Chapter 33: Sacrificed

4 3 0
                                    

Aliyah POV

Nawala ang ngiti ko ng makita ko kung paano tingnan ni dominic si Tamara.

Sa inis ko lumapit na ako para kunin si marcky.

"Tama na yan"
inis na sabi ko.

Sabay hila kay marcky...

Lumabas na ako.

Kasama si marcky..

Nang malapit na kami sa kotse tumigil ako at yumuko kay marcky..

"Hi!Anak Ako na ang mommy ko mula ngayon.."
sabi ko

Ng maramdaman Kong tumabi sakin si Dominic.

Tumingkayad Ito..

"Ako naman ang daddy mo marcky Kaya kung may gusto o may problem ka.. Sabihin mo sakin.."
nakangiting sabi ni Dominic.

Napangiti ako.

Umaayon sa plano ko ang pagkakataon.

"Tara na Dominic sa bahay kaba kakain?"
tanong ko dito.

Tumingin ito sakin habang sinasakay si marcky..

"Oo!Gusto ko pang makasama ang anak ko.."
matipid na sagot nito.

"Okay!"
Masayang sabi ko  dito.

Ilang minuto kaming nasa byahe.

Pasulyap sulyap ako Kayla domi na nag uusap.

Nang makapunta na kami sa bahay ay sumalubong samin si Allison.

"Ano??Sya na ba?"

Tumango ako.

Bago ako tumingin kay marcky na tahimik lang na nakasunod..

"Ito na ang bago mong bahay Anak Feel at home.."
sabi ko sabay yakap dito.
"Welcome home.."

Habang kumakain kami.

Napapansin ko na parang hindi pa nagagalaw ang pagkain ni marcky..

"Ayaw mo ba ng pagkain anak Anong gusto mo.."
tanong ko..

Tumingin Ito sakin.

"Allergic po ko sa shrimp.." mahinang sagot  nito..

Tumayo ako.

"Aahh!!
Sorry Papalitan ko nalang.."
sabi ko..

Kukunin ko na sana ang ginataang hipon ng pigilan ako nito.

"Wag nalang po.. Busog pa naman po ako Pwede na po ba akong pumunta na sa kwarto ko.."

Napatingin ako dito bago ngumiti..

"Oo naman Yaya
Ihatid mo na sya sa kwarto nya.."

Tumayo na ito para sumunod sa yaya nito.

"Dapat alamin mo lahat ng bawal kay marcky Aliyah Baka isang araw.. Mapatay mo pa ang anak ko.."
napatingin ako kay domi na nagsalita.

"Pasensya na  Bago lang ako sa mga bagay na toh.."
Hinging paumanhin ko.

"Dapat bago mo sya kunin kay Tamara Sinigurado mo lahat excuse me"
tumayo na ito  Para sundan si marcky..

Nang mawala sa paningin ko si dominic..
Inis na natabig ko ang pinggan na nasa gilid ko..

"Ali Wag kang magbasag dyan Baka marinig ka.."
sabi ni Allison..

I rolled my eyes..

"Sinong hindi maiinis sa batang yun!
Manang mana Sya kay Tamara Kainis.."
inis na sabi ko..

MY LITTLE ANGELWhere stories live. Discover now