CHAPTER 14 PANGAMBA

4.1K 134 4
                                    

Cj's POV

KINAGABIHAN sa BAR.

"One scotch please," order ko kay Jhae na abala sa pagmi-mix ng alak dito sa bar counter.

"Hey, you're here. Where's Prince? Kagabi pa siya wala dito ah," tanong niya habang nagsasalin sa isang shot glass ng order kong alak. Hindi naman masyadong maingay dito sa loob dahil sweet music ang tumutugtog sa backround at may ilang sumasayaw ng sweet kaya naman nagkakarinigan pa kami ng maayos ni Jhae.

"He's busy with his kids," sagot ko at kaagad tinungga ang basong may alak na ini-abot niya sa akin. Muli kong ibinalik sa kaniya para muli niyang salinan.

"Hindi ka naman siguro magpapakalasing tonight, eh?" tanong niya sa akin habang may makalaglag panting ngiti. Si Jhae ang pinakamalambing, sweet and calm sa grupo. Pero minsan ay nasa ilalim din ang kulo. Bumibigla na lang 'yan, kaya ingat ka.

"Hindi, wala rin naman kasing maghahatid." Natawa naman siya sa isinagot ko sa kaniya.

"Hi babe! I'm willing to be your driver tonight. Just give me a chance and i will drive you all night, to keep you warm in times 🎤 is frooooooozen...yeah baby. Ayos ba?" Natawa naman ako kay Jamir na may hawak na walang lamang tray. Nakangisi at pakindat-kindat pa sa akin.

Napangiwi na lang ako sa kaniya. Diyan siya magaling, dinadaan niya sa mga pakanta-kanta ang kaniyang mga pambobola. Kunsabagay ay may boses naman kasi siya kaya hindi ko masisisi itong si Sunny na mahulog sa lalaking ito. Kawawa nga lang siya dahil siya ay nabibilang lang sa lahat ng mga babaeng binibilog ng anak ng tipaklong na ito.

"Ano babe? I'm free tonight," ngiting-ngiti pa rin niyang tanong sa akin.

"Tigilan mo 'ko."

"Okay, incase magbago ang isip mo, I'm only oneee 🎤call away. I'll be there to save your...wetness." Mabilis kong naibato sa kaniya ang shotglass na hawak ko at kaagad din naman niyang nasalo.

"Joke lang." Tatawa-tawa siyang nag-peace sign sa akin at lumayo.

"Pinagtripan ka na naman ng loko-lokong iyon," biglang sabat naman ni Davin na umupo sa aking tabi.

"Walang sinasanto kamo, lahat pinapatos," iiling-iling namang sagot ni Jhae na nag-abot ng order kay Alexus.

"Hi baby!" nakangiti ring bati sa akin ni Alexus sabay kindat. Isa rin itong bolero.

"Anyway, where's Prince? Kagabi pa siya wala ah," tanong ni Davin habang nagpapalinga-linga sa buong bar. Pero kanina ko pa naman talaga siya napapansing lumilinga-linga sa paligid.

"Si Prince ba talaga ang hinahanap mo?" nakangisi kong tanong sa kaniya. Alam ko naman kung sino eh, si Maian. Halatadong-halatado kasi.

"Ha? N-no! Why would I look for Maian?!" malakas niyang sagot habang hindi makatingin.

"Why so in denial?" taas-kilay kong tanong sa kaniya.

"H-hindi ako in denial no. I'm just....i'm j-just asking, you know. By the way, eh ano naman din kung hanapin ko siya? S-she's my f-friend too." Natawa na lang ako sabay iling. It's really obvious pero tinigilan ko na ang pambabara sa kaniya. Mabait naman kasi si Davin, guwapo pero may pagkatorpe. At saka hindi na siya puwede kay Maian dahil pagmamay-ari na iyon ng isang Prinsipe.

"Okay, sabi mo eh. Anyway, 'andoon siya kay Prince ngayon as yaya ng dalawang kambal," sabi ko sabay tungga ng alak sa baso.

Kita ko naman sa gilid ng aking mga matang parehong natigilan ang dalawang lalaking lihim na may pagtingin sa pinakamagandang Isla sa balat ng mga Isla. Naririnig ko lang iyan doon sa pinsan niyang nagger.

"What?!"

"Aray! Hindi ako bingi!" sigaw ko din kay Davin nang sigawan niya ako. Kainis itong tukmol na ito ah. Nanlalaki pa ang kaniyang mga mata at hindi makapaniwala samantalang si Jhae ay nakatingin lang at mukhang malalim ang iniisip.

"H-how? Sa Mansion ba, sa mansion?!" Ang tinutukoy niya ay ang mansion nila tita Nancy at tito King sa Rizal.

"Ewan ko, hindi ko pa natatanong si Prince. Sige na, alis na 'ko. Ask Prince instead," sagot ko na lang at mabilis ng tumayo at umalis. Alam ko kasing di ako titigilan ni Davin eh kaya mas mabuti pang umalis na dahil malalim na rin naman ang gabi.

Bago ako makalabas ng bar ay kaagad ko ng isinuot ang bitbit kong jacket. Alam kong nariyan na naman siya sa paligid dahil wala pang gabi na pumalya siya sa pagbisita sa akin. Nasanay na rin ako sa kaniya sa almost four years ko siyang nakakasama sa gabi.

Sumakay na ako ng aking kotse at diretso ng umuwi ng aking apartment. Medyo tipsy na ako pero nama-manage ko pa naman ang aking sarili.

Pagpasok ko sa loob ng aking apartment ay pinakiramdaman ko na kaagad ang loob ng aking silid kahit narito pa ako sa sala. Pero tahimik, mukhang wala pa siya.

Madali na akong naglinis ng aking katawan at nahiga sa kama ng walang kahit na anong saplot sa katawan. Fresh na fresh ang aking pakiramdam pero may kakaibang hanap ang aking katawan.

Ilang minuto akong naghintay, siguro naman ay paparating na siya. Nagpatingin-tingin ako sa relong nakapatong sa bedside table ko at malapit ng mag-twelve ng hating-gabi. 'Asan na ba siya?

Muli akong bumangon at pumasok ng banyo para mag-toothbrush baka kasi may amoy alak pa ang aking hininga at magalit na naman siya. Ayaw niya kasing nag-iinom ako pero matigas ang aking ulo. Sino ba siya para hadlangan ako sa mga gusto kong gawin?

Nang matapos ay muli akong bumalik sa kama at nagpalinga-linga sa buong paligid ng aking silid pero wala pa rin siya. Naisipan ko ng buhayin ang ilaw, bahala na kung magalit siya.

Pero nadismaya lang ako nang wala talaga siya kahit na kaunting bakas niya or anino.....ay wala. Pinatay ko na ang ilaw at nakakaramdam na ako ng pagkabog ng aking dibdib. Alas otso or alas nuebe ng gabi ay naririto na siya at ni minsan ay hindi pa siya lumampas sa nine. Pero ngayon ay ala-una na ng madaling-araw at wala pa ring sign ng kaniyang pagdating.

Napasilip na ako sa labas ng bintana at baka sakaling matanaw ko siya sa labas. Hindi na rin ako mapakali. Bakit ba wala pa siya?! 'Asan na ba siya?!

Hanggang sa nakatulog na ako sa kahihintay at nagising kinaumagahang wala pa ring saplot. Pero walang dumamping kahit na anong bagay sa aking katawan.

Hindi siya nagpunta? May nangyari ba sa kaniya?

Hindi ko alam kung bakit iba ang naramdaman ko ngayong hindi niya ako ginambala ng isang gabi, na sa loob ng four years ay ngayon lang nangyari. Pumalya siya.

Dapat ay maging masaya ako pero kabaligtaran ang naramdaman ko. Pangamba.

SHADOW 2 [COMPLETED]Where stories live. Discover now