Chapter 51 - Begrudge (December 21, 2019)

Start from the beginning
                                    

Nasa kalagitnaan ng prom nang lumapit ang isang maingay na Mizelea sa kanila para yayain si Lee na sumayaw.

"At bakit? Lalaki lang pwedeng magyaya? Eh 'yang jowa mo, hindi ka man lang sinasayaw?"

Lee nudges Mizzy. Alam niya kasing wala lang sa mood si Odi at baka lalong mainis sa mga sinasabi ng kaibigan niya. Besides, she really didn't want to dance.

"Ano, sasayaw ka ba?"

"S-sige." Aniya habang tumitingin kay Odi who have her slight nod.

Para silang nakakawala sa hawla ni Mizzy. Sakto ring hindi sweet ang tugtog kaya nagpasimula sila ng train dance na nagpaikot-ikot sa buong dance floor, bago magbalik sa sweet ang kanta.

Dito nagsimulang may mag-aya kay Lee na sumayaw. Mga ka-klase. Mga kaibigang lalaki. Odyssey realized she was a social butterfly at hindi niya dapat kinukulong ng ganoon sa isang lamesa just because he is battling some inner demons.

Nang umupo nang inihatid ni Eli, he took her hand.

"Pagod ka na, o kaya mo pang sumayaw?"

Nagliwanag ang mata ni Lee.

"Sa'yo pa ba ako mapapagod?!" She said. Ni hindi man lang binanggit ang nangyari kanina o nagtampo. He really felt bad about his attitude. While she was so nice and personable, heto siya at walang kumpiyansa sa sarili.

He hugged her real tight as they dance.

"I'm sorry. Ngayong tayo na, hindi pa ako ang unang nagsayaw sa'yo?"

"Basta ikaw naman 'yung huli..." She whispered back. Nakasubsob ang ulo nito sa dibdib niya. Malaya silang nakakapagyakapan dahil sa okasyon.

"Pasensya ka na, Lee. Sobrang hirap ko pakisamahan pero pinagtyatyagaan mo ako."

Lee chuckled.

"Ngayon pa ba ako susuko?"

"Nagseselos lang ako."

There it is. He said it.

Inangat ni Lee ang ulo niya mula sa pagkakayakap. Her eyebrows on a knot.

"Kanino? Kila Eli? Parang adik!"

"Hindi. Kay Aldrin."

"Huh?!" Hindi makapaniwala si Lee.

"Naiinis ako kasi, hindi ko kayang gawin 'yun."

"Alam mo para kang tanga. Inihatid lang ako. Kasabay ko nga pinsan niya 'di ba. Alam mo 'yung insecurities mo na naman ah! Feeling mo ba kotse niya 'yun? Kotse 'yun ng tatay niya. Huwag mo na kasi i-kumpara 'yung sarili mo kay kuya."

"May gusto 'yun sa'yo eh."

"Wala na siguro."

"Paano kung meron pa?"

"Odi, parang adik." Inirapan ni Lee ang kaharap. "Hindi pa ba sapat na sobrang tagal kitang niligawan."

"Huwag mo ngang sabihin 'yan. Lalo lang akong nako-konsensya." He admitted.

"Totoo naman. Kaya nga dapat, hindi mo na dapat nararamdaman 'yan. Pinaghirapan kaya kita."

"Lee..."

"It's true. Kung meron mang dapat magselos, ako kaya 'yun. 'Di mo lang alam, daming may bet sa'yo dati..."

"Pero hindi ka nagseselos." He said matter-of-factly. "Paano mo nagagawa 'yun?"

"Hindi ka naman kasi ganung klaseng tao. At saka kung may magmamahal sa'yong iba, eh 'di good."

"Anong good?! Ipapamigay mo ako?"

Will You Still Love Me Tomorrow (Love #1 | Completed, 2020)Where stories live. Discover now