COH : CHAPTER 32

398 19 1
                                    

"So nice." Venus said as she was done bathing herself in the river. "The water in the river is so hot." She added while fixing her wet hair.

We stopped for a while to wash ourselves in the river and of course, the boys are in the another river.

"Tapos ka na ba, Amirah?" Napatingin ako kay Hanabi nang tanungin niya ako.

Tumango ako sa kanya. "Yes, I've washed myself in the morning." Sagot ko na tinanguhan naman niya.

"Ano ang kakainin natin?" Masayang tanong ni Kenzu habang nakatingin sa mga hawak kong gulay. "Bakit walang karne?" Tanong niya nang makita niya na puro gulay ang hawak ko.

"I don't know." Sagot ko sa tanong niya dahil si Clid at Licht naman ang magluluto ng pagkain namin ngayong tanghali dito sa gubat. Hindi ko alam kung nasaan sila siguro naghahanap pa ng makakain namin. Hinugasan ko lang naman yung gulay na pinakuha sa akin ni Clid. 

"Malapit na ba tayo?" Tanong ni Venus at inihagis kay Kenzu ang isang mapa na sinalo naman agad nito.

Binuksan ni Kenzu ang mapa na ibinigay ni Venus sa kanya at tiningnan ito nang maayos. Lumapit sa akin si Hanabi at tinulungan ako sa paghuhugas ng gulay habang si Venus naman ay tumabi kay Kenzu.

"Malapit na?" Tanong ulit niya kay Kenzu.

"Yeah but wala tayo sa front gate." Sambit ni Kenzu habang nakatingin sa mapa. "We are at the side of Silla Clan if we will go straight." Tumingin siya sa babaeng katabi niya at tiningnan ang reaksyon nito.

Malapit na pala kami sa Silla Clan kung saan dito kami sasakay ng barko para makarating sa Oscuro Clan. Silla Clan ang pinakamayaman dito pero hindi ibig sabihin ay sila na ang pinakamalakas. Yaman lang ang gusto ng Silla Clan matapos ang huling digmaan at wala silang pakialam sa kapangyarihan.

"I see." Venus said as she looked at the map. "So we still need to travel for a day?" Tumango si Kenzu sa tanong niya.

"Akala ko makakarating na tayo sa Silla Clan." Napatingin ako kay Hanabi na katabi ko. "Excited pa naman ako dahil ang daming magagandang lugar doon."

"Nakapunta ka na sa Silla, Hanabi?" I asked her and she looked at me.

Ngumiti naman kaagad siya sa tanong ko. "Sobrang ganda doon!" Masaya niyang sagot sa akin. I nodded at her and focused on what I am doing.

Hindi ko pa nakikita ang Silla Clan pero naririnig ko sa ibang tao noon pa na sobrang ganda daw doon kaya sobrang dami lagi ng tao at ang daming nakatira doon. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng excitement sa pagpunta namin doon.

"By the way, we need to change our clothes now." Napatingin ako kay Venus dahil sa sinabi niya. "Makakakuha tayo ng atensyon kapag ito ang isinuot natin sa Silla Clan." Napakunot ang aking noo sa sinabi niya at tiningnan ang aming suot.

"What's wrong with our kimono?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin ang tatlo sa akin. "What is it?" Tanong ko sa kanila dahil nakatingin sila sa akin na tila parang may mali akong nasabi.

"Naalala ko na buong buhay mo nga pala ay nasa loob ka lang ng bahay." Sabi ni Kenzu at tumango-tango sa akin. "Naiintindihan kita." Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya.

Napatingin ako kay Hanabi na katabi ko. "Is there something wrong?" Tanong ko sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin.

"You'll know once we get there." Nakangiting sagot niya sa akin na ipinagtaka ko naman.

What did they mean?

-

"W-What's with these strange clothes?!"

Child Of HellWhere stories live. Discover now