Chapter 34:Learn To Forgive

8 3 0
                                    

Kimmy POV

Huminga muna ako ng malalim.

Dahil sa kabang nararamdaman ko.

Nandito ako sa bahay nila tomy.

Nang mabalitaan ko na kinuha na ni Aliyah ang pamangkin ko.

Pumunta na ako dito para makausap si Tamara ang bestfriend ko.

Na sana ganun padin ang tingin sakin ngayon.

Napatayo ako ng makita ko sila tita.

"Kimmy!
Ikaw na ba yan.." Nakangiting niyakap ako ni tita..
"Lalo kang gumanda ahh.."

Ngumiti ako dito.

"Hindi ho ba kayo galit sakin.."
tanong ko..

"Bakit naman kami magagalit sayo Kimmy!
Wala ka namang kasalanan kung bakit nasasaktan ngayon si princess.."
Sabi ni Tito..

Napayuko ako.

"Pwede ko po bang makausap si Tamara."

Tumango ang mga ito..

"Pumunta ka nalang sa kwarto nya.
Alam mo naman kung saan yun Ilang araw na syang hindi nalabas nung umalis si marcky dito sa bahay.."
malungkot na sabi ni tita..

Nagpaalam na ako bago umakyat.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok..

Pagbukas ko Nakita ko si Tamara na nakaupo at may yakap na teddy bear.

May kung anong tuwa sa dibdib ko..
Same old days..

Tumingin sya sakin ng deretso.

"Kamusta kana.."
tanong nito "Ang tagal mong hindi nagpakita ahh.."

Napayuko ako sa sa tanong nya.

"Nandito ako dahil may gusto akong makuha.
Gusto kong makuha ang kapatawaran mo.." Napalunok ako dahil parang may nakabara sa lalamunan ko.
"Simula ng umalis kami ni Kuya domi parang kalahati ng pagkatao naiwan dito tamy.
Pakiramdam ko kasalanan ko lahat, kase kaibigan moko diba tapos nilihim ko sayo"
Tumulo ang luhang kanina kopa pibipigil.
" K-kung kaya ko lang na wag umalis tamara hindi ako Aalis Pero wala akong magawa Tamara! Patawarin mo ko.. Patawarin mo ko dahil sa mga nagawa namin.."
Napaupo nalang ako bigla sa sahig sa sobrang panlalambot ng tuhod ko.
"Namimis ko na yung bestfriend ko Yung ate ko!
Yung karamay ko sa lungkot at saya!
P-pero hindi ko nagawa yung mga ginawa mo sakin noon kase wala akong choice!
Iniwan kita na nagiisa sa mga problema Na dapat may karamay ka
I'm really sorry.." Umiiyak na sabi ko habang nakayuko.

Ilang minuto akong umiiyak ng marinig ko syang magsalita.

"May narinig akong isang kasabihan na para sa tunay na magkaibigan.
A good friends is like a star
You don't always see them ..
But you know they're always there for you!
Nung marinig ko yun!
Naalala kita.
Yung nag iisang bestfriend ko na nawala nalang bigla.
Alam mo ba nung araw na ibigay nyo sakin si marcky nakaramdam ako ng galit para.sa inyo.. "
narinig Kong nabasag ang boses niya sa sobrang pagpipigil na emosyon at ako nakayuko padin kase ayokong makita yunh sakit na mababasa ko sa mata nya dahil sa kagagawan nh sarili kong kapatid namin.
"Pero ngayon ng makita kita Nawala lahat Nawala yung galit na nararamdaman ko Dahil miss na miss ko na rin ang bestfriend ko.." Umiiyak na sabi nito..

Napatingin ako dito at kita ko yung sakit at pagpapatawad sa mata ng bestfriend ko. Nagmamadali akong tumayo at Niyakap ko sya.

"Patawarin mo ko.."
Umiiyak na sabi ko..

"Sshhh!!
Hindi mo kasalanan ang mga sakit na nararamdaman ko!
Matagal na kitang pinatawad Kimmy.." mahinang sabi nito habang hinaplos ang buhok ko.

Sa kabila ng lahat sya padin talaga yung bestfriend kong mabilis magpatawad.

And it's really hurt me more na wala ako magawa for her.

"Salamat"

Bakit napaka bait mo Tamara..

Bakit kahit na ang laki ng kasalanan ko.

nagawa mo parin akong patawarin.

Tamara POV

Ilang araw na ang lumipas simula ng mawala si marcky.
At pagkatapos may bumalik..

Si kimmy..

Ang bestfriend ko.

Napatawad ko na sya.

Pero para parin akong bata na nagmumukmok.

Na parang walang kahit na sinong tao ang makakapag paalis ng lungkot na nararadaman ko.

Lagi akong nagkukulong sa kwarto..

Minsan sa gilid ng pool.

Suko na rin sila mom sakin.
Dahil parang may sarili akong Mundo.

Si Reggie nalang ang nagtiya tiyaga sakin.

Ewan ko ba.

Parang kalahati ng pagkatao ko dinala ni marcky.
Sya ang naging buhay ko eh sa loob ng ilang taon.

Napa buntong hininga ako.

"Ma'am may bisita po kayo.."
Napatingin ako kay dina.

"Sino daw?"
tanong ko..

"Ako.."

Napatingin ako sa likod ni dina ng makita ko si James.

Napatayo ako.

"James.."

Tumakbo ako dito.

At dito ko lahat sinabi ang sama ng loob ko..

Sa mentor ko, kaibigan, kapatid lahat lahat.

"O tapos kana?? Ubos na yung tissue oh"
iiling-iling na sabi nito..

"Kaibigan ba talaga kita ha?Bat ngayon ka lang nagparamdam.." Sumisinghot Kong tanong..

"Bakit ako sinisisi mo?
Ako ba nagsusulat ha?
Ako ba yung author!
Bruha ka..!"

Napangiti tuloy ako sa sinabi nya.. Baliw talaga..

"Bakit ngamm.."

James rolled his eyes bago nagsalita.

"Kasi may tumawag sakin na yung estudyante ko.
Bumabalik na naman sa dati Kaya ibabalik na naman ako sa pagiging mentor nya.."

Napaiyak na naman ako dahil sa sinabi nya..

"Hindi ko na alam!
Parang kalahati ng pagkatao ko dinala ni marcky Miss ko na sya.." Umiiyak sabi ko..

"Tamara! Look at me!
Sa tingin mo magiging masaya si marcky kapag nakikita ka nyang ganyan??"
seryosong sabi nito..

Umiling ako.

"Tama ako diba!!
Ayokong bumalik ka na naman sa dati okay!!
Ayokong makita na naman ang Tamara na walang bilib sa sarili!
Nasaan na ang estudyante Kong mataas ang self confidence ha!!"

Tumingin ako dito..

"James paano ko ibabalik ang sarili ko kung yung dahilan kung bakit ako lumalaban.eh nawala na."

Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko..

"Anong tingin mo sa pamilya mo!
Sa akin!
Sa mga taong nagmamahal sayo!
Hindi ba pwedeng kami naman ang maging lakas mo..!"
nakangiting sabi nito..
"Tamara parang libro lang yan eh. Paano ka makakaalis sa chapter one Kung hindi ka gagawa ng bagong kabanata!
In reality paano ka makakaalis sa nakaraan kung ikinukulong mo ang sarili mo. Maraming  nagaantay sayo kaya bumangon kana dyan At may pupuntahan tayo.."
sabi nito.

Sabay hila sakin patayo..

"Saan naman tayo pupunta..?"
tanong ko..

"Kay marcky Mis ko nadin ang inaanak ko noh.."
sabi nito sabay akbay sakin..

Napangiti ako.

Napaka swerte ko talaga dahil meron akong kaibigan na katulad ni James.

I really miss him a lot.

MY LITTLE ANGELWhere stories live. Discover now