F a n 02

2.4K 66 5
                                    

Makalipas ang isang taon...

Ken's P.O.V

Tulala lang akong nakatingin sa mga kasama ko. Kakarating lang ni Justin kasama niya si Shaila.

Napabuntong hininga na lang ako ng makita silang nagtatawanan. How I wish na ako 'yung kasama niya.

"Iwasan mo 'yan, Ken." Seryosong sabi ni Stell saka umupo sa tapat ko. Tinignan ko naman siya kaya napangisi siya.

"You're in love." Patuloy niya kaya mas lalo akong naguluhan. Pinagsasabi niya? "At kay..." hindi niya tinuloy ang sasabihin bagkus ay tumingin siya sa kinaroroonan nila Shaila at Justin.

"Sinasabi mo?" Kunwaring tanong ko kahit alam ko na ang ibig niyang sabihin. Malakas talaga ang radar nito.

"Huwag ka ng magkaila. Matagal ko ng napapansin. Nagkukunwari kang masaya, kinililig sa kanila. Pero deep inside you're secretly loving her." Sagot niya. Napabuntong hininga na lang ako. Pansin niya pala.

"What should I do?" Tanong ko ng nakayuko. Palihim ko namang tinignan ang kinaroroonan nila. And there I saw how happy she is.

"Forget her. Alam mo naman siguro na gusto siya ni Jah, matagal na." Sagot niya kaya napatango na lang ako.

"Napaka seryoso naman ata ang pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Sejun at tinapik ako.

Napailing naman si Stell at tumayo na. Tinignan pa niya ako kaya napaiwas ako. Bakit pa kasi ako nagkagusto sa kanya? Tsk!

---

Kinahapunan sa isang bar ako dumeretyo. Gusto kong magpakalasing. Gusto kong makalimot.

"Ken?" Napaangat ako ng tingin ng may magsalita sa tabi ko. Hindi ko siya makilala dahil nanlalabo ang paningin ko. Nahihilo na rin ako dahil siguro sa dami ng nainom ko.

"Hey, are you okay?" Tanong niya pero hindi ko na pinansin at tumungga ulit ng alak.

Nagulat naman ako ng bigla niyang agawin ang bote na hawak ko. "Wala ka bang kasama?" Tanong pa niya.

"S-shaila..." mahinang sabi ko saka ko ipinatong ang ulo ko sa mesa. Nahihilo na talaga ako.

"Ha?"

"I- I like you..."

"H-ha?"

"Shaila..."

Star's P.O.V (Stellar)

"I- I like you..."

Nagulat ako sa sinabi niya. B-biglang nanuyo ang lalamunan ko at sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"H-ha?" Tanging lumabas sa bibig ko.

"Shaila..." Biglang gumuho ang mundo ko sa sumunod niyang sinabi. S-si Shaila. Parang binagsakan ako ng langit. Gusto kong tumayo pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko.

"B-but you like Justin, and he likes you too." Patuloy niya na siyang mas lalong nagpadurog sa akin.

Alam kong wala akong karapatan na masaktan dahil isa lang naman akong tagahanga niya. Pero kasi hindi na lang paghanga ang nararamdaman ko sa kanya. Higit pa 'dun!

"H-hindi ako si Shaila." Sa wakas ay nakapagsalita na ako. Iniangat naman niya ang tingin niya sa akin.

"S-shaila..." mahinang sabi niya. Namumula na rin siya siguro ay dahil sa kalasingan. Tumayo siya kaya tumayo rin ako.

Bigla niyang hinawakan ang ulo niya at namalayan ko na lang na lang natumba na siya sa balikat ko.

Tinapik tapik ko pa pero mukhang tulog na kaya wala akong nagawa kun'di akayin siya at dinala sa sasakyan ko at hinatid sa studio nila.

"Anong nangyari dyan?" Tanong ni kuya Sejun. Siya yung tinawagan ko para buhatin siya paakyat.

"Nakita ko sa isang bar naglalasing." Walang ganang sagot ko.

"Ako na ang bahala sa kanya." Sabi nito at inalalayan na si Ken. Ako naman ay bumalik na sa loob ng kotse at napatulala na lang.

Ang sakit na sa mismong bibig niya manggaling na iba ang gusto niya. Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong tumunog. Si Shaila tumatawag.

Hinayaan ko lang na tumunog ang phone ko. Hindi ko kayang kausapin siya. Hindi ko kayang kausapin siya gayong alam kong siya ang gusto ng taong matagal ko ng mahal.

Pinaandar ko na ang kotse saka binuksan ang radio at nilakasan ang volume. Nang makarating ako sa bahay ay agad akong dumeretyo sa kwarto ko at pabagsak na nahiga.

Napabangon lang ulit ako ng maalala na iniwan ko nga pala kanina si Shaila sa labas ng bar!

Agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag ko at na tinawagan si Shai. Tangina!

"Hello?" Inis na bungad niya sa akin kaya bigla akong nakonsensya. Bakit kasi nakalimutan kong kasama ko pala siya?

"Sorry, Shai may emergency kaya umuwi na ako." Palusot ko. Narinig ko naman na bumuntong hininga siya.

"It's okay. Magta-taxi na lang ang pauwi, malapit naman na." Sagot niya. Pagkatapos kong magpaalam ay ibinaba ko na tawag at pabagsak ulit na nahiga.








To be continued...

Note: Kung nabasa niyo na ang Because of You alam niyo ang mga kaganapan na ito. Kung hindi niyo pa nababasa, basahin niyo na! Yeiiii!

Your Fangirl | SB19 Ken✔Where stories live. Discover now