Fan 01

3.6K 96 53
                                    

Her Point of View

Nandito ako ngayon sa isang coffee shop dahil nakita ko na pumasok doon ang SB19. Matagal na akong sumusuporta sa kanila. Lalo na sa kanya.

Ewan, but since the day I saw him. Nung narinig ko ang mala demonyo niyang tawa. Nung makita ko ang mga ngiti niya. Marinig ang boses niya.

Sinabi ko sa sarili ko na napaka swerte ng babaeng mamahalin niya. Nakakalungkot lang dahil hindi ako yun.

Nakita ko na lumapit sila sa isang babae na nakaupo sa may counter ng coffee shop. Siya siguro ang cashier o siya yung may-ari.

Kinakausap siya nung lima na parang close na close sila. Sino ba si ate girl? Sana all nakakausap ang SB19.

Ilang sandali pa ay pumunta sila sa isang kwarto. Siguro sa staff area nung coffee shop.

Naghintay lang ako ng mga ilang minutes hanggang sa lumabas na si ate. Agad na akong lumapit sa kanya kahit na nakakatakot ang itsura niya. Mukha kasing masungit.

"Ate, nakakasama mo ang SB19 diba?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman ito bilang sagot saka ako nginitian ng tipid. Kinakabahan ako dahil baka sigawan ako nito.

"P-pwede po pabigay po nito kay Ken?" Sabi ko sabay lahad ng isang paper bag sa kanya.

"Sure." Sagot niya saka tinanggap ang paper bag.

Matapos nun ay nagpasalamat na ako sa kanya at lumabas ng coffee shop. Baka maabutan pa nila ako dito.

---

"Hoy! Saan ka na naman nagpunta?" Tanong ni ate Kira nang makarating ako sa bahay. Umupo muna ako sa couch na parang ako ang reyna sa bahay namin.

"Diyan lang sa tabi-tabi." Sagot ko saka inabot ang remote ng TV.

"Naku bata ka! Sinasabi ko sayo wala kang mapapala sa pagfa-fangirl fangirl mo. Blah! Blah! Blah!." Sermon niya sa akin pero hindi ko na lang siya pinakinggan. Apakadaming sinasabi!

"Ha?" Kunwaring tanong ko. Hindi ko naman kasi talaga naintindihan ang sinabi niya.

"Ang sa--"

"Hakdog!" Patuloy ko sa sasabihin niya saka tumayo at nilagpasan siya na nakangangang nakatingin sa akin.

Bahala siya sa buhay niya!

"Siraulong batang 'to!" Rinig ko pang sigaw niya pero hindi ko na lang pinansin at dumeretyo na sa kwarto ko.

Napairap ako nung may mabasa ako sa Twitter na asawa niya 'daw si Ken. Duh! Hindi ba nila alam na AKO ang mapapangasawa niya?

Napairap ulit ako dahil sa mga kahibangan na pumapasok sa isip ko. Itulog ko na lang siguro 'to.

Papikit na ako ng biglang sumigaw si ate mula sa sala. Ano na naman kayang chismis ang hatid niya?

"BUNSO NASA TV ANG ESBIWANAYN!" Sigaw niya. Napairap na lang ulit ako dahil sa sinabi niya. Esbiwanayn? Ano na namang pauso 'yan?

Lumabas ako sa kwarto ko na kunot ang noo. Nadatnan ko naman si Ate Kira na nakaupo sa harap ng TV at tutok na tutok sa panonood. Akala ko ba hindi siya fan ng SB19?

"Be, ang gwapo ni Justin!" Sigaw niya sabay hampas sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Te, mas gwapo si Ken!" Iritang sagot ko kaya hinampas niya ulit ako. Isa pang hampas gagantihan ko na 'to!

Bumalik na ulit siya sa panonood at sumisigaw pa sa tuwing nagfa-flash sa screen ang mukha ni Justin. Tsk!

"Te, wala ka ng pag-asa kay Justin. May iba ng gusto 'yun." Wala sa sariling Sabi ko sa kanya kaya tinignan niya ako ng masama. Nagkibit balikat naman ako.

"Wala ka rin pag-asa kay Ken wag kang mag-alala." Bawi niya. Siraulo! Pasalamat siya mas matanda siya sa akin kung hindi kanina ko pa to sinuntok!

Personalan lang? Inaano ko ba siya? Tsk!



To be continued...

Oh diba? Hahahaha sabi ko na sa inyo hindi talaga to maganda. Hahaha.

Your Fangirl | SB19 Ken✔Where stories live. Discover now