Chapter 9- Friends

10 3 0
                                    

Dahan dahan akong lumingon kay dominic na nakakunot noong palipat lipat ng tingin saming dalaw ni lobo.

"a-ah Nandito ka pala"
nakangiting tanong ko dito kahit kinakabahan na ako.

"wag mo kong tanungin nang isa pang tanong Tamara. Answer my Question.
What are you doing here and who the hell is him " sabay tingin kay lobo.

"kai-"

"di moba nakikita na kakain kami"
putol ni lobo sana sa sasabihin ko.

Seryosong tiningnan ni Dominic si lobo na seryoso ding nakatingin sa kanya.

"Ikaw bang tinatanong ko"
seryosong sabi ni Dominic.

Dahan dahan tumayo si Lobo paharap kay dominic.

"Hindi pero pinakekealaman mo date ko. Ikaw sino kaba?"
seryoso ding tanong ni lobo na prenteng namulsa lang.

WHAT THE HECK. DATE.

Napatayo ako para sana pumagitan sa kanila ng itaas ni dominic ang kamay nya na ikinatigil ko.

"I'm her boyfriend" seryosong sagot ni dominic na hindi man lang tumitingin sa akin.

Sa aura ni Dominic paniguradong Gulo toh.

"Oh Boyfriend ka palang pala kung makaasta ka parang Asawa mo na si tamy" seryosong sabi ni lobo.

Langya ka naman lobo eh. Lalo mong pinalalala na ang sitwasyon.

"A-ah!Ma'am here's your order"singit nung waitress.

Tiningnan ko ito nang masama.
Pasingit pa talaga.

"Hindi na babayaran ko nalang"sabi ko bago kinuha ang wallet ko at kumuha ng pera.

Tumingin muna ako dun sa dalawang lalaking mukhang gusto na atang magsuntukan. Bago ko inabot ang bayad sa waitress na namumutla na.

"aahh Lobo I mean Reggie Let's go na diba pupunta kapang playstation" yaya ko kay lobo bago tumingin kay dominic na seryoso ng nakatingin sakin.

"Domi sa bahay na tayo mag usap ha. Promise walang kahit na anong namamagitan samin."
Paliwanag ko dito.

Tinalikuran kona ito sabay hawak sa braso ni lobo.
Pipigilan sana ako ni Dominic kaso humarang ulit si lobo. Kaya hinila ko na ito palabas. Hindi ko na pinansin ang seryosong tingin ni Dominic.

Kailangan kong magpaliwanag sa kanya mamaya.

Nang malayo na kami ni Lobo. Binitiwan ko na ito sa braso bago inis na humarap dito.

"Bakit kailangan mong sabihin kay domi na kadate mo ko kanina ha.." pagalit na tanong ko.
"Alam moba ginagawa mo ha?"

"Oo at ang ayoko sa lahat yung may nakikialam sa kasama ko"

"Eh boyfriend ko yun eh malamang makikialam yun dahil lalaki ang kasama ko"

"kung makaasta yang syota mo akala mo asawa mo na. Nakita mo bang lahat ang tao sa restaurant na yun nakatingin sayo ha. Iniisip ata nila two timer ka.."

"what! At sa tingin mo yun talaga iniisip nila"

"oo kung matino yang boyfriend mo hindi nya gagawin yun.Pwede naman syang magtanong nang maayos ah
Hindi yung kailangan nya pang magtanong ng kung ano-ano na madaming nakakakita"

MY LITTLE ANGELजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें