COH : CHAPTER 10

659 50 2
                                    

Ilang linggo na ang lumipas at ilang beses na rin ako ipinadala ni Yato sa misyon. Syempre ilang beses na rin akong nakapatay ng tao. Sa bawat pagpatay ko ng tao ay unti-unting nawawala ang aking mga emosyon.

Wala na akong maramdaman at hindi na rin ako nakakaramdam ng awa. Minsan bumabalik ako sa sarili ko at gusto ko sana bumalik sa dati kaso nilalamon na ako ng kadiliman.

Ipinadala muli ako ngayon ni Yato sa isang misyon kung saan kailangan kong patayin ang isang pamilya.

Pamilya? Hindi ko na alam ang ibig sabihin niyan. Nakalimutan ko na ang kahulugan ng salitang iyon na dati ay iniingat-ingatan ko.

Magsolo lang ako ngayon na naglalakad sa gubat patungo sa bahay ng isang pamilya dito sa tagong parteng ito. Hindi ko alam kung anong rason ni Yato at inutusan niya ako patayin ang pamilyang ito. Wala rin naman ako magawa kundi sundan ito.

Nang makarating ako sa bahay ay kaagad na sinira ko ang pintuan. Gusto ko na matapos ito. Gusto ko na magpahinga. Gusto ko na matigil ito pero paano? Habang buhay na lang ako susunod kay Yato? Habang buhay na lang ako magpapagamit sa kanila? 

Pumasok ako sa bahay at wala akong nakita na tao dito kaya pumasok ako sa nag-iisang kuwarto dito. Sinira ko ulit ang pintuan nang malaman ko ito na nakasarado.

Pagkapasok ko sa pintuan nakita ko ang isang lalaki na nakatayo at may hawak na isang katana. Napangiti ako sa nakita ko.

Paghawak pa lang niya alam kong hindi siya marunong nito. Mapapadali ang pagpatay ko sa lalaking ito.

Lumapit ako sa kaniya at inilabas ang aking katana. Sumugod sa akin ang katana niya at sinalubong ko naman ito gamit ang akin. Ayokong ipakita ang totoo kong lakas. Gusto ko maging patas ang laban namin.

Mabilis na sinalubong ko ang katana niya at sa hindi inaasahan nabitawan niya ang kaniya. Napangiti ako dahil ito na ang huling oras niya. Sinaksak ko kaagad ang katana ko sa kaniya at napatama ito sa braso niya nang takluban niya ang dibdib niya kung saan dito ko sana papatamain ito.

Napatumba siya dala nang pagkagulat sa nangyari. 

"Scared?" Bulong ko at balak ko na sana saksakin siya sa katawan niya nang may dumating na isang bata at pinrotektahan siya. 

"No! Don't kill my Dad!" Napatigil ako nang marinig ko ang maliit na boses ng isang batang babae. Umiiyak siya habang yakap niya ang ama niya at nakatingin siya sa akin.

A kid?

May lumapit ulit na isang bata at lalaki naman ito. Pumunta siya sa unahan ko kahit na natatakot siya huwag ko lang masaktan ang ama nila.

Why are you doing this? 

"Kid, are you not going to move?" Walang emosyon na tanong ko sa kanila.

Matapang na sumagot ang batang lalaki sa akin. "No! You will kill my Dad!" Umiiyak na sabi ng batang lalaki.

Oh god.. Don't cry.

"I will not kill your father." I lied.

"You are going to kill him! So before you kill him, kill me first!" Natigilan ako sa sinabi ng bata. Parang may isa akong memorya na naalala.

My father...

"Stop, Yang!" Narinig kong sigaw ng tatay nila. "Don't kill them please. Just only me but please let my children live." Napatitig ako sa ama nila na nagmamakaawa na siya na lang ang patayin ko at hayaan na mabuhay ang anak niya.

Samantalang ang anak naman niya ay nagmamakaawa din sa akin na huwag patayin ang ama nila, sila na lang. 

Tila ang bato kong puso ay nanlambot at ang blanko kong mata ay nagkaroon ulit ng kulay. Tinitigan ko silang tatlo. Wala ang kanilang ina. Namatay na?

Child Of HellWhere stories live. Discover now