F a n 20

1K 35 32
                                    

- Klea's P.O.V -

Nung nabalitaan ko na bumalik na siya, sobra akong nabahala dahil alam kong sa kanya na naman ulit matutuon ang atensyon ni Ken.

Sinubukan ko naman. Sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko kay Ken para kay Star. Pero kahit anong subok ko, wala paring nangyayari. Mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya.

Tama nga siguro ang sabi nila na kapag pinipigilan mo ang isang bagay, mas lalo lang itong lalala.

Sa mata ng iba, parang ang sama-sama ko. Ako yung panira sa kasiyahan nila. Pero hindi nila naiintindihan na nagmamahal lang din ako kagaya nila.

Naiinggit ako kay Star. Dahil lahat ng gusto ko nasa kanya na. Masayang pamilya, na kailanman hindi ko mararanasan. Pati ba naman si Ken mapapasakanya rin?

Alam kong hindi ko dapat 'to nararamdaman. Pero naiinis ako sa kanya. Naiinis ako na bumalik pa siya. Para ano? Para agawin lahat ng atensyon ni Ken?

"Kawawa naman yang hawak mong cellphone."

Napabalik ako sa ulirat ko ng magsalita si Khenji. Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala siya.

Matagal ko na siyang kaibigan. Nakakainis lang dahil naalala ko sa kanya si Ken. Psh!

"Si Ken na naman yan no? Tsk! Sinasabi ko naman kasi sayo na ako na lang. Khen din naman ang pangalan ko." Sabi pa nito kaya inirapan ko siya.

"Manahinik ka na lang pwede?" Pagsusungit ko pero tinawanan lang niya ako.

"Alam mo Kleng-kleng, mas pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Mas sinasaktan mo lang sila at ang sarili mo na rin." Sabi nito. Tahimik lang ako na nakatingin sa kawalan.

"Kaibigan mo si Star. Alam mo naman siguro kung gaano niya kamahal yung tao." Patuloy niya pa.

Bakit sa tingin ng lahat ako yung masama? Ako yung mali? Ako yung magparaya?

Kasalanan din naman ni Star to, e. Pinasok niya ako sa sitwasyon na to. Kung hindi niya ako pinilit na magpanggap bilang si Starlight, e'di sana hindi ako napalapit kay Ken.

Kaya tatanungin kita. Sa tingin mo hindi mahirap yun para sa akin? Dahil sa totoo lang?

Nasasaktan din ako.

"Mali ba ang magmahal?"

"Hindi naman mali ang magmahal Klea, eh. Ang mali lang ay sobra na. Yung tipong kaya mo nang ipagpalit ang pagkakaibigan niyong dalawa." Sagot niya kaya natahimik ako.

Mahal ko si Star. Mahal ko rin si Ken. May kailangan ba akong piliin?

"Piliin mo ang tama. Piliin mo ang pagkakaibigan niyo ni Star." Patuloy niya na akala mo ay nabasa ang laman ng isip ko.

"Mahahanap mo rin yung taong para sa'yo. Malay mo nasa tabi mo lang." Patuloy niya saka tumawa ng malakas.

"Buang..." bulong ko. Ginulo naman niya ang buhok kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ngiti na. Ampanget mo na." Sabi pa niya kaya napangiti ako.

Kahit naman ganyan tong taong to napapagaan parin naman niya ang loob ko.

Tama siya.

Siguro hindi nga talaga si Ken ang para sa akin.

Mahal ko siya. Pero mas mahal ko si Star. Kaya kung may dapat man akong piliin, si Star yun.






To be continued...

Your Fangirl | SB19 Ken✔Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu