F a n 17

1.1K 52 32
                                    

- Star's P.O.V -

Kakagaling ko lang sa The Brightest Bar. Dumeretyo ako sa mall para bumili lang ng kung ano-ano.

Nag-aabang na ako ngayon ng taxi pauwi. Hindi ko nadala ang kotse ko dahil coding. Tapos si Yuan naman ay kasama ngayon si Xia. Girlfriend niya.

Wala akong choice kun'di ang pumunta dito ng mag-isa.

Medyo madilim na ngayon at mukhang uulan pa. Kung minamalas ka nga naman, oh.

Ilang minutes pa akong nag hintay ng dadaan na taxi pero walang dumadaan. Umaambon na rin. Malas talaga.

Dahil wala na akong mahintay ay kinuha ko na ang phone ko sa bag at tinawagan si ate Kira para magpasundo na lang.

"Hello!" Sigaw niya sa kabilang linya kaya nailayo ko ang cellphone sa tenga ko. "Busy ako kung magpapasundo ka. Magpasundo ka na lang sa iba, bye!" Patuloy niya. Magsasalita pa sana ako pero pinatay na niya ang tawag.

Napapadyak na lang ako dahil sa inis. Kunot noo kong tinungo ang bench para umupo, hihintayin ko na lang na tumigil ang ulan.

-

Hindi ko alam kung ilang oras pa akong naghintay pero hindi parin tumitila ang ulan. Inip na inip na ako, gusto ko ng humilata sa kwarto ko at matulog!

Ilang sandali pa ay may lalaking lumapit sa kinauupuan ko. Hindi ko na lang pinansin dahil baka gaya ko ay naghihintay rin siya na tumigil ang ulan.

"Stellar..." gulat akong napatingin dun sa lalaki dahil binanggit niya ang pangalan ko.

"K-ken..." utal kong banggit sa pangalan niya. Tsk! Bakit ako nauutal?

"May hinihintay ka ba?" Tanong niya kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Hinihintay ko lang na tumigil ang ulan." Sagot ko. Nakita ko naman na umupo siya sa tabi ko.

Bakit ang lamig naman ata? Hindi naman kanina eh.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming tahimik lang pareho. Gusto ko na talagang umuwi! Hindi ko kinakaya ang awkwardness sa pagitan namin ngayon.

"Mukhang hindi na titigil ang ulan, hatid na lang kita sa inyo." Pagbasag niya sa nakabibinging katahimikan.

Tumayo na rin siya pero nanatili lang akong nakaupo. Ayaw kong maging assuming. Baka hindi pala ako ang kausap niya.

Tumingin siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Tsk! Tumikhim siya kaya tumingin ulit ako sa kanya. Nakakunot ang noo kaya napaturo ako sa sarili ko.

"Ako ba ang kausap mo?" Inosenteng tanong ko kaya napa cross arm siya.

"May nakikita ka pa bang ibang tao dito?" Tanong niya kaya napatingin ako sa paligid. Kami nga lang ang tao sa gawing ito ng mall.

Papayag ba ako? Pero kasi gusto ko ng umuwi! Pero ayaw ko rin namang kasama 'to.

"Ano? Sasabay ka o hindi? Kung hindi, sige mauna na ako." Biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Akmang maglalakad na siya kaya agad akong napatayo.

"Tsk!" Rinig ko pa sa kanya bago siya tumalikod at naunang maglakad kaya sumunod ako sa kanya.

Ngayon lang naman 'to. Hindi naman ako sasabay kung may choice ako.

- Ken's P.O.V -

Nandito ako ngayon sa The Brightest Bar. Pumunta kasi ako kanina sa bahay nila Stellar pero wala siya 'dun. Nagbaka sakali lang ako na nandito siya, at hindi nga ako nagkamali.

Your Fangirl | SB19 Ken✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon