F a n 09

1K 48 0
                                    

- Star's P.O.V -

Mabilis na lumipas ang araw.

Hindi ko nga rin namamalayan na naging close na sina Klea at Ken.

Sa mga nakalipas kasi na araw ay lagi akong hinahatid ni Ken sa bahay at lagi rin kaming dumadaan sa bahay nila Klea.

"Alam mo? Kung siguro sinabi mo na noon pa na ikaw yung hinahanap ni Ken, edi sana ikaw yang kasama niya ngayon na masaya."

Nagulat ako dahil sa pagdating ni Shaila.

"Huwag ka ngang mang gulat ng ganyan!" Bulyaw ko pero inirapan lang niya ako saka umupo sa tabi ko.

"Sabihin mo na habang maaga pa." Tinapik niya ako sa balikat. "Hindi malabong mahulog ang loob niya sa kaibigan mo." Patuloy niya kaya napatingin ako sa kinaroroonan nila.

Paano nga kaya kung mahulog sila sa isat-isa?

---

Friday palang ngayon pero hindi ako pumasok sa trabaho dahil masama ang pakiramdam ko. Pero inutusan ako ni ate na magbantay muna sa The Brightest Bar dahil may importante siyang pupuntahan ngayon.

Wala naman na akong nagawa dahil ako lang naman ang maaasahan niya.

Ayaw na ayaw ko pa naman ng amoy ng lugar na ito pero no choice.

Nandito ako ngayon sa counter at nakatunganga sa mga tao na labas masok.

Ilang sandali pa ay may taong hindi ko inaasahan na papasok sa lugar na ito. Si kuya Stell.

Umupo siya malapit sa stage kung saan may nagpeperform na banda. May sumunod naman sa kanya na waiter at kinuha ang order niya.

Ilang sandali pa ay may napansin akong babae na nakatayo sa tapat ng kinauupuan ni kuya Stell. Seryosong nakatingin sa kanya habang umiinom ng alak na inorder nito kanina.

Teka, hindi naman si ate Natayah 'yung babae, ah?

Umupo ang babae sa tapat ni kuya Stell at inilayo ang mga alak sa kanya. Para namang stress na stress na si kuya Stell base sa reaksyon niya.

Nawala lang ang atensyon ko sa kanila ng may tumawag sa akin na tauhan ni ate dito sa bar.

"Wala 'daw po ang vocalist ng banda. Kung pwede po ay ikaw na lang po ang kumakanta ngayon miss Star." Nakayuko nitong sabi sa akin.

"What? Bakit ako? Wala bang extra vocalist ang banda na yan?" Tanong ko at umiling naman ito bilang sagot kaya napahilamos na lang ako.

Napatingin kaming pareho dahil may sumigaw na customer. Nagre-request ng magperform ang banda.

"Pumayag na kayo Miss Star." Nakayuko pang sabi ng lalakeng nasa tapat ko.

Wala na akong nagawa kundi ang tumango at naglakad papunta sa kinaroroonan ng banda. Takte napasubo ata ako ngayon!








To be continued...
---

Your Fangirl | SB19 Ken✔Where stories live. Discover now