Chapter 45: Bring Him Back

6 3 0
                                    

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Dominic.

Nagpasya akong puntahan na si Reggie.
Dahil hindi na ako makakatagal pa ng isang Segundo na hindi ko sya makasama.

Sinabi ko na agad sa magulang ko at kayla kuya ang desisyon ko  at masaya sila dahil nakapili na ako.

Pati si marcky na mas excited pa ata sakin.

Isa lang ang hindi makaget over sa desisyon ko..

“talaga bang buo na ang desisyon mong puntahan sya ha..”
tanong ni james.

Tumingin ako dito.

“Alam mo pag lima mo na yang tinatanong sakin bakit ba kase?”
balik kong tanong.

Nag pout muna ito bago nagsalita.

“Kase kawawa si Papa Dom…”

“Nag usap na kami at sya pa nga ang nagsabi na puntahan ko si reggie”
sabi ko habang nag eempake.

“Talaga akin na nga lang si Papa dom..”
sabi nito.

Na ikinalingon ko napataas ang kilay ko..

“Gusto mo Bang kalbuhin kita mula taas hanggang baba ha!”
Nag pout na naman ito.
“Alam mo james kung magpaka lalaki ka nalang kaya For sure Maraming kababaihan ang magkakandarapa sayo..”
sabi ko na binalik ang tingin sa mga dadalhin ko.

“Bruha ka hindi mangyayari yun. Dahil Dyosa na ako nung nasa tiyan pa ako nang aking madir..”
sabi nito.

I rolled my eyes.
Sayang talaga lahi nito. Tch.

Kinuha ko ng ang maleta ko bago lumapit dito.

“hug ko”

Nakasimangot ito na lumapit sakin.

“kung hindi lang kita mahal bruha ka..”
sabay yakap sakin.
humarap ito sakin..
“sabi mo sakin dumarating ang ulan kapag may mga taong nawawala sayo..”
sabi nito na nakangiti sabay hawak sa pisngi ko..
“ Pero dumarating ang ulan gustuhin man natin o hindi Pero ngayon uulan ang langit dahil alam nyang masaya kana kaya hindi na kita pipigilan dahil gusto kong maging masaya ka..”
sabi nito bago ako hinalikan sa pisngi.

Lumabas na kami at sumalubong sakin ang Family ko na nakatayo.

“goodluck princess”
sabay na sabi ni dad and mom bago ako niyakap.

Pagkatapos ng yakap nila tumingin ako sa kambal.

“yan princess malapit na yung happy ending mo kaya sana maging masaya ka..”
nakangiting sabi ni kuya tyron.

“Tama si tyron princess you deserve to be happy…”
sabi naman ni kuya tomy.

Bago sila lumapit sakin at sabay na yakap.

“thank you..”
sabi ko nalang.

Naiiyak na ako at nagpapasalamat dahil nabigyan ako ng dalawang kuya na mahal na mahal ako.

Lumapit sakin si kimmy.

“im happy for you..”
sabi nito bago ako niyakap.

“thanks bff ikaw din you deserve to be happy ..”
bulong ko.

Ngumiti ito bago lumayo.

Nakangiting lumapit sakin si Ate Bettina.

“ Ikaw nang bahala sa kapatid ko ha make him happy”
sabi nito bago ako niyakap.

At ang huling yumakap sakin si marcky.

“Pakabait ka habang wala si mommy ha”
sabi ko.

“Opo Kayo din po Dapat pag uwi nyo po ditokasama mo na po si Daddy reggie”
nakangiting sabi nito bago ako hinalikan sa pisngi.

Nakangiting tumayo ako sabay harap sa kanila.

“GOOD LUCK”
sabay sabay na sabi nila.

Ngumiti ako sa kanila.

Paglabas ko
Nakita ko si Dom sa labas na nakangiting nakatingin sakin.

Niyakap ako nito.

“Good luck  Tams Find him at wag mo nang pakawalan..”
bulong nito bago ako pinakawalan.

Ngumiti ako dito bago ako tumalikod.

Kaya hindi ko na nakita yung luha na tumulo sa mata nya.

Paris.. Here I come.

_______

Kimmy POV..

Pagkaalis ni Tamara..
Tumambay nalang ako dito sa terrace ng inuuupahan nila Tito na hotel.

Habang iniisip ang sinabi ni Tamara kanina.

I deserve to be happy.

Paano naman ako magiging masaya hindi na naman na ako mahal ng taong mahal ko.

Napabuntong hininga ako..

"Ang lalim nun ah.."

Napatingin ako sa nagsalita..

"Aahh K-kase may iniisip ako.."
nauutal na sabi ko..

Para akong teenager na nahuli ng crush.

Tumabi ito sakin.
Bago ito nagsalita..

"Bakit nandito ka.
Nagkakasiyahan sa loob Ikaw naman.. Nag iisa dito.."
tanong ni tomy..

Tumingin ako sa unahan.
Para iwasan ang tingin nito..

"Eh Ikaw anong ginagawa mo dito.. Diba galit ka sakin.."
balik tanong ko..

"Nope!
hindi ako galit sayo.."
napatingin ako dito na nakatingin din pala sakin..
"Galit ako sa sarili ko Dahil Hanggang ngayon kaw parin ang laman nito.."
sabay turo sa tapat ng puso nya..

Napayuko ako.

"Akala ko ba hindi mo na ako mahal"
tanong ko..

Hinawakan ni tomy ang baba para makatingin sa kanya.

"Hindi ko ba pwedeng bawiin..."
nakangiting sabi nito.. "Ikaw!
Mahal mo ba ako.." Tanong nito..

Ngumiti ako
dito bago nagsalita..

"Yes.. Mahal padin kita and i'm sorry for everything" malungkot na sabi ko.
"So tayo naba" nakangiting tanong ko.

He smiled back..

At unti unti nitong inilapit ang
mukha nito na ikinapikit ko.

"Ligawan mo muna ako.."

Napamulat ako dahil sa sinabi nya..

Tumalikod na ito sakin Para pumunta sa loob..

"Pwede ba yun"

"Oo"
sagot nya..

Ganun..
Baliktad na pala ngayon ha.
Babae na ang nangliligaw..

"Tsk! Pakipot"
pahabol ko..

Napahalumbaba ako.

Kelan naman ako mag uumpisa..

...

MY LITTLE ANGELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon