Aphrodite, ayoko nga! Gusto ko sa asawa ko- ”

Asawa? Ano ba sinasabi mo? Makikipagusap lang naman ako sayo ah?!?!” Ahhh. Makikipagusap lang pala.

Osige, ano bang gusto mo pagusapan?” Napakamot nalang ako ng ulo. Ang berde ko naman magisip. Pahiya tuloy ako dun.

Wala... gusto ko lang kasi ng mapaglalabasan ng loob.” Siguro tungkol to dun kanina. Dun sa ex niya. Kawawa to kung iisipin.

Sige, kwento mo lang. Di ako magsasalita. Makikinig lang ako.”

Salamat ha...”

At ayun nagkwento na nga. Magkababata pala sila nung Aki na yun, sabay pala sila lumaki at first love nila yung isa’t isa. Ang saya naman ng buhay nila, bata palang luma-lovelife na at legal sa parents. Kaibigan din pala nila si Jeremy kaya pala parang hindi siya ilang dun kahit makasama niya sa kwarto, pero yung bakla daw yun? Parang hindi talaga ako naniniwala.

Bading ba talaga si Jeremy bata palang kayo?”Hindi ko naipigilang itanong kasi nakakacurious talaga.

Hindi eh. Hindi ko nga alam kung paano naging bading yun. Siguro nung mga Grade 6 na kami, dun pala niya narealize na magkaparehas pala kami ng lahi.”

“Bakit bigla namang bakla agad? Pwede ba yun? Kapag ako natripan ko maging bakla, bakla na agad ako?” Nakakapagtaka talaga, baka may inside motive yun.

Eh sa hindi ko alam eh! Basta nung parang MU na kami ni Aki, hindi na siya masyadong nakikipagusap samin. Tapos nalaman ko nalang, bading na pala siya.” Napabuntong-hininga nalang si Aphrodite.

Kaya pala, may gusto pala yung si Jeremy kay panget. Hindi ko lang alam bakit ang manhid nito eh. Tsk. At ayun, nagkwento pa siya ng nagkwento.

Ah, oo. Nagkahiwalay kami ni Aki ng dalawang taon. Hindi naman niya sinabi kung bakit, pero okay lang. Hinintay ko naman siya. At nung bumalik siya, naging kami na talaga kasi teenager na kami.”

San siya nagpunta?”

“Sa japan.” Sa japan? Posible palang nakilala ko si Aki nung nasa Japan siya, kasi yun din yung mga panahong nasa Japan ako eh. Ngayong college lang naman ako nagpunta sa Pilipinas, dun kasi ako lumaki.

Napadami na din yung kwentuhan namin. Namatay pala sa car accident si Aki at nung dinala nila yung katawan sa ospital, dead on arrival na daw. Hay, kawawa naman to. Magkukwento na sana ako nung nakita ko siyang tulog na. Nakaupo kasi kami nun sa kama, yung ulo niya nasa balikat ko na. Binuhat ko siya para makahiga na siya ng maayos sa kama.

Bakas padin sa mukha nya yung lungkot, isang taon na nakalipas pero hindi padin nagbabago yung sakit na nararamdaman niya. May magagawa kaya ako para matulungan siya? Kung sakali kayang gusto ko siya alagaan, papayagan ako ni Aki?

Aki... bakit ba parang ang pamilyar ng pangalang yun sakin?

Kinumutan ko siya at natulog na din, sana lagi ko siyang makasama ng ganito. Ang gaan talaga ng loob ko sa kanya, sana hindi na muna mag-umaga.

You may now leave the room.” Nagising ako nung nag-announce yung President namin. Pagdilat ko ng mata ko, siya agad yung nakita ko. Magkaharap kasi kami eh. Nawala na nga yung unan sa gitna kasi niyayakap niya na. Ang ganda niya talaga, ang swerte ni Aki dahil kahit minsan naging sa kanya si Aphrodite.

Gising na...” Tinapik ko si Panget at kinuskos niya na yung mata niya. Nakakatawa yung buhok niya, ang gulo na. Pero maganda padin naman.

Salamat nga pala kagabi ha?” Ngumiti siya sa akin. *dug dug dug dug* Ano ba to? May sakit na ba ako sa puso ngayon?

Wala yun.” Lalabas na sana ako ng kwarto ng bigla ko siyang tinanong. Napaisip kasi talaga ako dun buong gabi eh.. kung bakit parang pamilyar yung pangalan ni Aki.

“Panget, anong buong pangalan ni Aki?”

Ah.. si Aki ba?” Nag-nod ako.

Aki....

Atashi.”

*to be continued*

________________

Bitin na naman no? Hihi. Bukas nalang ulit guys. Pa-vote at comment naman ng reactions niyo! :)

 Ayan po si Hiro sa side bar! Random lang yan, walang ganyang scene sa chapter na to :)))

Miss Butt-Kicker and The Cold-Hearted GuyWhere stories live. Discover now