Chapter 44: Incomplete

7 3 0
                                    

Nakasubsob akong natutulog sa gilid ng kama.
Ng maramdaman kong may humahaplos sa ulo ko.
Hindi ko sana papansinin pero ayaw paring tumigil.

Kaya umayos ako nang upo at tiningnan kung sino ang humaplos sakin Na ikinapikit ko.

Alam nyo kung sinong nakita ko.
Ang anak ko.
Minumulto ako.. Este.. Nakangiting nakatingin sakin.

Hindi pa naman ano ang anak ko.. Ah.

Paano sya naging multo...

"Mommy"

Unti unti Kong iminulat ang mata ko.

At nakangiti parin na nakatingin sakin si marcky..

Tumingin ako kay Kuya tomy na tulog na tulog sa gilid ko na may nakalagay pang libro sa dibdib.

"Mommy!
Pahingi pong tubig.."
malambing na sabi nito..

Wala sa sariling tumayo ako para ikuha ito ng tubig.
Habang tulalang nakatingin parin Dito.
Inabot ko dito ang tubig na ininom naman nito.

Inabot nito sakin ang.baso na wala ng.laman.

At dun ko na realize na hindi multo ang Nasa harap ko..

Nabitiwan ko ang basong hawak ko.. Sabay sinugod ko ito ng yakap..

"Gising kana Anak Gising na ang baby ko.."
naiiyak na sabi ko..

"ARAY KO PO  MOMMY.."
Sigaw ni marcky.
Kaya bigla kong kinala ang yakap ko sa kanya.

Hindi ko pinansin ang lumagabog..

"Ay sorry anak Sorry.."
natatarantang sabi ko habang nakatingin dito na mangiyak ngiyak na hawak ang braso nito..
"Ito ba yung masakit.."
tanong ko sabay haplos sa Braso nya..

"Princess naman eh.. Bat kaba sumisigaw ha.. Para ka namang inipit na bata.."
reklamo ni kuya tomy na dahan dahan nang tumayo habang hawak ang nasaktang ulo..
Habang kamot kamot ang batok nya..
So ito pala yung nahulog..

Natatawang tumayo ako para buksan ang ilaw.

"Princess naman eh!
Alam mo naman na hindi katulad ni tyron na nakaka-"
naputol ang pagrereklamo nito ng mapatingin ito Kay marcky na nakangiting Nakatingin dito..

"I think Kuya tomy Kailangan mong tawagin an-"
hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng kumaripas ito ng takbo palabas..

Natawa ako At narinig Kong Napa hagikhik si marcky marcky..

Nakangiting lumapit ako dito..

"Kamusta ang tulog mo.."
tanong ko sabay haplos ng pisngi nito..

"Ok naman po.."
nakangiting sabi nito..
"Alam nyo po ba sa panaginip ko po kasama ko ang guardian Angel ko.. Sabi nya.. Sya daw po ang mommy ko.... Tapos.. Pumunta kami sa ibat ibang lugar."
Unti unting tumulo ang luha ko.. Habang pinagmamasdan si marcky...

Kasama nya sa panaginip nya Ang tunay nyang ina..

"Tapos pumunta po kami sa isang bahay na may napalaking salamin.
Then I saw you in the mirror mommy..
"Tumingin ito sakin..
"You're crying because of me...
Kaya sinabi niya po na kailangan ko nang bumalik kase sabi nya  Inaantay mo daw ako Kaya Here I am napo"nakangiting sabi nito..

Niyakap ko ito..

"That's you're Mother.."sabi ko.
Bago tumingin.dito..

"Sino po?."tanong nito..

"You're guardian Angel Sya ang tunay mong mommy.."

"Ibig sabihin patay na po sya.."

Hinaplos ko ang pisngi nya..

MY LITTLE ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon