COH : CHAPTER 15

682 44 2
                                    

Nagising ako sa katok ng isang tao sa pintuan ng kuwarto ko. Nakatulog pala ako nung umalis si Haru kaninang tanghali. Hindi ko alam na gabi na pala kaya ang dilim na sa kuwarto ko pero salamat sa bituin at buwan na binibigyan ako ng liwanag kahit kaunti lang.

Binuksan ng isang lalaki ang pintuan ng kuwarto ko at hinagisan ako ng pagkain.

"Hey! Mamaya tuturukan ka ulit ni Master Yato kaya maghanda ka na." Sabi sa akin ng lalaki bago umalis. Nakuhaan na niya ako ng dugo tapos kukuhaan na naman ako? Hindi pa ba siya sapat sa mga pinaggagawa niya?

Tumayo ako nang dahan-dahan patungo kung saan inihagis ng lalaki ang pagkain. Wala naman ako ginagawa pero pagod na pagod katawan ko. Umupo ako at kinain ang pagkain na ibinigay sa akin. Lagi na ba akong ganito? No.. Haru will save me. I believe in him.

Once I get out of here, I will find some ways to kill Yato. Oh right, hindi ko na nakikita si Hanns. I don't care about him. I want to kill him too for making me suffer together with that Yato. And then save Yuki, Haru and Ginou. Ah I miss them...

I want to get out of here. I need. 

Tumingin ako sa bintana ng kuwarto ko. Kaya ko bang tumalon dito? Nasa ikalawang palapag ako ng bahay at pagod ang aking katawan, kaya ko ba?

But what about the others? Paano ko sila ililigtas? Baka mahuli nila ako.

Haru said he will save me but what if he can't? What if he just said that to make me feel better? No, I believe in him. He will save me. Yuki and Ginou will save me too. I know they are planning right now to save me. 

Napagdesisyunan ko na manatili sa kuwarto ko at maghintay ng tutulong sa akin. Haru...

"Someone is here! Yato said to guard her carefully!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki sa labas ng kuwarto ko. Sino ang nandito?

"You must not let her get away, understood?!" Utos ng isang lalaki sa mga nagbabantay sa kuwarto ko.

"Yes!" 

Nakarinig ako ng takbuhan ng maraming tao sa labas. What's happening? Someone is here? An enemy? I looked around in my room to find my katana. I need to be aware baka sumugod sila dito. 

Balak ko na sana maglakad nang makarinig ako nang pagsabog at sunod-sunod na ingay na nagmumula sa katana. May umaatake nga dito sa Damnation? I am in trouble.

Baka ako ang puro nila at patayin nila ako. Kailangan ko mahanap katana ko.

What about Haru? Yuki? Ginou?

They are in trouble!!

Napatingin ako sa pintuan nang makarinig ako ng yapak ng tao. "They are attacking us! Be ready and don't let them to take that girl. That's what Yato's oder!" Sigaw ng isang lalaki sa labas. So they want to take me? To kill me? No...!

"Get me out of here!" Sigaw ko dahil kung mananatili ako dito at mahanap nila ako, papatayin nila ako. Nasa isip ko ay baka Oscuro Clan ang umaatake dito at gusto nila akong kuhain, patayin katulad ng pagpatay nila sa aking ama!

At kung maaari, gusto ko sumugod at patayin silang lahat.

"Shut up!" Sigaw ng mga lalaking nagbabantay sa labas ng kuwarto ko. "Stay there or else we will kill you!" 

Bakit gustong-gusto nila ako kuhain at patayin? Iyon ba ang dahilan kaya ako buhay ngayon? God, is this what you want from me? To be killed in the hands of this people of yours? Just because of what? I am different? I am demon?

Kahit saan ako pumunta, gusto nila akong patayin. Kahit saan man ako pumunta, hahanap-hanapin nila ako sa bawat sulok ng mundo. 

Bakit ba kasi ako nabuhay ng ganito? Bakit ako nabuhay? Bakit ako ipinanganak na isang demonyo? God, why?

Child Of HellWhere stories live. Discover now