F a n 15

1.1K 44 6
                                    

- Klea's P.O.V -

Isang buwan. Isang buwan na ang nakalipas simula nung umalis dito sa bansa si Star. Sa isang buwan na iyon laging lutang si Ken. Ni hindi makausap ng maayos.

Naaawa na nga ako sa kanya. Gusto na nga rin niya sundan dun si Star sa Korea pero syempre pinigilan siya ng mga kagrupo niya.

Tinatanong niya rin ako kung saan sa Korea siya pumunta, pero kahit na ako ay hindi ko alam.

"slfangirl? Hoy Ken nabasa mo na ba 'to?" Sigaw ni kuya Sejun kay Ken kaya napatingin kami sa kanya.

"Ano ba 'yan?" Tanong niya na nakakunot ang noo. Tumayo si Kuya Sejun saka ipinakita ang cellphone niya kay Ken.

"To monok na Ken..." basa niya. Kumunot ang noo niya dahil nagsitawanan kami. Buang yung kung sino man ang nasa likod ng username na 'yun. HAHAHAHA.

"Buang..." bulong pa niya at ibinato kay kuya Sejun yung phone. Buti na lang at nasalo niya ito.

"Naku! Pag nakilala mo yan Ken pagsisihan mong sinabihan mo yan ng buang." Sabi naman ni Justin saka naiiling pa.

"Wala. Akong. Pake!" Madiin na sabi nito kaya natawa na lang si Jah. Parang may nalalaman tong mais na 'to na hindi namin alam. Tsk!

"Bahala ka." Ani Jah at lumabas na.

---

Mabilis ulit na lumipas ang mga araw. Nakakapanibago lang dahil wala si Star. Nag deact kasi siya sa lahat ng social media account niya.

Si Ken naman ay okay naman pero palagi ko siyang nakikitang tulala.

"Ken..." tawag ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa coffee shop ni Shaila. Dito niya kasi hinihintay si Star. Pero walang Star na dumadating.

"Gusto kong mapag-isa." Malamig na sabi nito. Alam kong galit siya sa akin dahil nahsinungaling ako sa kanya. Pero pinagsisihan ko naman na iyon, e.

"Alam kong galit ka sa aki--"

"Please gusto kong mapag-isa." Putol niya sa sasabihin ko kaya tumayo na lang ako at lumipat ng mauupuan.

- Ken's  P.O.V -

Napahilamos ako sa mukha ko pagkaalis ni Klea sa harap ko. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon.

Napaangat ako ng tingin ng may biglang umupo sa tapat ko.

Si Shaila. Meron siyang hawak na papel.

"Sulat yan galing kay Star. Ibinilin niya na saka ko lang ibigay yan kapag isang buwan o mahigit na siyang wala dito." Panimula niya sabay lapag sa mesa ang sulat na tinutukoy niya.

"Wala ka namang nararamdaman sa kanya diba? Kaya sana hayaan mo na siya, Ken." Patuloy niya pa saka tumayo at bumalik na sa counter.

Napatulala na lang ako sa papel na nasa harap ko ngayon.

Wala ka namang nararamdaman sa kanya diba? Kaya sana hayaan mo na siya, Ken.

Ano ba talaga ang nararamdaman ko? Meron ba o dahil lang siya si Starlight na matagal ko ng hinahanap?

Wala sa sarili kong kinuha ang papel at binasa ang laman 'nun.

Hi Kenji, it's your fangirl Starlight.

Siguro alam mo na na ako si Starlight since binabasa mo na ngayon 'to.

Sorry, sorry dahil hindi ko sinabi ang totoo. Pero kahit naman sabihin ko wala namang mababago, diba?

Siguro isang buwan na ang lumipas kaya natanggap mo na ang sulat na 'to. Siguro wala na rin ako sa pilipinas.

Aamin na ako.

Ako si Stellar Light. Your Starlight. Ako si Stellar na matagal ng humahanga sa'yo mula sa malayo.

Ako si Stellar na lihim na nagmamahal sa'yo.

Alam kong hindi na importante ang mga sasabihin ko, pero gusto ko lang sabihin sa'yo.

Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa tuwing kasama mo ang kaibigan ko. Ako dapat 'yun, e.

Pero okay na ako. Huwag ka ng mag-alala pa sa akin. Tanggap ko na. Tanggap kona na hanggang fangirl na lang ako.

Tanggap kona na I'm just your fangirl, not your girl.

Ano man ang mangyari, tandaan mo. Nandito lang ako. Your Starlight♡




To be continued...

Your Fangirl | SB19 Ken✔Where stories live. Discover now