COH : CHAPTER 35

368 18 1
                                    

Pakiramdam ko hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari. Hindi ko ramdam ang antok kahit na hirapan ako makatulog kagani. Malinaw pa rin sa aking utak ang pangyayaring iyon. Licht kissed me. I can't believe!

"Why are you blushing alone, Amirah?" Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Clid. Napatingin ako sa unahan ko at nakita ko siya kasama si Kenzu na may dalang pagkain.

"N-Nothing." Sagot ko at umiwas ng tingin sa kanila.

Umupo sila sa harapan ko para kumain. Hindi ko pa pala ubos ang pagkain na kinuha ko. Masyado yata napalalim ang pag-iisip ko.

"Maybe thinking about his boyfriend?" Narinig kong bulong ni Kenzu kay Clid. Nag-init ang aking mukha pero itinuon ko na lang ang aking atensyon sa pagkain ko.

"What happened last night, Amirah? Pinuntahan mo si Licht?" Tanong ni Clid sa akin habang nakain. Naisip ko na naman ang nangyari kagabi at mabilis na sumagot sa tanong ni Clid.

"No, I did not." Sagot ko at kumain ulit.

"Are you sure? Licht came back with his red face." Nagtaka naman ako sa kanyang sinabi.

"What do you mean?" Tanong ni Kenzu sa kanya. "Nakatulog agad ako kagabi kaya hindi ko alam nangyari." 

"Oh kagabi nasa labas si Licht tapos inutusan niya ako na dalhin ko yung pagkain kay Amirah kasi hindi pa siya nakain." Sagot ni Clid sa tanong ni Kenzu. "And when he came back in our room, his face was so red. Para siyang bulkan na sasabog na."

"Seriously?" Kenzu said.

"Yeah I asked him and he said it was so cold outside that it made his face so red."

Mabilis na inubos ko ang pagkain ko at tumingin sa kanila. "I will go now." Binigyan nila ako nang nagtatakang tingin pero hindi ko na lang sila pinansin at umalis na ako.

A time with those two is dangerous, very dangerous.

Bumalik na ako sa kuwarto ko at kumuha ng damit dahil gusto kong maglinis ng katawan. Matapos kong kumuha ay lumabas na ako ng kuwarto at pumunta sa katabi ng aking kuwarto. Kumatok na ako sa kuwartong 'yon at naghintay ng magbubukas. 

"Oh Amirah! What brings you here?" Nakangiting salubong sa akin ni Hanabi at pinapasok niya ako sa kuwarto nila.

"I just want to ask you if you've showered already." Sagot ko sa kanya. Napansin ko na wala si Venus sa kanilang kuwarto kaya napatingin ako sa kanya. "Where's Venus?" Tanong ko sa kanya.

"Ah kaaalis lang, kakain daw siya." Sagot sa akin ni Hanabi. "Hindi pa ako maliligo. Gusto mo sabay na tayo pagpunta?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Let's go." I said. 

-

Nang matapos kami maligo ni Hanabi ay tumungo na kami sa taas ng barko kung saan nandoon ang mga kasamahan namin, nagpapahangin sa sariwang hangin dito sa gitna ng tubig.

"Hanabi! Amirah!"

Napalingon agad kami ni Hanabi sa gilid namin at nakita kong nakaupo sila sa may gilid habang may pagkain sa lamesa. Nakaway sa amin si Venus na tila sinasabi na pumunta kami doon.

"Eating again?" Tanong ni Hanabi nang makita ang lamesa na punong-puno ng pagkain. Napatingin siya kay Kenzu na kain nang kain. "Hindi ka ba nabubusog?" Tanong niya kay Kenzu.

"Hindi." Sagot ni Kenzu sa kanya.

Umupo na ako sa bakanteng upuan na katabi ni Clid at Venus habang si Hanabi naman ay nasa pagitan ni Clid at Kenzu. 

Child Of HellΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα