COH : CHAPTER 21

476 28 0
                                    

" They increased?!" 

"Yeah that guy named Hanns recruited some people here in Klens City." Hanabi said as she looked at me. "I am sorry, Amirah. Hindi ko sila nahuli. Hindi sila dumaan mismo sa gate. Dumaan sila sa wall." Paliwanag ni Hanabi sa akin.

"I-It's okay... Salamat sa pagtulong mo sa'kin." Ngumiti ako kay Hanabi na sinuklian din niya nang matamis na ngiti.

"I think you should go now or else baka hindi niyo sila maabutan sa Grison City." Sabi ni Hanabi sa amin. "Sumakay na kayo dahil ang Damnation ay hindi sila sumakay. Kung mauunahan niyo sa pagdating ang Damnation sa Grison City, baka mahanap niyo agad sila doon pagdating nila."

Napaisip kami ni Licht sa sinabi ni Hanabi at tama nga siya. Mahahanap agad namin sila kung mauuna kami.

"Then I will go back now in our hide out. Don't worry, Licht, I will protect the Upper North District for you." Ngumiti si Hanabi sa amin bago siya tuluyan umalis. 

"Let's go now if you badly want to catch them up." Tumango ako kay Licht at sinundan siya pag-alis dito.

Patungo na kami ngayon sa Grison City at hindi kami ngayon pinalad na makita ang Damnation. Hindi namin sila naabutan dito sa Klens City at ngayon ay patungo na rin sila sa Grison City gayundin kami ni Licht.

Hindi pa nakuntento si Hanns sa masama niyang balak at nag-akit pa siya ng mga inosenteng tao dito sa Klens City na sumali sa grupo nila. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga ginawa niyang masama lalo sa akin. Balak niya gamitin ang buhay ng ibang tao para sa kaligtasan niya at makamit ang kagustuhan niya. Tapos dinamay niya pa ang aking mga kaibigan?

Dumami na ang bilang ng Damnation at posibleng dumami pa sila. Ano ang mangyayari kung makamit ni Hanns ang kagustuhan niya? Paniguradong kokontrolin niya ang mga inosenteng tao dito and he will let the people live in hell. Hindi ko alam kung sino ba sa amin ang tao? Kung ako ba o siya.

But still, I hate humans. Kaya siguro ganun na lang kabilis magalit ako sa mga tao dahil hindi nila ako katulad. At ang dugong dumadaloy sa aking katawan ay ang dugo ng mga katulad ko na pinatay ng mga tao. 

Demon Clan huh?

Napatingin ako kay Licht na nasa unahan ko naglalakad. Licht said his parents died when humans destroyed the Demon Clan. Paano kaya nakaligtas si Licht? I want to ask him but I know he'll not answer it.

Sumakay na kami ni Licht sa isang kalesa. Katabi ko siya ngayon sa aking kanan habang katabi ko naman sa kaliwa ay tao.

"Licht?" Mahinang tawag ko sa pangalan ni Licht. "Do you hate humans?" Tanong ko kaya tumingin siya sa akin. Lumiwanag ang kanyang mata nang mapatingin sa akin.

Hindi ko na hinintay pa ang sagot ni Licht dahil nabasa ko sa mata niya ang sagot. "Why do you hate humans?" Tanong ko ulit kaya nanatili akong nakatingin sa mata niya.

"They are a bunch of weak." Malamig niyang sagot sa akin. "They are selfish and... Wealth and power are the only the things in their mind." Nagulat ako nang kaunti sa sinabi ni Licht.

Yeah wealth and power are the only things in their mind. They are willing to risk their lives only for power and wealth.

"Hey! Mama! Mama!" Nakuha ng aking atensyon ang sigaw ng isang bata sa kanyang ina. "Mama! Look! Red! Red! Eye!" Tinuro ng bata ang aking mata nang tumingin ako sa kanya kaya nagulat ako.

"Sshh!" Pagpapatahimik ng ina niya.

Napatingin ako kay Licht at kinuha ko ang atensyon niya. "What?" Tanong niya sa akin.

"Maganda ba ang mata ko?" Napakunot ang noo ni Licht sa tanong ko. "Ano? Maganda?" Tanong ko pa.

"Do you think my eyes are beautiful?" Napakunot naman ang noo ko dahil tanong ang isinagot sa akin ni Licht.

Child Of HellWhere stories live. Discover now