F a n 7

1.2K 46 5
                                    

Star's P.O.V

Wala kami masyadong ginagawa ngayon kaya tumambay muna ako sa malapit na coffee shop dito sa studio. Nag-iisip kung ano ang gagawin ko!

"Stellar?" Napaayos ako ng upo ng marinig ko ang boses na 'yun.

"U-uy, Ken. Anong ginagawa mo dito?" Kinakabahang tanong ko. Umupo naman siya sa harap ko kaya napatingin ako sa paligid.

"Wala. Magkakape lang." Sagot niya kaya napatango na lang ako. Hindi ko kasi alam ang dapat sabihin. Madaldal naman ako sa iba pero bakit sa kanya hindi? Arrrgh!

"So, how's your friend? Nasabi mo na ba sa kanya na gusto ko siyang makilala? And ano nga pala pangalan niya?" Tanong niya kaya napaubo ako.

"H-ha? Ah, Oo nasabi ko na. Klea. Klea ang pangalan niya." Sagot ko. Ngumiti naman siya saka humigop 'dun sa kape niya.

"Pumayag ba siya?" Tanong pa niya kaya napatikhim ako. Bakit ba parang interesado siya?

"Ah, Oo. Pero bakit parang interesado ka sa kanya?" Tanong ko kaya ngumiti siya. 'Yung ngiting dahilan para mahulog ako ng tuluyan.

"Isang taon ko kasi siyang hinanap. Si Starlight..." Sagot niya saka ngumiti. So, hinahanap niya pala ako?

Naku naman Star, huwag ka ngang umasa! Baka gusto niya lang magpasalamat. 'Yun lang!

"Star?" Gulat akong napatingin dahil sa tumawag sa akin.

"K-klea?" Utal na sambit ko sa pangalan niya. Tinignan ko naman si Ken na may pagtataka sa kanyang mukha.

"Stellar, siya ba? Siya ba si Starlight?" May excitement na tanong niya sa akin kaya tinignan ko si Klea ng makahulugan. Kumunot naman ang noo niya kaya pinandilatan ko siya ng mga mata na agad naman niyang nakuha ang gusto kong iparating sa kanya.

"A-ah, Oo. Siya nga." Sagot ko saka ngumiti ng tipid. Umupo naman si Klea sa tabi ko saka ako binulungan.

"Ano na namang kalokohan 'to?" Bulong niya.

"Sakyan mo na lang muna. Ipapaliwanag ko mamaya." Bulong ko rin. Tumikhim naman si Ken kaya napatingin ako sa kanya.

"Oo nga pala Ken, si Klea." Pakilala ko sa kanya. Ngumiti naman si Ken at nakipagkamay.

"So, ikaw pala si Starlight? Salamat sa mga gifts na ibinibigay mo. Na-appreciate ko." Sabi nito kaya tinignan ako ni Klea ng nakakunot ang noo kaya pinandilatan ko ulit siya ng mata.

"Ah- Oo. Salamat din dahil na-appreciate mo." Sagot naman niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Taena!

---

"Siraulo ka talaga! Bakit kasi hindi mo na lang aminin?" Sermon niya sa akin nung kani na lang dalawa ang nandito sa coffee shop.

"Sorry na. Sakyan mo muna habang wala pa akong lakas ng loob na umamin." Sagot ko naman kaya inirapan niya ako.

"Bahala ka. Basta bilisan mo lang ha? Ayaw ko ng magulong buhay." Sabi pa nito kaya tinanguhan ko siya.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na ako sa kanya at bumalik na sa trabaho.

Medyo marami-rami ang ginagawa namin ngayon kaya nag focus na lang ako 'dun at hindi sa ibang bagay.

Kinahapunan, hindi ko kasabay sila Shaila at Justin dahil may date kunno sila. Tsk! E'di sana all diba?

Kaya heto ako at naghihintay ng masasakyan. Taena kanina pa nga ako dito, e pero wala pang dumadaan.

Napatingin ako sa harap ko ng may tumigil na sasakyan. Kumunot naman ang noo ko dahil ilang beses itong bumusina.

Nagulat na lang ako ng biglang bumaba ang kung sino man ang may-ari nito. Si Ken.

"Sakay na." Utos niya saka muling sumakay kaya naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Nalaiktad lang ako ng bigla itong bumusina ulit kaya binuksan ko ang sa backseat dahil ayaw ko na naman sa tabi niya ano.

"Bakit diyan? Driver mo ako?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. "Dito ka sa tabi ko." Patuloy niya kaya wala na akong nagawa kun'di ang lumipat sa tabi niya.




To be continued...

Your Fangirl | SB19 Ken✔Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt