CHAPTER 63 - Happiness to Disappointment

Start from the beginning
                                    

"Daanan mo si Mom sa office niya sa ibaba." Aniya kaya humarap ako sa kaniya.

"Akala ko pumasok na siya sa office?"

"Dito nalang daw muna siya tutal ay wala naman daw masiyadong gagawin do'n." Tugon niya. "Anong oras ka uuwi?"

"Uhm, p'wedeng mamayang hapon nalang?" I asked, grinning sheepishly. "Please? Naiinip na kasi ako rito sa bahay kasi naman kayo, Hindi n'yo ako sinasama sa mga lakad n'yo ni Kuya Hopper."

"Psh. The princess of pout." He smirked. "Dad promised to take us to Colorado and we will spend white Christmas in Aspen so, no need for you to sulk, My dear sister."

Nanlaki ang mga mata ko. "Really? With Lolo and Lola?"

"Uh-huh."

Feeling ko mapupunit na ang bibig ko sa pagngiti ng sobrang lapad. Bakit ba, e, bigla nga akong na-excite sa balita ng kapatid ko.

Gusto ko lang naman silang makasamang lahat ngayong darating na pasko tapos nagbabalak pala ang Daddy naming dalhin kami sa ibang bansa at doon i-celebrate ang pasko? Wow! That's a plus.

"Yes!" I exclaimed happily. Nilagay ko ang two piece swimsuit ko sa maliit kong backpack at isinukbit sa likod ko. "I have to go, Kuya. Dadaanan ko nalang si Mommy para magpaalam."

"Ihahatid nalang kita kila Nathalie."

"Hindi na. Nandiyan naman si Mang Orlando, e."

"Fine, but you have to take care. Baka mamaya - "

"Jeez! Laking-mahirap 'tong kapatid mo kaya 'wag mo akong masiyadong intindihin, Kuya Grov. Hindi na rin ako bata."

"Tigilan mo ako, AM."

Natawa nalang ako.

TINAKBO ko pababa ang hagdan at dumiretso sa office ni Mommy dito sa bahay.

"Mom?" I called her while knocking on the door.

"Yes, Sweetie? Come in. Bukas 'yan."

Tinulak ko pabukas ang pinto at nadatnan ko ang Mommy kong abala sa computer. "Magpapaalam lang po ako."

"Saan ka pupunta?"

"Sa kaibigan ko po. Kila Nathalie. Nagyaya po siyang mag-swimming sa kanila, e."

THE CAMPUS SEVEN BAD BOYS ✔Where stories live. Discover now