CHAPTER 16- Sadness In His Heart

9 3 0
                                    


( PRESENT )

Simula noon.

Pumunta kami ni marcky dala ang naipon kong pero ng hindi alam ng pamilya ko. Umalis ako sa bahay at naiwan ang isang sulat sa ibabaw ng kama ko para sa kanila.

Pinili kong manirahan sa maynila.
Para makalimutan lahat.
Nag- aral ako sa umaga habang nagtatrabaho sa gabi habang iniiwan ko naman si marcky sa katabing kwarto ng inuupahan naming apartment na si manang yoli na matandang dalaga.

Dun kodin nakilala si James ang mentor ko sa lahat. Ng mag apply ako sa isang resto bar bilang isang waitress.

Nakipag away pako dito na nauwe aa sabunutan. Masyado itong malaking tao para makipagsabunutan sa maliit na kagaya ko.
At doon ko ito nakitang umiyak. Broken hearted pala ang luka.

Simula nang mangyaring away namin naging kaibigan ko ito. At mento sa lahat.

Binalik nya lahat ng nawalang tiwalang nawala ko para sarili ko.

Naranasan Kong igalang kahit ang alam nila na single mom ako.

At doon ko ulit naisipan na tawagan ang pamilya ko.
Dinig kong nag-iyakan ang mga ito sa kabilang linya ng marinig ang boses ko.
Pilit nilang tinatanong kung nasaan ako pero hindi ko sinabi man lang sa mga ito.
Sinabi ko nalang na kapag handa na akong umuwe. Uuwi ako.

Lumipas ang taon ako ang namahala sa lahat ng branch ng resto-bar at restaurant ni James. Habang ito puro lakwatsa ang alam.

Sa manila ako ang boss.
At si marcky ang naging buhay ko.


At ngayon ibinabalik nila ang nakaraan ko.

Na sisiguraduhin kong hindi na mauulit ulit.

Niyakap ko si marcky nang mahigpit na parang mawawala ito sakin.
Bago ko iwinaksi ang mga alala sa utak ko.


Kinabukasan.

Maaga akong nagising at ang naabutan ko lang at si manang Mildred.

Ang matagal naming kasambahay noon.



"Goodmorning manang"
nakangiting bati ko dito.

"Oh! Magandang umaga naman sayo Hindi ko akalain na lalaki ka ng ganyan kaganda.."
Natutuwang sabi nito.

Nakangiti lumapit ako dito sabay yakap.

"Si Manang talaga lagi parin akong binobola."
nakangiting sabi ko..

"Talaga naman ahh. Oh bakit ka pala maagang nagising.."
tanong Ni manang..

Tumingin ako dito bago binuksan ang ref.

"Sanay na po dahil Kay marcky. Alam nyo naman po ang mga bata. Mas gustong paglutuin ang mommy nila ng breakfast."

"Tama ka dyan parang kayo lang dati ng mga kapatid mo.."
natatawang sabi nito.
"Ang tagal na palang panahon ang lumipas. Tingnan mo ngayon may anak kana."

Ngumiti ako kay manang bago nagsimulang magluto.

Oo nga.
Ang tagal na simula noong nangyare lahat.
Yung magre-request pa ako Kay mom na ipagluto ako ng pancakes.

At ngayon ako naman ang nagluluto para sa anak ko.

"Namis ko itong tanawin na nakikita ko"
Napatingin ako sa nagsalita.

Si Kuya tomy ang Kuya ko..
"nakakapanibago nga lang kase noon hindi kapa marunong magluto.." Nakangiting sabi Ni Kuya habang nakasandal sa pinto ng kusina at nakatingin sa akin.

MY LITTLE ANGELWhere stories live. Discover now