CHAPTER 64 - Tatay

Start from the beginning
                                    

“Sige pero baka may gusto kang kainin, Ma’am? Magpapahanda nalang ako.”

Mabilis akong umiling. “Salamat nalang po.” nakangiting sabi ko.

“E, sige. Maiwan na muna kita kung gano’n, Ma’am.”

Tinanguan ko lang siya at pinanood nalang nang muli siyang lumabas ng bahay.

SAMPUNG minuto na akong nakaupo sa mahabang sofa. Maya’t-maya rin ang pagdaan ng mga kasambahay nila na laging nagyuyuko ng ulo sa ‘kin na akala mo isa akong royalty.

Pero bakit wala pa rin kahit anino ng mag-ina?

“Ma’am, gusto mo bang tawagin ko na si Sir?” Tanong ni Lita na lumapit pa sa ‘kin. Kilala ko siya kasi ‘di ba, naging Yaya kuno ako ni Kenshi noon?

“Ako nalang, Ate. Nasaan ba siya?”

“Doon sa office ni Sir Conrad, Ma’am. Naroon ang mag-ina. Alam mo naman siguro kung nasaan ‘yon, Ma’am.”

Nginitian ko siya saka tumayo. “Alam ko, Ate.” sabi ko saka siya tinalikuran.

Tinahak ko ang isang pasilyo kung saan ang dulo nito ay ang opisina ni Tito Conrad. Tatlo lang naman sila pero napakalaki ng kanilang bahay. Hindi ba sila nalulula?

ITINAAS ko ang kamay ko para katukin sana ang pintuan pero natigilan ako nang marinig ko ang malakas na kalabog sa loob followed by a man’s yells.

“I want to know the truth, Mom! My biological parents! Sino sila?!” sigaw niya sa namamaos na boses.

Sumagot si Tita Vera pero dahil sadyang mahina ang boses ay hindi ko na narinig ng maayos.

“Speak up, Mom!” Sigaw na naman ni Kenshi. “Speak the truth, please!”

Hindi ko na naman narinig ang isinagot ni Tita Vera at inasahan ko ng susunod na naman ang sigaw ni Kenshi pero hindi ‘yon nangyari dahil isang malakas na kalabog nalang ang sumunod kong narinig.

Mabuti nalang at nasa dulong pasilyo ang silid na ito kaya hindi naririnig O napapansin ng mga tauhan ng bahay ang nangyayaring ito sa mag-ina.

“Kenshi, Don’t leave, Son!” Unang beses mula kanina na narinig kong klaro ang boses ni Tita. “Kenshi!”

Napaigtad ako sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan at patakbong lumabas si Kenshi na hindi rin ‘ata ako nakita dahil nagtuluy-tuloy na siya sa pag-alis.

“Miracle? Kanina ka pa ba riyan, hija?”

Nagyuko ako ng ulo kasabay ng pagtango ko. “I'm sorry, Tita. Hindi ko po sinasadyang marinig ang — ”

“It’s okay, hija.” putol niya sa ‘kin. “Halika. Pumasok ka.”

“P-pero si Kenshi, Tita. H-Hindi ba natin hahabulin?”

“He needs some space right now, hija. Hayaan nalang muna natin siya.”

Tumango nalang ako at humakbang papasok ng office ni Tito Conrad. Ako na rin ang nagsara ng pinto at pinanood ang bawat galaw ni Tita Vera.

“Tita .. ”

Naupo siya sa single sofa at nagsimula ng humagulgol kaya hinayaan ko lang siya para kahit papaano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman niya at this moment.

“I thought that was over, Miracle.” pahikbing wika ni Tita Vera. Ang akala ko ayaw na niyang ungkatin iyon. Ang akala ko’y sapat na kami ni Conrad bilang mga magulang sa kaniya but I was wrong.. so so wrong.”

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now